LVII: POWER COUPLE

1.5K 82 0
                                    

  Sunny's PoV

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa pagrereview. Maliwanag na nung magising ako. Hinanap ko agad si Valentin pero wala na siya sa kuwarto. Bumaba ako sa kusina at si Mama lang ang nakita ko.

Naghahanda na siya pumasok.

"UMALIS KANINANG MADALING-ARAW SI VALENTIN. NAGULAT NGA AKO, ANG AGA NIYA NAGISING. NAGPAALAM LANG SIYA SA 'KIN NA UUWI NA DAW MUNA," balewalang sabi ni Mama.

"MA, SORRY KUNG... KUNG DITO KO NA PINATULOG SI VALENTIN. GABI NA KASI AT NAKATULOG NA SIYA DUN SA SOFA SA KUWARTO KO. PROMISE, WALA KAMING GINAWA. YOU HAVE NOTHING TO WORRY ABOUT---"

Tumawa nang malakas si Mama at nagsuot ng sapatos niya.

"HAY, ANO KA BA? SIYEMPRE ALAM KO YUN. KILALA KITA AT ISA PA... NAKIKITA KONG MABAIT NA BATA YUN SI VALENTIN. IN FACT, YANG DIALOGUE MO NA 'YAN... NARINIG KO NA SA KANYA KANINA."

Eh? Kinausap na ni Valentin si Mama?

Niyakap ako ni Mama at lumabas na siya ng bahay. Pero bumalik din siya.

"NGA PALA... AYUSIN MO NA SARILI MO. DARATING SI DEMOSTHENES AT IHAHATID KA SA SCHOOL, KAYA HALA! BIHIS NA!" Tapos nagtatakbo na ulit si Mama paalis.

Eh? Ano yung sabi niya? Darating si Valentin para sunduin ako? Bakit parang.... ang saya-saya ko? Halos umabot ang ngiti ko sa tenga!

Naghanda na agad ako. Para akong si The Flash sa bilis ng kilos ko. Maya-maya nga, narinig ko na ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse ni Valentin.

Sheeet! Kahit tunog ng makina, memorya ko na! Bakit yung nireview ko kagabi, kahit anong tumbling ko, hindi tumatatak sa isip ko?

Samantalang kay Valentin, ultimo yabag ng paa, alam na alam ko!
"MAARAW, YOHOO!! I'M HERE..." tawag ni Valentin mula sa tapat ng pinto.

Nagmamadali kong binuksan ang pinto at bumungad sa 'kin ang oh-so-gorgeous-in-his-uniform-and-dazzling-smiling-eyes na si Valentin. He looked mesmerizing.

"GOOD MORNING, SUNSHINE!!" heart emoticon Automatic na yumakap si Valentin pagkakita sa akin. Eh siyempre gumanti din ako, lagay ba'y siya lang mananantsing? Dapat ako rin.

"GOOD MORNING..." bati ko.

Pumasok si Valentin sa loob ng bahay at feeling at home na umupo sa sofa with matching taas ng paa.

"SI MAMA?" Narinig kong tanong niya nung papunta ako sa kusina.

"MAMA?!" At kelan pa naging Mama ni Valentin ang Mama ko??

"SI MAMA? MAMA MO NA MAMA KO NA DIN! SHE TOLD ME TO CALL HER MAMA, JUST SO YOU KNOW DEAR..."
Tch! Eh di sila na ang close!

"PUMASOK NA SA MUNISIPYO!" sagot ko. Inayos ko yung mga pagkain sa lunchbox. Hindi ako bumibili ng pagkain sa school dahil parang may gintong rekado yung mga ulam dun sa sobrang mahal. Mas gusto ko ang magbaon.

Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Valentin sa kusina at yumakap mula sa likod ko.

Automatic na nanigas ang mga nerves ko, pati na yata gulugod ko. I could feel his hard chest behind my back. And my nose was flared with that heavenly scent from him. He smells like a fresh ocean breeze with hint of fruits. Teng ene!

"WA'CHA DOIN'?" malambing na tanong niya.

Ginagawa ko? Magbibigti na! Seset!

"TABI NGA DYAN! BUSY AKO, VALENTINO! WAG MO AKONG GAMBALAIN, TUTUSUKIN KITA NITONG TINIDOR SA NOO MO!" angil ko para pagtakpan ang intense war of gnawing hunger sa loob ng sikmura ko. Hunger for Valentin!

Umingos lang siya at bumitaw. Umupo siya dun sa mesa sa tabi ko. "I'M HUNGRY..." sabi ni Valentin maya-maya.

"GUTOM KA? WAIT... KUKUHA LANG AKO NG---"

"I'M HUNGRY FOR YOUR LIPS, COME HERE AND GIVE ME SOME KISS......"
Puteeeek!

Dinampot ko yung kutsilyo at inihaya kay Valentin.

"HINDI KA TITIGIL SA KALOKOHAN MO HA?"

Humahalakhak na tumakbo si Valentin papunta sa living room. Walanghiyang lalaki yan! Ginugulo ang brain waves ko!! Peste!

Pagkatapos kong ayusin yung pagkain ay inaya ko na si Valentin na umalis.

----------
Valentin's PoV

Lol. Ang sarap asarin ni Sunny. Haha! Inis na inis siya kanina sa mga hirit ko. Tch! Sabi ko naman sa kanya eh. Guguluhin ko ang utak niya! At gagawin ko yun, araw-araw!!
Whahahahaha!

Tahimik lang si Sunny habang nagbibiyahe kami nang bigla akong may naalala.

"HEY SUNNY DEAR..." tawag ko.
Nakita kong agad namula si Sunny sa sinabi ko. He he!

"MMMMMM. BAKIT?" tanong niya.

"I WAS JUST WONDERING... NABUKSAN MO NA BA YUNG BINIGAY KO SA YO NA BOX?" tanong ko.

Natigilan si Sunny at umiling. "HINDI PA. MAMAYA NA LANG... ANO BA LAMAN NUN?" sabi niya.

Ngumisi ako. "LAHAT NGA NG NASA LOOB KO..." sagot ko.

Sumimangot si Sunny. "ANO, TAE?"

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Hahaha! Tae? Ano ba namang babae 'to? Nasaan ba ang utak niya?

Nakatingin lang si Sunny habang tumatawa ako. Nung masamid ako, inabutan niya ako ng tubig.

"YAN SIGE... TAWA PA, VALENTINO. MAMATAY KA MAN, AT LEAST MASAYA KA," sabi niya. Tch!

Nung makarating kami sa school niya ay agad din siyang lumabas ng kotse. Hindi na nga ako bumaba eh. Lumibot si Sunny at kumatok sa side mirror ko kaya binaba ko yun.

May inabot siyang paperbag. Kinuha ko yun. "LUNCH MO... I PREPARED THAT KAYA KAININ MO..." Tapos mabilis siyang dumukwang at humalik sa 'kin. Natulala tuloy ako.

"THANKS DUN SA TERM PAPER KO..." tumayo siya at kumaway. "INGAT SA PAGMAMANEHO... MAUNA NA AKO..." sabi niya.

Tumango ako at ngumiti. Yun lang at nagtatakbo na siya papasok sa school nila.

Naiwan akong parang bangag sa pagkakangiti. She kissed me! Slick! That girl surprised me to no end. And she prepared my lunch. Parang gusto ko na yatang kainin 'to.

Aysh! Mamaya na lang. Iinggitin ko muna si Rust! Whahahahaha!

Binuksan ko yung radio at agad na pumailanglang sa ere ang isang kanta..

~~kay sarap pala, ang ibigin mo...
Para bang ulap ang, nilalakaran ko.
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo...
Nagsasabing 'mahal mo rin ako.'

Hmmmm. Nice song.

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon