Sunny's PoV
"SASHA?!" Gulat kong sabi matapos mabungaran ang babae sa tapat ng bahay namin. Naka-all black na damit siya at nakasumbrerong itim din.
"SUNNY... CAN I ASK YOU A FAVOR?" sabi niya agad nung makita ako. Sasha looked very troubled. Isa pa, napansin kong nanginginig siya at may sugat ang kaliwang braso niya.
Pinapasok ko si Sasha sa loob ng bahay.
"ANONG NANGYARI SA'YO AT PARA KANG HINABOL NG SAMPUNG KABAYO?!" tanong ko sa kanya habang ginagamot niya yung sugat niya. Sasha dealt with her wound expertly na para bang sanay na sanay na siyang gamutin ang mga sugat niya.
"HOW I WISH NA KABAYO NA LANG ANG HUMABOL SA AKIN.... KASO HINDI!! THEY'RE MORE LIKE DEMONS!"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sasha. Pero dati pa naman, hindi ko na siya naiintindihan. Tawag niya sa lalaki ay 'meat', pero minsan wala siyang pakialam sa kanila.
Weird pa manamit, akala mo miyembro ng army, may dogtag pa siya na gawa sa titanium at may tatak na 'Ash Eighteen'.
"DITO KA NA MATULOG, SASHA..." aya ko sa kanya nung makita kong tapos na niyang gamutin ang sugat niya.
Umiling lang ang babae. "I CAN'T... AND I SHOULDN'T... PAHIRAMIN MO NA LANG AKO NG ILANG DAMIT MO AT BAG NA RIN.."
Hindi na ako nagtanong kung bakit niya pa kailangang gawin yun. Sigurado ako na meron siyang malalim na dahilan.
Iginagayak ko yung kailangan niya nung may dumating na isa pang babae sa bahay. At nagulat ako ng todo-todo dahil..... may hawak siyang baril.
"NO! SUNNY, IT'S OKAY.. SHE'S A FRIEND OF MINE. HUWAG KANG MATAKOT SA KANYA..." ani Sasha nung makita niyang nagulat ako sa babae.
Nag-usap nang pabulong ang dalawa. Mabibilis at tila nagtatalo. The new girl looked very boyish. Maiksing maiksi ang buhok niya at gaya ni Sasha, parang lalaki din itong manamit at kumilos.
Kakaiba ang mata niya, which tells me na may foreign-blood ang babae. Probably, Armenian, Georgian or Turkish, somewhere around the Balkan Peninsula.
Maya-maya, lumapit sila sa 'kin. Inabot ng babae ang kamay niya.
"HI! I'M THERESA RUBEL A.K.A. TRUBEL... YEAH, IT SOUNDS LIKE 'TROUBLE' BUT NEVERMIND THAT NOW..." bumaling siya kay Sasha. "ASH, WE SHOULD GO. THE TRAIN'S ABOUT TO LEAVE..." sabi ng babae.
"SI HELLA?" tanong ni Sasha.
"HINDI KO SIYA NAPILIT SUMAMA. AYAW NIYANG IWAN SI HAKE! PASENSYA NA PERO ALAM NAMAN NATIN KUNG GAANO KATIGAS ANG ULO NG BABAENG 'YUN! I GUESSED, SHE JUST WANTED TO PROTECT HER SO-CALLED BOYFRIEND AGAINST THE 'AZAZ'. HAAAAAY! KAYA YAN ANG NUMBER ONE RULE SA ORG NATIN. 'DON'T FALL IN LOVE... EVER!' WHOOO! SAKIT SA ULO! KAYA AKO...? HINDI TALAGA AKO MAIINLOVE SA MGA LINTIK NA LALAKING 'YAN!" Nakasimangot na sabi ni Trubel na mabilis na tinungo ang pinto.
Wala akong naintindihan sa sinabi ng babae. Para lang akong nanood ng Japanese movie na walang english subtitle. Hindi ko sila na-gets.
Lumapit sa akin si Sasha.
"HEY SUN... SALAMAT HA?" sabi niya.
Ngumiti ako. "DON'T MENTION IT..."
Suddenly, Sasha's face grew fonder.
"AHM. MAY IPAPAKIUSAP SANA AKO, SUN.... KAPAG..... KAPAG DUMATING SI RUST AT NAGTANONG NG TUNGKOL SA 'KIN, PLEASE... WAG MONG SASABIHIN NA PUMUNTA AKO RITO..."
Malungkot at medyo nag-aalala ang boses ni Sasha. Hindi ko man maintindihan kung bakit, hindi na ako nagtanong.
"WALANG PROBLEMA..." sagot ko.
"ASH!! LET'S GO!!" tawag ni Trubel mula sa labas ng pinto.
Mabilis na yumakap si Sasha sa akin bago nagtatakbo palabas ng bahay. Sabay na nawala sa dilim ang anino nila ni Trubel. Kung saan sila papunta, wala akong ideya.
Napasaltak na lang ako. Iniisip ko kung anong meron sa pagitan ni Rust at Sasha ngayon. At kung bakit ayaw ipaalam ni Sasha kay Rust na pumunta siya dito. Ay ewan!
Paakyat na sana ako sa kuwarto nang makarinig ako ng katok kaya bumalik ako para tingnan kung sino yun.
Pagbukas ko... bumungad sa 'kin si Valentin at si Rust.
"O GABING-GABI NA, NAPASUGOD KAYO?!"
Pinapasok ko sila sa loob matapos bumati ng yakap si Valentin.
"NOT MY FAULT, HONEY... SI RUST ANG NANGULIT NA PUMUNTA RITO. MAY ITATANONG YATA..." paliwanag ni Valentin.
Kinutuban agad ako.
"ANO YUN, RUST?" sabi ko sa lalaking tila nasa ibang dimensyon ang utak.
"HUH? AHM... I.... AHMM---"
"C'MON RUST... KINALADKAD MO AKO DITO TAPOS NGAYON MAGI-STAMMER KA DYAN! EH KUNG INUUPAKAN KAYA KITA, ANO?!" sigaw ni Valentin.
Binatukan ko nga.
"BUNGANGA MO!" sabi ko.
"EH SIYA EH...." ingos ni Valentin.
Lumapit sa kin si Rust at huminga ng malalim.
"AHM... SUNNY, BY.... BY ANY CHANCE... DUMAAN BA DITO SI.... SI SASHA? I KNOW YOU WOULDN'T UNDERSTAND THIS, BUT PLEASE TELL ME... PUMUNTA BA SIYA DITO?" parang sinasapian si Rust habang nagsasalita. Nagkatinginan tuloy kami ni Valentin.
"I.... I'M SORRY, RUST... PERO HINDI... HINDI PUMUPUNTA DITO SI SASHA..." naka-cross finger ako habang sinasabi yun at nakita yun ni Valentin dahil nakahawak siya sa likod ko. Umigkas tuloy ang kilay niya pataas.
Nanlumo si Rust at umupo sa sofa. "G-GANUN BA?" sabi niya.
"BUT MAYBE YOU SHOULD TRY ANJA OR... LILY.. BAKA DUMAAN SA KANILA SI SASHA..." suggest ko.
Umangat ng tingin si Rust at agad tinanong ang address ng iba naming kaibigan.
"HINDI AKO SASAMA SA'YO, RUST... WALANG KASAMA SI SUNNY DITO.. WALA PA SI MAMA.." sabi ni Valentin.
Mukhang ayos lang naman kay Rust. Umalis agad ang lalaki. Pursigidong mahanap si Sasha.
Nang makaalis si Rust, humarap sa 'kin si Valentin at ngumisi..
"SOOO. WHAT WAS THAT FOR? THAT CROSS-FINGER THING?" tanong niya.
Aish! Tsismoso talaga nito.
"MAHABANG KUWENTO..." sagot ko.
"I'M MORE THAN WILLING TO LISTEN..." sabi niya.
Tch! Hindi talaga siya papayag. Sumaltak ako at lumakad papunta sa hagdan.
"TARA SA KUWARTO. IKUKUWENTO KO SA 'YO..." sabi ko.
"OW... EXCITED NA KO..." tumaas-bumaba ang kilay ni Valentin.
"NO MONKEY BUSINESS, VAL... ALAM KO NASA ISIP MO...." babala ko sa lalaki.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"AT KELAN KA PA NAGING PSYCHIC?" tanong niya.
"HINDI NA KAILANGAN NG PSYCHIC ABILITY PARA MALAMAN ANG NASA UTAK MO, VALENTINO... IT'S WRITTEN ON YOUR FACE...." angil ko.
At tumawa ng malakas si Valentin.
Tch! Kailangan kong higpitan ang sinturon ko!!
----
![](https://img.wattpad.com/cover/55328332-288-k431862.jpg)
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
Storie d'amoreDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...