The Dark Writer

1.8K 123 6
                                    

XIV-- THE DARK WRITER

Demosthenes' PoV //

The skies looked kind of nice, bright blue with patches of white clouds.

Blue and white. What a happy colors. Buti pa ang langit, kulay masaya. Samantalang ako... hanggang ngayon nagdudusa.

My color is red. Red as blood, red as the dying sun approaching its destination.

Paano ba ang maging masaya? Yung saya na tagos sa kaluluwa at hindi napipilitan o pakitang-tao. Sa lahat ng nangyari, bakit hanggang ngayon hindi ako makaalis sa kadilimang kinasasadlakan ko? Bakit hanggang ngayon, nagagalit pa rin ako? Anong uri ng buhay ang meron ako?

Eto ba ang parusa sa'kin ng Diyos? Dahil nagkasala ako? Mas mabuti pa sigurong kunin Niya na rin ang buhay ko. Baka sakaling makita ko pa si.......

No.... tama na... tama na please...

Mas naniniwala ako na demonyo ang may kagagawan nito. Kung naguguluhan ka sa sinasabi ko... wala akong pakialam. Hindi ko obligasyon ang magpaliwanag.

"TOL! TARA KAKAIN! MAY PA-BLOW-OUT SI MR.WINSTON DAHIL NANALO TAYO," tawag ng isang kasamahan ko sa baseball team. Umiling lang ako. Nagkibit-balikat siya at umalis kasama ng team.

Naiwan akong nakasandal sa may poste at nakatingin sa kawalan. Tapos na ang laro at wala na ang mga audience. Isang tahimik at walang buhay na lugar na lang ang open field na to. Maglagay ka ng Krus at mistulang sementeryo na ang lugar na to.

Humugot ako ng hininga.

Bahagyang sumasakit ang balikat ko dahil sa pagsalo sa mabibilis na bola pero hindi ko'yun pinansin.

Imbes ay naglakad ako.......

Para lang harangin ng isang babae. Si..... *****!

Nagulat man ay hindi ako nagpahalata.

"ANONG KAILANGAN MO?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya ng direkta sa mata ko. Napansin ko na isa siya na may kakayahang gawin'yun. Ang direktang pagtingin sa mata ko nang walang alinlangan.

Iniangat niya ang paperbag na hawak niya. "MMMM. NAPANSIN KO NA HINDI KA KUMAIN KAYA.... HETO! SAYO NA LANG!" dali-dali niyang binigay sa'kin ang paperbag na may drawing na 'arrow'.

Tapos tumingin siya sa relo niya at nagmamadaling tumalikod bago tumakbo nang mabilis at nawala sa exit ng Open Field.

Kung gaano siya kabilis sumulpot ay ganun din siya kabilis nawala. Naiwan akong hawak ang paperbag na inabot niya.

Nang tingnan ko'yun. Isang lunchbox ang nakita ko. Hindi ko alam pero..... napangiti ako.

Yeah, mistery para sa'kin ang biglang pagsulpot ng babaeng'yun. At nakakaintriga ang pagdating niya sa lugar na to. Tuwing hindi siya nakatingin..... ay saka ko siya pinagmamasdang mabuti.

Noong unang beses na makita ko siyang ngumiti, biglang nabuo sa isip ko ang konsepto ng DAMSEL OF THE SUN nang hindi ko namamalayan.

Isang misteryosang babae, nanggaling sa malayong lugar at hindi alam ang patutunguhan. Nakikisalamuha sa mga taong wala siyang ideya na kaya siyang sakmalin ng buo.

Yun ang DAMSEL at yun din siya.

Sayang... hindi niya alam ang pinapasok niya!

Gusto kong iwan ang paperbag sa isang tabi... pero naisip kong baka hanapin niya yung lunchbox kaya dinala ko na lang pauwi.

Pagkadating ko sa bahay, naisip kong magbukas ng account ko sa Wattpad. Ang wattpad.... ang access ko sa huwad na mundo. Gamit ang huwad na identity bilang Demosthenes.

Kung wala ito.... baka nabaliw na ako nang tuluyan. Wala akong pakialam sa readers, followers o kahit haters pa. They can blah blah all they want, I don't care! Ang gusto ko lang ay maglabas ng saloobin sa pamamagitan ng kuwento.

That's why I created the demagogue DEMOSTHENES, hiding behind his name. But I do admit, may mga followers ako na nagstand out sa mata ko.

Most of them were boys like me. Troubled Kids. Isa lang ang babae na nakatawag ng pansin ko.

A girl called 'SECRET66'. Siya ang pinakamasipag sa lahat ng followers ko. Although, like me... her identity was hidden. Even her picture looked silly, a fat cat with red ribbon. She never fails to comments, likes, or blah blah everynight.

The Stupid Girl even accepted my challenge to find the last chapter of my piece. Tch. She'll never find it. Because that chapter was hidden..... right inside my heart. Goodluck to her, though.

-----

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon