-----
XX: BONDED 2
Secret PoV //
"VALENTIN!! VALENTIN!!" tawag ko pero wala pa ring sumasagot.
Pinatong ko yung dala kong paper bag at nagtatakbo sa kusina. Bukas din ang ilaw dun, pero wala si Valentin.
Umakyat ako sa taas ng bahay.
Tch! Ang hirap ng malaki yung tinitirhan tapos mag-isa lang naman siya. Tiningnan ko isa-isa yung mga kwarto. Hanggang sa mabuksan ko yung isa na may ilaw at tunog may umaagos na tubig.
Kinakabahan man, pumasok ako sa loob nun. Magulo yung beddings nung kama na nandun. Tapos bukas yung pintuan ng c.r. yata yun.
Hahakbang na sana ako para sana itsek kung nandun siya nung bigla namang lumabas si Valentin mula doon.
Nakayapak.
Nakafitted black jeans.
Nakahubad.
At sa ulo ay may nakapatong na light blue towel habang tumutulo ang basa pang buhok.
Sabay kaming natigilan, tapos nagkatitigan.... matagal. At.....
"IKAAAW!" gulat na gulat na turo niya sa kin.
Napanganga na lang ako habang tinititigan ang katawan ni Valentin. Lean body, fair skinned, toned muscles, not to mention that boom boom boom pow!
Tsinekan ko isa isa ang mga abs niya. Merry Christmas, ho ho ho! He looked sooo..... yummy!
Syet!
Biglang ngumiti nang nakakaloko si Valentin nung mapansin ang tinitingnan ko. "NOW WE'RE QUITS! I'VE SEEN YOURS, YOU'VE SEEN MINE!! HAHAHA!" pakiramdam ko ay may sumirit na hangin sa tenga ko.
At bumilis din ang tibok ng dibdib ko. Nagmamadali akong tumalikod sa kanya at lumabas ng kuwarto.
"HAPPY CHRISTMAS, SUNSHINE!!" habol na sigaw ni Valentin at pumailanglang sa ere ang malutong na halakhak niya.
"BALIW!" ganting sigaw ko.
Bumaba ako sa living room at dun hinintay ang kulugong lalaki. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa kanya.
Ewan ba. Bigla akong na-tense!
Nakakita lang ako ng abs, na-tense na agad ako. Kailangan ko yatang bumalik sa simbahan at lumakad ng paluhod. Mukhang nagkasala yata ako.
Nagkukot ako ng kuko at parang natatae na naghintay kay Valentin. Maya-maya, bumaba na din siya. Wearing the most mischievous smile on earth and his eyes was twinkling.
Napasinghap tuloy ako. Tumayo ako... at umupo.... at tumayo ulit.
Hanooo baaa? Para akong tanga!
"I FORGOT TO SAY... GOOD MORNING! ANG AGA MO YATANG NALIGAW DITO?" nakangiting bati ni Valentin na ni hindi pa nakuhang magsuklay ng buhok. Sheeeet! Ang hoooooot!
"AH.. EH.. KASI ANO... UMMM.. ANO..." ano ngang tanong niya? Ah yung ligaw part. "AH. NAISIP KO KASI NA, TUTAL NAG-IISA KA DITO SA INYO BAKA KAKO HINDI KA NA MAG-CELEBRATE NG CHRISTMAS... SO NAGDALA NA LANG AKO NG PAGKAIN. HEHE. MY MOM PREPARED THIS.." kinuha ko yung paperbag at tiningnan si Valentin. Medyo nailang ako dahil iba na naman yung tingin niya... hindi ko mabasa.
Tapos bigla siyang ngumiti at kinuha ang paperbag sa kin.
"EI? FOR ME? THANKS! WOW! ANG AGA MO PARA LANG MAGDALA NITO?" sabi niya na hinalungkat ang laman ng bag.
"UMMM. ANG TOTOO DAPAT KANINA PA AKO PUPUNTA DITO. RIGHT AFTER MIDNIGHT, NAISIP KO NAMAN NA----- JESUS FRECKLES!!! ANONG NANGYARI DYAN?!!" turo ko sa kanang kamay niya na may malalim na hiwa at medyo dumudugo pa.
Yun siguro yung dahilan kaya may mga patak ng dugo sa sahig!
Natigilan si Valentin. Tapos nagkibit-balikat lang siya. "NAG-TRY AKONG MAG-REASSEMBLE NITONG BAHAY KANINA DAHIL NAIINIP AKO. NUNG IBINABABA KO YUNG MGA BASE GALING SA TAAS NUNG CABINET, DUMAAN YUNG PUSA NG KAPITBAHAY AT NATABIG YUNG TINUTUNGTUNGAN KONG SILYA. AYUN... NAHULOG AKO AT NABASAG YUNG MGA BASE. TCH! YUNG ISA... ETO, NAG-IWAN NG SOUVENIR," paliwanag niya.
Ah ganun naman pala.
Inaya niya ako sa kusina dahil kakain daw siya, hindi pa raw siya nagbe-breakfast eh.
Kawawang bata!
Naupo siya sa isang silya at nagsimulang kainin yung dala ko. Valentin eats like a child. He makes a funny sound when he chew.
Habang tinititigan ko siya'y may mainit na pakiramdam na bumabalot sa katawan ko. Almost like a..... longing feeling. A wanting feeling to hold him.
Sheeeeet! Nababaliw na ako.
May nakita akong medicine cabinet sa isang gilid, lumapit ako dun at kumuha ng bulak, gaza, bandage at alchohol. Tapos lumapit ako sa kanya.
Napatayo siya sa pagkain nang makita ang hawak ko. At gulat na gulat ang mukha niya. Eh?
"HEY! P-PUT THAT BACK! I-I..." mukhang takot siya.
"BAKIT? KAILANGANG MADISINFECT YANG SUGAT MO!" lumapit ako sa kanya at mabilis siyang humakbang palayo
"DON'T! DON'T GO NEAR ME..." gusto kong tumawa sa expression ng mukha ni Valentin. Takot na takot siya dun sa mga hawak ko, o siguro dun lang sa..... alcohol!
"HINDI PWEDE! BAKA MAINFECTION KA!" mabilis akong lumapit kay Valentin pero tumakbo siya papuntang Living Room.
"WAAAAAAAH! NOOOOO! ANYTHING... ANYTHING BUT ALCOHOOOOOL!!" sigaw niya.
Tch! Para siyang bata. Sinundan ko siya. "HEY VAL! THIS WON'T HURT..."
"LIAR!" sigaw niya.
Nakita ko siyang nasa may likod ng pinto. "SIGE NA! MADALI LANG TO. PROMISE... THIS WON'T HURT.. I'LL BE GENTLE..." Teka? Bakit parang tunog malaswa yung sinabi ko?
"REALLY?" silip ni Valentin. Ngumiti ako at tumango. Nakita kong nag-isip si Valentin at mya-maya ay dahan-dahan na lumapit.
Tch! Ibang klase.
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...