VII: BOOK
Secret PoV//
Nakakatawa na mula sa pagiging simpleng tagahanga ng weird na writer, naging manager na ako ng baseball team ng Winston-Salem team.
Oo, 'yun ang pangalan ng team nila. I was introduced by everyone including Rust. At nag-comment sila na ako yung girl na muntik ng tamaan ng bola.
Mababait silang lahat, maliban kay Rust at sa isa pang member na hindi ko mapronounced ang pangalan dahil challenging.
Umuwi ako ng hapon na'yun na feeling satisfied at masaya. May naachieved ako sa goal ko ngayong araw.
Nalaman ko na taga-doon lang sa lugar na'yun si Demosthenes.
Binuksan ko ang wattpad account ko at hinanap ang profile niya. He he!
Ano ka ngayon?
Binibelatan ko ang account niya nang biglang may lumabas na bagong update niya para sa novel na HARUKA. About 'yun sa isang dark assassin na hindi makita ang sarili.
Sa author's corner nabasa ko na nag-message siya. "STUPID! STUPID! STUPID! WHAT THE HELL IS WRONG?! WRONG?! EVERYTHING IS WRONG!! IF ONLY I COULD TURN BACK TIME... I WISH.."
Eh? Walang kasunod? Anong wish niya?
Asar! Di niya sinabi.
Ano kaya'yun?
House and lot? Sexy girlfriend? Wala ako parehas nun.
But I can loved him eternally, charoot!
Tsk! Ano ba kasi--- Ui may kasunod.
"... I COULD SEE HER ONCE MORE."
Ouch!
Sino ang HER na'yun?
Nagwala ang mga commentators dahil gusto nilang malaman kung sinong HER kaso, asa pa silang sumagot ang Badtrip na yan.
Sa dinami dami ng nagcocomment ng violent reactions, eh siyempre nag.comment din ako.
Sabi ko... "Hypocrite. Kunwari pang galit sa love'yun pala, may namimiss! Hay naku!"
He he. Wala Lang. Pang-okray lang.
Kaso bigla siyang nag-PM. Kinabahan tuloy ako. Pagbasa ko sa message niya, kamuntik na akong mahimatay! Sabi niya, "HYPOCRITE?! EH? DON'T TALKED OF THINGS YOU HAVE NO BUSINESS TELLING! JUST BECAUSE YOU HAVE READ MY WORKS DOESN'T MEAN YOU KNOW ME!! MAG-INGAT KA SA PAGSASALITA MO, AT BAKA MAGSISI KA!"
Oh wow! Banta pa more.
Walang epekto sa'kin yan. Nagmessage ako. "PUWES KUNG AYAW MONG MASABIHAN HUWAG KANG MAG-POST NG NARARAMDAMAN MO! PATI MGA READERS MO DINADAMAY MO! PASALAMAT KA, FAN MO AKO! WE ALL SUPPORT YOU KAHIT PARANG HINDI KA TAO!!" sabay sign-out.
Hehehe. One point.
Tsk! Badtrip siya?
Bahala siya.
Eh sino naman kaya yung HER na'yun?
Tsk. Parang gusto ko ding mabadtrip!
Basta next na mga araw, hahanapin ko pa rin siya.
Natulog na ako.
AFTER THREE DAYS pa ako nakabalik sa San Juan para maging manager ng baseball team.
Manager, other word for alalay. Haha! Okay lang, ginusto ko to eh. Hindi ko nakita si Valentin sa team. May nilakad daw sabi nung teammate.
Si Rust naman, nandun nga pero parang wala din. Masyadong absent-minded. Hindi ko tuloy malapitan dahil sobrang dilim ng aura niya.
Mag-aabot sana ako ng tubig after ng limang Innings pero tumalikod ako nung makitang nakasimangot siya.
*Innings ang tawag sa set ng laro ng baseball
Nahiling ko tuloy na sana nandito si Valentin.
"PARE!! PAKISABI KAY LEN, YUNG ENDER'S GAME NA LIBRO TAPOS KO NA! GRABE! ANG INTENSE!! NAKATULONG SA RESEARCH KO YUNG COMMENT NI VALENTINE AS DEMOSTHENES AT SI PETER BILANG LOCKE SA PSYCH. PAKISABI THANKS HA?"
Huuuh?
Kumati yung tenga ko sa sinabi nung lalaking nagsalita.
Demosthenes yung narinig ko di ba? Teka! Teka! Pa-rewind!!
Tatanungin ko sana yung lalaki na nagsalita pero hindi ko na nagawa dahil...
*boogsh* sinalubong ng mukha ko yung mabilis na bola ng baseball!! Sapul ako!!
Tanga men! May laro pa nga pala bakit ako namamasyal?!
Bow.
----
Mod/Author's Note: Ang Ender's Game ay isang libro na sinulat ni Orson Scott Card kung saan may character na tinatawag na Demosthenes at Locke.
----
![](https://img.wattpad.com/cover/55328332-288-k431862.jpg)
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...