Sunny's PoV
February 5, 2015.
Akala ko magiging okay na ang lahat sa pagdating ng mga araw. Pero gaya ng gasgas na kasabihang Pinoy, marami ang namamatay sa maling akala.
I thought, Valentin will change. Well, he did changed. He changed for the WORST!
Nangyari yung kinatatakutan niya dati. Ang makalimutan kung sino siya!
Halos araw-araw akong pumupunta sa San Juan, at araw-araw din akong nadedepressed sa nakikita ko kay Valentin. Masyado siyang..... tahimik. He never talks, he never moves. He's..... in a state concious comatose.
Kapag may lumalapit sa kanya ay nagagalit siya. Ilang beses akong nagtangkang lumapit pero sina Mark ang pumipigil sa akin.
Tulad ngayon, nandito kami sa tapat ng kuwarto ni Valentin na kasalukuyang nagkukulong sa loob.
"PLEASE MARK... JUST LET ME. LET ME TALK TO HIM..." pakiusap ko.
"HE WILL NOT LISTEN, SASAKTAN KA LANG NIYA, SUNNY! LOOK AT WHAT HAPPENED TO MARIO," sabi niya.
Si Mario yung isang member ng team na tinulak ni Valentin at tumama ang likod sa matigas na bagay kaya ayun, injured.
"HE'LL GREW WORSE. GANYAN SIYA NOON---"
"SO GANUN NA LANG YUN? HAHAYAAN NA LANG NATIN SIYA NA GANYAN. TULALA. NAG-IISA---"
"GUSTO NIYANG MAPAG-ISA, SUNNY!!" sagot ni Mark.
"I DON'T CARE! VALENTIN IS FIGHTING A LONG LOST BATTLE THERE! HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-ISA NIYA LANG YUN HAHARAPIN! YOU ALL MIGHT GIVE HIM UP THAT EASILY, PERO AKO HINDI!!" sigaw ko.
Tiningnan ko siya ng masama. Napabuga ng hangin si Mark bago nilingon si Rust na tahimik na nagmamasid sa isang tabi.
Hindi ko alam pero may hint ng amusement sa mukha ni Rust but it dissolved when he blinked.
Tumango si Rust. Meaning, pwede akong lumapit kay Valentin. Yes! Inaya ni Rust na bumaba ang lahat ng nasa tapat ng silid ni Valentin.
Naiwan ako. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at nakita ko si Val na tahimik lang na nakaupo sa kama niya. Gusto kong bumuntung-hininga pero pinigilan ko.
Dahan-dahan akong lumapit kay Valentin. Kinakalkula ko ang galaw ko dahil baka mamaya batuhin niya ako nung kalapit niyang flowervase. Mabuti nang handa sa pag-iwas.
"Val...." tawag ko.
Walang reaksiyon.
"Valentin..." ulit ko.
Dahan-dahang lumingon si Val sa tinatayuan ko at kumunot ang noo niya. "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" madiing sabi ni Valentin.
Nalunok ko ang laway ko dahil sa nakakatakot na tingin niya. Kung ako lang ang masusunod, tatakbo na ako palayo.
Pero.... may pangako ako kay Valentin. Hindi ko ugali ang sumira sa pangako.
"Gusto lang kitang samahan dito..." sagot ko.
"I DON'T NEED YOU!!" sigaw niya. Ouch! Very straightforward.
"Alam ko... pero sasamahan pa rin kita," sabi ko ulit.
Namula ang mukha ni Valentin. "OUT! OUT! I WANT YOU OUT!!!" sigaw niya.
Napapikit ako at gustong-gusto na ng paa ko na tumakbo palabas ng pinto pero, may naalala ako---
'......KAPAG PINAGTATABUYAN KO KAYONG LAHAT AT SINABI KONG IWAN NIYO AKONG MAG-ISA..... HUWAG KANG AALIS. HUWAG MO AKONG SUSUNDIN... MANGAKO KANG HINDI MO AKO IIWAN.... NAKIKIUSAP AKO.....'
Tama. Hindi ako aalis. Nangako ako.
"SORRY PERO... HINDI KITA SUSUNDIN..." sagot ko.
Nakita kong kinuha ni Valentin yung vase. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagtama noon sa ulo ko pero....
*craaaaassshh!*
Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang basag na vase sa sahig matapos tumama sa pader.
Phew! Akala ko ako ang babatuhin niya! Tumingin ako kay Valentin. Masama ang tingin niya sa kin.
"HINDI KA TALAGA AALIS HA?!" sigaw niya ulit.
"HINDI! HINDI HINDI!" sagot kong pasigaw na rin. "DITO LANG AKO! DITO LANG AKO! MANAHIMIK KA KUNG GUSTO MO! SAKTAN MO AKO KUNG GUSTO MO! PERO KAHIT ANONG GAWIN MO HINDI MO AKO MAPAPAALIS DITO!!"
Nanlalaki ang mata ni Valentin. He still looked as handsome as he was. A handsome who is being haunted by his demon! Humanda kang demon ka... hindi ako susuko hangga't hindi ka umaalis kay Valentin.
I won't let you eat him alive! Ako ang lalapa sayo, maghintay ka!!
Nang makumbinsi si Valentin na hindi niya ako mapapaalis. Ay sumuko siya at humiga sa kama. Tapos nanahimik siya at hindi nagsalita. Nanatili siyang ganoon sa matagal na oras.
Ako naman, umupo sa sahig at nangalumbaba na binantayan siya. Hanggang sa makita kong tulog na siya.
Lumapit ako kay Valentin at kinumutan siya.
Kahit sa pagtulog ay malungkot si Valentin. Mayat-maya ay humihikbi siya at naglalandas na lang bigla ang luha sa pisngi niya.
Sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Inabot ko ang buhok niya at hinagod ito.
Ano bang klaseng paghihirap ang dinadanas mo? Pwede bang..... bahaginan mo ako? Huwag kang selfish, Valentin. Huwag mong solohin ang problema.
Kung kaya kong agawin ang lahat ng yan, ginawa ko na. Wala na akong pakialam kung ikaw si Demosthenes o hindi.
Ang alam ko lang.... ikaw si Valentin. At ikaw ang lalaking........ gusto kong MAHALIN.
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...