West Hill Confession

1.8K 117 9
                                    


XVI: WEST HILL CONFESSION

Secret PoV //

Sa awa ng mahabaging langit, natapos ko ang Midterm Exams nang hindi sumasabog ang utak! Yeey! Chaka man at haggard, keri pa rin. Lakad with poise kahit bumabangga sa halaman at pader.

Tch! Hindi pa ako nakakabalik sa San Juan, busy pa kasi. Isa pa, plano kong puntahan ang sikat at pang-rich na school ng West Hill Academy. Wala lang, malay mo matisod ko dun yung LAST CHAPTER ng CUPID'S LAST WISH. Eh di wow!

Tch. Asa pa ako. Pero walang masamang mag-try.

Binasa ko yung update ni Demo-my-love sa novel na HARUKA. Medyo nagulat ako dahil kaparehas nang scenario nito yung nasa DAMSEL OF THE SUN.

Gumamit lang ng magkaibang point of view pero parehas ng pangyayari. DAMSEL for DAMSEL'S, and HARUKA for HARUKA'S.

Astiiig! Para kong nanonood ng two-way movie. Mukhang nag-fusion na ang story ng dalawa. Hindi pa ako nakakita ng ganito, except dun sa Twilight ni Bella at Midnight Sun ni Edward.

Nang makalibre ako, agad akong sumugod sa school ng West Hill Academy, naligaw pa ako dahil mali ang mapang nadala ko. Nakarating din naman ako pero..... Hindi pala ganun kadaling pumasok sa premises ng school na ganito ka-prestigious.

May event pa naman sa West Hill. Sabi dun sa narinig ko, Fiftieth Ford's Cup daw. Basketball Tournament para sa mga private schools.

Tch. Bawal outsider. Para ko tuloy tanga sa pagkakatayo sa may gate nung school. Buti hindi ako nagiisa, may isa pang girl na tila nag-aabang din doon.

Maya-maya nga ay lumapit siya sa'kin at tinanong kung gusto kong pumasok sa loob. Sabi ko Oo. Ngumiti siya at sinabing mag-intay daw ako. Pumasok siya sa may guardhouse at saglit lang eh dumating na siya dala ang isang Visitor's Pass na agad niyang binigay sa'kin.

Eh? Anong ginawa niya? Ang sungit kaya nung mga guard dun.

"WHOOAH! PAANO KA NAKAKUHA NITO?" manghang tanong ko.

Ngumiti lang siya at inilabas ang isang KUTSILYO mula sa bulsa. "SIMPLE... I TOLD THEM I'LL KILL THEM IF THEY DIDN'T GIVE ME ONE.. HAHAHA!" napanganga na lang ako.

This girl is a...... psychopath!! "I'M HELLA, BY THE WAY. FROM GRAND VALLEY A. I SHOULD GO... HINDI DUMATING ANG BOYFRIEND KO... MAYBE SIYA MUNA ANG UUNAHIN KONG BURAHIN SA MUNDO!! HAHAHAHA!" At umalis na siya. Bow.

Man, that girl is insane, nuthead! Baliw!

Pero thanks sa kanya I got my pass. Nakapasok rin ako sa wakas sa loob ng West Hill. Napanganga na lang ako sa laki at ganda ng school nila.

Grabe! Yung field na lang O.A. sa lawak. Eh may Red Lake pa! Tch! Parang hindi school. Super modern ang lahat ng facilities. Maraming students ang nagkalat sa paligid dahil nga dun sa Event.

Pumunta na lang ako dun sa likod ng school kung nasaan ang tinutukoy sa novel na Sunset Lake. Mas interesado ako sa mga clues kesa anong event.

Tamang-tama, medyo hapon na. Maganda ang paligid at sariwa ang hangin dahil sa dami ng puno. Walang tao sa palibot ng lawa maliban sa isa na tahimik na nakaupo sa tabi ng isang bato.

Si....... Rust. At...... mukhang malungkot siya.

I knew it. Alam ko, alam ko sa isip ko na siya si Demosthenes. All clues pointed towards him. Wala na siyang kawala ngayon.... tanong lang. PAANO KA LALAPIT SA TAONG MUKHANG PASAN ANG BUONG EARTH?!

-----


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon