XLIII: ARROW

1.4K 87 0
                                    


  Valentin's PoV

Nakakaasar 'to si Rust. Bakit ba lapit ng lapit kay Sunny? Tapos kapag nakalapit, ngingiti-ngiti pa. Akala mo nagpapa-cute samantalang sa ibang babae naman, kulang na lang bumuga ng apoy!

Ggrrrr! Wag niya sabihing.... may crush siya sa mabigat na babaeng yun?!

"TSH! IMPOSIBLE! HINDI MGA TULAD NI SUNNY ANG TIPO NI RUST... ANG GUSTO NI RUST, TAO HINDI MUTANT!"

-whaaaam!-

"ARAAY!!"sigaw ko. Hinampas kasi ako ni Mommy ng featherduster sa braso.

"BAKIT KA GANYAN MAGSALITA KAY SUNNY?!" Pinanlalakihan niya ako ng mata.

Tch! Isa pa 'to si Mommy... puro Sunny Sunny Sunny. Sino ba anak niya, ako o si Sunny?

Maya-maya ay may tinanong si Mommy na nagpatigil sa 'kin. "PUPUNTA KA BA SA SEMENTERYO MAMAYA O SA FOURTEEN NA?"

Masakit pa rin sa kin na marinig ang bagay na yun. Pero hindi tulad noon na agad akong nagsa-shutdown. Ngayon ay nagagawa ko nang mag-isip ng mas malinaw.

Tumango ako at ngumiti kay Mommy. "DADAAN AKO MAMAYANG HAPON DUN... AT BABALIK DIN AKO SA FOURTEEN..." sagot ko.

Nakita kong bumakas din ang sigla sa mukha ni Mommy sa sinabi ko. At ngayon ko narealized na... tama yung sinabi ni Sunny.... na may mga nagmamahal sa akin na malulungkot kung mawawala ako.

Tulad ng parents ko.

Niyakap ko si Mommy nung magpaalam ako para pumasok sa school.

Right. Eh si Sunny kaya, sino ang minamahal niya na kung mawawala ay ikalulungkot niya ng todo? Hmmmmm. I wonder.

--------
Sunny's PoV

Taas-paa lang ako sa bahay dahil wala kaming pasok ngayon. Actually, may activity kami sa school pero mas pinili ko na wag na lang dumalo.

Tinatamad ako eh. Nagbasa na lang ako ng Cupid's Last Wish, medyo ka-badtrip lng dahil walang chapter 40.

Hindi pa ako makabalik sa park, tiyempo kasi na laging may mga tao sa lugar ni Eros. Kaya ayun, hindi ko pa natsi-tsek yung box. Nag-try ulit akong maghanap ng mga clues sa libro pero so far.... bigo pa ako!

Puro empty sentences ang nandun. Kinuha ko yung mapa ng buong area ng San Juan at nilagyan ng dot yung mga lugar na tinuring kong clue.

Tulad nung , yung simbahan ng , yung . Dahil wala akong magawa, pinagkonek-konek ko yung tatlong dots. At nagmukha yun na 'less than' sign (<).

Hindi naman yun mukhang clue kaya hinayaan ko na lang. Gusto ko sanang matulog pero bigla kong naisip na.. apat nga pala ang clue ko at hindi tatlo. Meron pang !

Nilagyan ko ng dot ang mapa kung saan nakatayo ang school. At tsaka ko ulit pinagdugtong-dugtong ang mga dots. Nagmukha siyang....

Abnormal na polygon!

Binura ko yung linya at idinugtong muli iyon, sa pagkakataong ito'y sa dot na kumakatawan sa St. Francis na tinawag sa novel na Crossing.

At nagmukhang 'arrow' ang mga linya sa mapa. (<---)

Hmmmm. Arrow. Ang sandata ni Kupido na pinaniniwalaang pag tinamaan ka ay magmamahal ka. Teka nga....

Kinuha ko yung mapa at tinitigan yun. Ang pointer ng arrow ay nakaturo sa isang lugar na.......

Natigilan ako bigla. Ang lugar na yun na tinuturo ng arrow sa mapa ay isang........ sementeryo!

Ang St. Therese Memorial Park.

Parang alam ko na kung ano.... o sino ang makikita ko dun kung tutuklasin ko pa. Pero.... wala namang masama, di ba?

Gumayak agad ako para puntahan ang sementeryo. Nakarating ako doon bandang hapon. Hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang puntod ni Heather sa lugar na 'to. Oo, alam kung si Heather ang tinuturo ng arrow sa mapa.

Ang pinakang-essence ng Cupid's Last Wish.

Naglakad ako at nagtatanong-tanong doon sa ilang staff ng sementeryo kung saan matatagpuan ang puntod ni Heather Montecillo.

Pero bago pa sila makasagot, nahagip na ng mata ko ang pamilyar na bulto ni Valentin na naglalakad sa di kalayuan. Nagpasalamat ako sa mga staff at agad sinundan si Valentin pero hindi ako nagpakita sa kanya.

Nang makita kong tumapat siya sa isang puntod ay mabilis akong tumago sa may puno at sinilip na lang siya.

May dalang white lily na bulaklak si Val. At isang teddy bear na mukhang gawa sa pigurine. Ipinatong niya yun doon sa may puntod.

Nakita ko na malungkot ang mata ni Valentin at naisip ko na kahit kelan pala talaga, hindi naman nawala ang lungkot na yun sa kanya.

Ganun nga siguro yun, mahal niya ang babae. At sa pagkakataong ito walang hihigit doon. Matagal akong naghintay para umalis si Valentin pero gumabi na at lahat, nandun pa rin siya! At ako, habang nakatanaw sa kanya.

Siguro, panahon na para... ako naman ang umalis.

Sumulyap ako kay Valentin bago humakbang palayo sa lugar na mabigat ang dibdib.

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon