LXIII: JUST HERE

1.3K 90 0
                                    


  Sunny's PoV

Ilang araw na ba? Ilang gabi? Hindi siya tumawag ni nagparamdam. Hindi niya ako kinausap at hindi niya ako pinuntahan.

Alam kong galit siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Pero matanong ko lang... mali bang suportahan siya sa pangarap niya sa paraang napili ko?

Masakit para sa 'kin na aalis siya... pero mas masakit na aalis siya nang hindi kami nagkakausap.

Gusto kong puntahan si Valentin. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya na.... 'Putang 'na, sige, dito ka na! Letseng pangarap yan, solohin nila!!'
Kaya lang naisip ko na... para rin sa kanya yun.

Kung aalis siya ng may galit sa 'kin, tatanggapin ko. Basta ba darating ang panahon na makikita ko siya... masaya dahil natupad ang pangarap niya.

Si Rust lang ang nakakausap ko. Ang sabi niya, natapos na raw ni Valentin na lakadin ang papeles niya. Ang gagawin na lang ni Valentin ay sumakay sa eroplano at true-blue American citizen na siya.

Ang sabi pa ni Rust, mga dalawa o tatlong araw daw ay aalis na si Valentin at naisip ko na mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako.

Kamot na lang ako sa ulo, sabay mukmok sa kuwarto. Aba! Wala akong magagawa eh, yun ang gusto niya.

Break.

Yun lang ang di ko sigurado. Break na ba kami o hindi. Ipagpapalagay ko na lang oras na tumuntong siya sa eroplano, yun. Break na nga talaga kami.

Gustong-gusto kong umiyak... kaso sayang lang ang tubig sa katawan ko. Baka kulangin ako sa electrolytes, eh nakakamatay daw yun sabi ni Mama. Sabi pa niya, nababaliw na daw ako... wala raw sense yung sinasabi ko.

Nagbasa na lang ako ng mga stories sa Wattpad dahil gusto kong magpaantok. At nilunod ko ang sarili ko sa sampung basong gatas. Kaso, bundat na ako't lahat... hindi pa rin ako inaantok.

"SUNNY... SUNNY... ABA! ANO? NAG-EVOLVE KA NA BA? BAKIT DI KA LUMALABAS NG KUWARTO MO? GUSTO MONG KUTSILYO, MERON DITO!! SA GINAGAWA MO PARANG NAGPAPAKAMATAY KA! NI HINDI KA MAN LANG NASISINAGAN NG ARAW! ANO, NAKAGAT KA NA BA NG BAMPIRA!!?"

Si Mama, napakaparanoid na tao. O.A.

"MA! BUHAY PA AKO, OKAY?" sagot ko. Pinuntahan ko ang pinto ng kuwarto at binuksan 'yun. Bumungad sa 'kin si Mama na nakapamewang.

"BUHAY KA PA NGA, DINAIG MO NAMAN ANG ZOMBIE SA WORLD WAR Z DYAN SA ITSURA MO! UMAMIN KA NGA, TAO KA PA BA?!" buska ni Mama na tumuloy sa loob ng kuwarto.

Humiga ako sa kama at niyakap ni Seijuro Akashi. Tumabi si Mama sa 'kin.

"ANAK! BAKIT DI MO KASI KAUSAPIN SI VALENTIN?"

"MA! AKO NA LANG BA LAGI ANG KAKAUSAP SA KANYA? ANG LALAPIT SA KANYA? ANG IINTINDI? ABA! SUMUSOBRA NA SIYA! SIYA NA NGA ANG SINUSUPORTAHAN KO, SIYA PA ANG GALIT?! AT HINDI LANG YUN.... AKO PA... AKO PA ANG MASAMA..." himutok na sabi ko. Bakit? Tama naman ako di ba?

"WEH? SINABI NIYA NA MASAMA KA?" taas-kilay na sabi ni Mama.

Natigilan ako. "HINDI... PERO PARANG YUN ANG GUSTO NIYANG PALABASIN EH... O TINGNAN NIYO NGA! NI HINDI TUMATAWAG! HINDI NAGTETEXT! AALIS NA SIYA PERO HINDI NIYA AKO KINAKAUSAP!" ngawngaw ko ulit.

Sumaltak si Mama at hinikit ang buhok ko. "BAKA NAMAN MAY DAHILAN SIYA. MALAY MO BUSY---"

"EH BUSY TALAGA YUN! BUSY SA PAG-IINTINDI NG PAPELES NIYA!" agaw ko.
Tinawanan ako ni Mama at sinapok ako sa ulo.

"SO, WALA KANG BALAK PUNTAHAN SIYA?" tanong ni Mama.

"WALA!" matigas na sabi ko.

"HINDI MO SIYA KAKAUSAPIN?"

"HINDI!"

"PAANO KUNG PAALIS NA SIYA?"

"EH DI UMALIS SIYA! GUSTO NIYA IHATID KO PA SIYA SA EROPLANO NIYA EH!"

Nanggigigil lang talaga ako, kaya kung ano-ano ang nasasabi ko kay Mama. Pero wala sa mga yun ang totoo.

Sumaltak ulit si Mama at tumayo. "NAKU, VALENTINO.. PAANO BA YAN? MUKHANG MALALIM ANG TAMPO SA 'YO NG HALIMAW NA ANAK KO!" sabi ni Mama. Napalingon tuloy ako sa kanya.

Bakit niya kinakausap si Valentino eh wala naman---

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nagmartsa papasok si Valentino.

Napagulong tuloy ako sa kama at bumagsak sa sahig.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko habang pasimpleng tumatayo mula sa pagkakabagsak sa sahig.

Tumaas ang kilay ni Valentin at namewang siya tulad ni Mama.

"KAKAUSAPIN KA!" sagot niya.

"EXIT NA MUNA AKO! WAG KAYONG MAGBUBUGBUGAN HA? CIAO!" sabi ni Mama na mabilis na tumalilis palabas ng kuwarto.

Tumingin ako kay Valentin. Mukha siyang... bagong ligo. Amoy mabango. Gusto na namang kumati ng ilong ko.
Hanuba!? Nakaamoy lang ng langit gusto na namang magtraydor ng puso ko.

Umupo si Valentin sa sofa tapos tinapik niya yung kalapit na space. "HALIKA DITO! MAG-UUSAP TAYO!" matigas na sabi niya.

Umiling ako. "DITO NA LANG AKO.. MAKAKAPAG-USAP TAYO KAHIT NANDITO AKO," sagot ko.

Tumaas na naman ang kilay ni Valentin... tapos sumigaw siya...

"SINABI NANG UMUPO KA DITONG BABAE KA!! HINDI MO BA ALAM....

NA-MISS KAYA KITA!!"

Wow. Nganga.  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon