XII: CHALLENGE //
Secret PoV //
Nakatitig ako sa cursor na nagbi-blink sa monitor ko. Gusto kong mag-message kay Demosthenes pero wala akong maisip na sabihin. Masyado akong na-mental block dahil sa banta ni Rust sa'kin. Hangin lang ang pumapasok sa ulo ko kaya heto at nakikipagtitigan lang ako sa cursor na kumukurap-kurap sa harap ko.
Argggh! What to tell? What to tell? Tch. Asar!
Paano kung si Rust si Demosthenes? Badshot na agad ako sa kanya. Paano ko siya lalapitan nang hindi niya ako sisimangutan, sasamaan ng tingin, kukunutan ng noo?
Heaven may help me. Pero sobrang hirap mag-approach sa taong hobby ang magalit!
Uggh!
Sa isang banda, kailangan kong makasigurado na si Rust at si Demosthenes ay iisa talaga.
Tinanggal ko na sa listahan ko si Valentin. He was just too plain, too cheerful, too sheery to be Demosthenes. Valentin is the exact OPPOSITE of that dark writer.
Wala akong maisip na sabihin kaya magsa-sign out na sana ako... nang bigla namang sumulpot ang isang notification na nagsasabing nag-update ang love ko.
He he. Love. Wala lang. I love him eh. Nakita ko na may FINALE na ang story niya na CUPID'S LAST WISH.
Na-excite ako bigla. Dali-dali ko yung binasa... para lang madisappoint sa nakasulat sa Update.
-The Last Chapter will be hidden from everyone's eye. Let the mystery of Main Character remained a mystery forever.-
Putaaaang! Ano to? Lokohan!
Sobrang dami ng nagviolent-react sa message ni Demosthenes. At may iba nga na O.A. na ang comments.
Pambihirang writer'to!! Lakas ng trip sa buhay!
Nagcomment din ako. Sinabi ko lang na 'SOBRANG UNFAIR!' niya. Maya-maya, may lumabas ulit na mensahe mula kay Demosthenes.
-BUT IF YOU ARE INTERESTED... YOU CAN READ AND YOU CAN HAVE THE ORIGINAL COPY OF THE LAST CHAPTER I WROTE PERSONALLY ON PAPER... THE CHALLENGE IS... FIND IT!!-
Baliw ba siya?!!! Siya nga, ang hirap-hirap hanapin tapos.. ipapahanap pa niya yung hardcopy nung gawa niya?! He's kidding, right?!!
-YOU WILL FIND CLUES RIGHT FROM THE STORY.- 'yun ang last message mula sa kanya.
Clues? Clues? Tae! Pesteng mga clues yan! Dahil dyan kaya masakit ang ulo ko! Tch.
Hmmmmmm. On the other hand, challenge nga talaga yung pinagagawa niya. Nakaka-thrill at nakakaintriga.
I'M IN. Nagtype ako sa commentbox. CHALLENGE ACCEPTED! wink emoticon typed ko. He he he.
Nagsign out na agad ako at kinuha ko yung printed edition ko ng Cupid's Last Wish na tyaga kong piniprint tuwing may update si Demo. Kung nandito ang clues, fine with me... babasahin ko to ng paulit-ulit hanggang sa makita ko kung ano ang pesteng clue na 'yun. Kumuha ako ng pen at paper at nagsimulang mag-jot down ng mga significant place, person, time na nasa nobela. At tsaka ko'yun pinag-aralan.
Okay. After ng Winston-Salem incident wala nang masyadong significant place. Common at known place na ang mga nandito. Like malls, parks, bridges... walang kakaiba.
Well, may isa... yung binabanggit sa novel na Sunset Lake. Pero sinearch ko siya sa google maps, walang result na lumabas. Walang Sunset Lake sa Pilipinas!
Tengee! Well... wala ring Winston-Salem sa Pilipinas pero it turns out na meron. Hmmm. Maybe symbolic place din tong Sunset Lake na to sa Chapter 9 ng Cupid's.
Base sa kuwento.. yung dalawang main character ay nag-uusap sa isang burol sa tabi ng Sunset Lake. Burol. Walang burol sa Maynila!!
Waaaah! Peste ka, Demo!! Galing mong magbigay ng migraine!
Sa pagkainis ko nagtype ako ng Sunset sa search engine at lumabas ang maraming results.
SUNSET- occurs when the Sun reached the edge of the west horizon which gives the sky a bright red-like colors.
Of course. Alam ko kung anong sunset. Tch. Sunset Lake. Erase the sunset, nagfocus ako sa Lake. Konti lang ang Lake sa Manila Area, at puro polluted pa. Nagtype ulit ako sa google maps. Hahanap ako ng mga Lakes na nasa palibot ng Manila Area.
Nang lumabas ang result, sumakit ang ulo ko.
None!
Pero may mga list ng Mini-lakes at private man-made lakes. Pwede na to. Okay. Walang Sunset Lake sa mga'yun. Though, may.... Red Lake na two results at parehas private properties.
Red Lake. Sunset Lake.
Sunset.... is red, right? Ito kaya 'yun?
Medyo nagulat ako nung mabasa na parehas private schools ang merong Red Lake. Yung isa, Grand Valley Academy at yung isa eh West Hill Academy. Magkahiwalay pero parehas na prestigious private schools.
Hmmmmm. Sunset Lake. Sunset. Sunset occurs in WEST kasi di ba sa kanluran lumulubog ang araw... at... wait... according sa novel, ang dalawang characters ay nasa may BUROL sa tabi ng Sunset Lake. Burol ang tagalog word ng HILL, di ba? WEST... HILL...
West Hill Academy?!!
Ang Red Lake sa West Hill Academy!! This is it!! Holy craaaap! I'm a genius!! Akalain mo'yun, nakapag-unlock ako ng isa pang mysterious place!! Yahooo! Nagsayaw ako sa gitna ng room ko na parang baliw.
Pwede na kong detective!!
Ayeeeiihhh! Pupuntahan ko ang school na'yun, ang Sunset Lake na'yun!
Hindi bukas dahil may game ang Winston-Salem laban sa isang team na taga-kabilang bayan. He he he. Makakapaghintay ang mga clues na yan... pero ang mga alaga ko. Hindi!! Excited-much, makikita ko ulit ang real-life version ni Demosthenes...
Si RUST!!!
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...