-----
XIX: SHATTERED
Secret PoV //
Praised the Lord, holiday season na! Yahoo! Anong ibig sabihin nun? Bakasyon, mga tol!! Whahahaha! It's christmas break!
Pero medyo malungkot ako kasi hindi pa ako nakakapunta sa San Juan simula nung magbreak.
Dyahe nga eh, masyado kasing busy. Dumating mga kamag-anak namin sa side ni Mama. Dito daw magki-christmas.
Ayun, haggard tuloy ako. Naging personal alalay pa ako ni Lola na daig pa ang batang makulit. Muntik na akong maubusan ng buhok sa kunsumisyon.
Breather ko na lang na sa gabi eh nakakapag-online ako. Nakakapag-wattpad. Hindi regular ang update ni Demosthenes sa mga novels niya.
Wala akong ideya kung ano pero parang..... may pinagdadaanan na naman siyang kung ano.
Si Rust....
Gusto kong paniwalaan na si Rust si Demosthenes. Pero napansin ko na mayroon kay Demosthenes na wala kay Rust.
Ang KALUNGKUTAN.
Kapag nagbabasa ako ng mga nobela ni Demo, sa kabila ng galit ay nararamdaman ko rin ang matinding lungkot.
Lungkot na wala kay Rust.
Well, maaaring meron din. Pero sa klase ng ugali ni Rust, hindi siya ang uri ng tao na maglalabas ng lungkot gamit ang internet. Mas gugustuhin niyang sarilinin na lang at itago ang lungkot na yun.
Samantalang si Demosthenes.... si Demo... sino ba sya? Akala ko dati, okay na. Na kasabay ng pagtuklas ko sa mga letse at sakit sa ulong clues na yun eh matutuklasan ko rin kung sino siya. Pero parang mas gumulo yata.... mas nalito ako at mas.... nahihirapan.
Tsk! Ganun yata talaga. Hindi madaling humanap ng true love!!
December 24 Noche Buena, festive ang athmosphere sa bahay dahil sa dami ng tao. After ng salu-salo ay natulog na ang ilan sa mga pinsan ko.
Sina Tita at Mama na lang ang nag-uusap sa kusina. Nakinig lang ako habang kumakain ng biko.
"HOY! BATA KA! WAG MONG DAMIHAN ANG KAIN MO NYAN! KAYA KA TUMATABA EH!!" sabi ni Tita sa kin. Nagtawanan silang lahat pero dedma lang ako. Kumain pa rin ako.
Nagtsismisan lang ulit sina Mama. "KAWAWA NAMAN SI MRS. MINANDREZ. HINDI NA NAGHANDA NGAYONG PASKO. EH PAANO? WALA NAMAN DAW SIYANG KASAMA SA BAHAY. TSK! ANG HIRAP NANG NAG-IISA LANG SA BUHAY NO?"
"SINABI MO PA, ATE EH YAN NGANG KAPITBAHAY NAMIN ABA BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH..."
Tama. Sobrang nakakalungkot ang buhay nung mga solo lang na naninirahan. Di ba?
Tulad ni Valentin.
Walang parents at mga relatives, lahat nasa ibang bansa. Wala naman daw yung kapatid--- SI VALENTIN!! SHEEEET!
"MAAAAA!" sigaw ko kay Mama.
Napalingon sila sa kin.
"MAMA! IPAGHANDA MO AKO NG PAGKAIN SA TUPPERWARE! MAY PUPUNTAHAN AKO BUKAS... I MEAN, MAMAYA PALA KAPAG SUMIKAT ANG ARAW!!"
Pupuntahan ko si VALENTIN. Kawawa naman ang kulugong yun! Anong klaseng pasko ang meron siya? Nag-iisa lang siya sa bahay niya. May utang na loob pa naman ako sa kanya.
Tsk!
And so.... bago sumikat ang araw, lumakad na ako papuntang San Juan. Dala ko yung mga pagkain.
Wish ko lang, nandun siya sa bahay niya at hindi gumala. Maaga akong dumating sa kina Valentin. At nakahinga ako ng maluwag nung makita kong may ilaw yung house niya.
Nag-tao po ako pero walang sumasagot. Hindi din lumalabas si Valentin. Nagpasya na akong buksan yung gate at dumiretso sa pinto. Hindi rin naka-lock yung main door ng bahay.
Pagsilip ko..... walang tao.
Pero tumawag agad ng pansin ko ang nagkalat na basag na mga base sa tiles na sahig. Ganun din ang ilang mga ornaments at ang magulong set ng bahay. At ang nakapagpagulat sa kin ay ang mga.... PATAK NG DUGO sa sahig!!
ANONG NANGYARI DITO?
"VALENTIIIIN!!" malakas na tawag ko. Walang sumasagot. Nasaan na siya?
-----
![](https://img.wattpad.com/cover/55328332-288-k431862.jpg)
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...