Rust And Valentin

1.9K 123 3
                                    

X: RUST AND VALENTIN

Secret PoV

Alright! This is Operation: Character Study. Papag-aralan ko ang character ng dalawang nilalang na'yun (Rust and Val) na gumugulo sa utak ko ngayon. I've got to find, you know! I have to.

Maaga akong pumunta sa San Juan para sa Managerial job na drama ko ngayon. Namura pa ako ni Mama dahil kung ano na lang daw ang kalokohan ko sa mystery writer na'yun.

Sinabi niya na kung gusto daw ni Demosthenes na magpakilala, dapat daw tunay na pangalan nito ang ginamit nito.

Tsh! May point naman si Mama eh but still... gusto ko siyang makilala! Even the devil won't stop me from going!! He he. Be My Demo is the devil himself! Rawwwr!

Maagang naglaro sa field ang team ng Winston-Salem. Nakaapat na Innings na sila nung dumating ako.

I could see Rust, CATCHING the ball. Sooo. Catcher pala siya. No wonder nasalo niya yung bola dati na tatama sana sa mukha ko. Pokerface si Rust at mukhang isang minuto pa ay mababadtrip na siya.

Tch. Walang bago.

PITCHER naman si Valentin. Tumatawa siya ng malakas dahil dun sa batter na tinamaan ng bola sa you-know-where na part ng body niya. "DAMN YOU, LEN!! PAG AKO NABAOG, PATAY KA SA KIN!!!!" sigaw nung batter.

Ha ha! Tawa lang ng tawa si Valentin a.k.a. Val a.k.a. Len. Napagalitan tuloy siya ni Mr.Winston.

Tch. Mukhang minus point yung pagiging masayahin ni Valentin. Napaka-imposible talaga na siya si Demosthenes!! Kung medyo seryoso sana siya.

I looked at Rust, he was checking his phone inside his pocket. Nakita'yun ni Valentin, ngumisi ito at walang babalang binato ng bola ang di nakatinging si Sungit!! Holy Cow!!

Tatamaan si Rust ng bola... but then.... NASALO NIYA! NASALO NIYA WITHOUT EVEN LOOKING!!! Hala! Ang galing!!

Tao ba siya, paano niya nagawa'yun? "BASTARD!!" mura ni Rust kay Valentin na pumalakpak lang habang tumatawa.

"AND THAT'S WHAT WE CALLED... SUPER SENSORY POWER!! MAN, YOU MUST HAVE EYES STICKING FROM YOUR FOREHEAD! WHAHHAHA!" At napagalitan ulit si Valentin ni Mr.Winston.

During lunchbreak, bilang manager kuno. Ako ang nagasikaso ng pagkain ng team. Sobrang pagod ako pero sulit naman.

Rust was eating silently from the corner, checking his phone once in a while. Valentin was... nowhere. Ewan kung saan sumuot ang kulugong'yun. Pero maya-maya, nakita ko siya sa field na mag-isang nagpipitch sa init ng araw. Kinulbit ko ang isang teammate ni Val. "HEY.. ANONG... GINAGAWA NI VALENTIN DUN?"tanong ko.

Tumawa ang lalaki at sinabing ganun daw talaga si Valentin kapag badtrip. Nagpipitch hanggang mawala ang init ng ulo. Nagsosolo muna.

"SIGURADONG NAG-AWAY NA NAMAN SILA NG DADDY NIYA. HIS DAD WANTS HIM TO GO TO STATES ASAP... BUT VALENTIN DOESN'T WANT TO... HE LIKES IT HERE..."

Ummm. Ganun pala. Naiintindihan ko'yun.

Tinuro ko naman si Rust. "EH BAKIT ANG ISANG'YUN, PARANG PASAN ANG DAIGDIG?" bulong ko dahil malapit Lang si Rust sa amin.

Bahagyang nagalangan ang lalaking tinanong ko. "UMMMM. HINDI KO ALAM KUNG DAPAT KO BANG SABIHIN SA'YO, BUT SINCE MEMBER KA NA NG TEAM, I THINK YOU GRANT A PLACE TO KNOW.. BUT PLEASE... DON'T' TELL IT TO ANYONE..."

Huh? "PROMISE.." sabi ko.

Lumapit at bumulong ang lalaki sa tenga ko. "HIS GIRLFRIEND DIED LAST YEAR. HEATHER... SHE'S THE FORMER MANAGER OF THIS TEAM BEFORE YOU."

Natulala ako. Ansabeeeee ni koyaaaa??! Napanganga akong tumingin sa bumulong.

Tumango tango siya.

Lumingon ako kay Rust at napaunat ang likod ko nang makitang...

MASAMA ANG TINGIN NIYA SA'KIN!!! HOLY MOLLY!!!


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon