XXXI: EROS

2.2K 137 42
                                    

Secret PoV //

Masakit sa ulo ang pag-iisip. Parang ayoko na. Gusto ko nang sumuko, iniisip ko lang na, nasimulan ko na kaya tatapusin ko.

January 20, bumalik ako sa San Juan. Sobrang busy ng buong team dahil sa tournament next week. Pero sa kabila ng busy athmosphere na yun, napansin ko ang madalas na pagkawala ni Valentin.

Sumusulpot siya at umaalis. Higit sa lahat.... hindi na siya ngumingiti. Parang meron siyang malaking pinapasan. Wala mang napapansin ang iba... ako, kitang-kita ko yun.

Masyado na rin siyang distracted at pag nagpi-pitch siya ay madalas na 'ball' ang tira niya. Ang 'ball' ay isang uri ng faulty pitch na halos katumbas ng foul sa basketball. Hindi ko pa siya nakita na ganoon at talagang medyo nagtaka ako.

Lumapit ako sa kanya nang tumawag ng break si Mr. Winston. Naiinis siya habang binabato ng bola ang pader tulad ng ginagawa niya kapag badtrip siya.

"HI..." sabi ko. Tiningnan lang ako ni Valentin at halos wala siyang reaksyon. Nadismaya ako pero di ako nagpahalata. Parang..... nasa ibang dimensyon ang kalahati ng isip niya. Nagbato lang ulit siya ng bola sa pader.

"MAY...... PROBLEMA BA?" tanong ko. Matagal na di sumagot si Valentin. Nagduda tuloy ako kung narinig ba niya ako. Pero sumagot din naman siya.

"DON'T MIND ME... JUST.... LEAVE ME ALONE FOR A MOMENT..." sabi niyang di lumilingon.

Natigilan ako dahil sobrang lamig ng boses niya. Parang... hindi siya ang kilala kong Valentin.

"MUKHA KASING MAY PROBLEMA KA EH..." sabi ko ulit.

"OKAY LANG AKO... PLEASE... IWAN MO MUNA AKO..." sabi pa rin niyang hindi lumilingon.

"PERO KASI VAL----"

"LEAVE ME ALONE! LEAVE ME ALONE!!! ALIS UMALIS KA!!"

Na-shock ako sa galit na pagsigaw ni Valentin kaya napatakbo ako papalayo sa kanya. Tumatahip ng malakas ang dibdib ko nang bumalik ako sa bench kung nasaan ang team. Natigilan nga sila dahil narinig din nila ang sigaw na yun ni Valentin.

"HEY... OKAY LANG YAN.. OKAY LANG.." salubong sa akin ng isa sa mga member ng team na si Mark. Napansin niyang natakot ako sa pagsigaw na yun ni Val. Kinuha ko yung gamit ko at agad na umalis pero bigla akong hinarangan ni..... Rust!

Iba ang expression ng mukha niya. Parang may hint ng... concern. "AKO NANG HUMIHINGI NG TAWAD SA INASAL NI VALENTIN... SANA... " hindi niya itinuloy ang sinasabi niya.

Bumuntung-hininga ako. "HINDI MO KAILANGANG HUMINGI NG TAWAD... NAINIS LANG SI.... VALENTIN... LAHAT NAMAN TAYO ENTITLED NA MAINIS... VALENTIN IS NO EXCEPTION..." sabi ko.

Tumango tango si Rust at maya-maya ay umalis na din siya. Ako naman, nilingon muna si Valentin na nasa field pa rin at nakita ko na.... nakatingin siya sa kin!

Ngumiti lang ako sa kanya tapos... naglakad na ako papunta sa exit ng field. Tapos na ang trabaho ko dito. Isa pa, ayokong nakikita si Valentin na ganun, nade-depressed ako.

Tumuloy ako sa may estatwa ni Eros sa Park at naupo sa paanan niya. Tapos nangalumbaba ako at nag-isip... ulit. Haay! Si Valentin at si Rust.... nag-switch ulit sila. Hindi ko alam pero parang nagbabalance sila sa isa't isa. Kapag si Rust ang galit... si Valentin ang mabait. At kung si Valentin naman ang badtrip... si Rust naman ang.... mabait!

Ang gulo nila... sa sobrang gulo gusto nang makalbo ng buhok ko!! Argh! Nasigawan pa ako ni Val. Tch!

Akalain mo yun... mas ten times siyang nakakatakot kesa kay Rust pag galit siya. Haist! Buti pa 'to si Pareng Eros walang problema sa buhay. Patayo-tayo lang, padipa-dipa! Sana naging estatwa na lang ako. Nang wala akong problema sa mundo. Sheezh!

Nakita ko yung marker ni Eros na nasa isang tabi at nakakiling na. Siguro pinaglalaruan 'to ng mga bata. Lumapit ako sa malaking tipak ng bato at inayos ang pagkakakabit nung stainless na marker. Kumuha ako ng bato at pinukpok yung mga turnilyo na lumuwag na sa tagal ng panahon.

*pok pok pok*

Ayaw bumaon nung turnilyo. Kumuha ako ng stick para pihitin yun na bumaon.

*screeech*

Ayaw din. Tsh! Ayaw mo.. di wag! Itinuwid ko na lang yung stainless steel na may sulat ng description nung statue.

'EROS, COMMONLY KNOWN AS CUPID BY MANY ROMANS IS THE SON OF APHRODITE AND IS THE GOD OF LOVE....'

Tsh! Alam ko na 'to napag-aralan namin sa mythology. Pero itinuloy ko pa rin ang pagbabasa.

'IN THE TIME OF GREAT GREEK GOLDEN ERA, EROS WAS BELIEVED TO BE NOT A GOD OF LOVE... BUT GOD OF SCHEMES. SINCE HE FOOLED HUMAN AND FORCED THEM TO LOVED SOMEONE THEY SHOULDN'T..."

Tumingin ako sa estatwa ni Eros sa tabi ng marker. "PARENG EROS IKAW HA? BAD KA! PARA KANG YUNG MGA KOREAN PARENTS. PINIPILIT MO ANG MGA TAO NA MAHALIN ANG HINDI NILA MAHAL... TSK! TSK! TSK! GOD OF SCHEMES----"

God of schemes. Bakit parang pamilyar yung praise na yun?

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at naghalungkat sa gamit ko. Kinuha ko yung cellphone ko at nag-wattpad. Inopen ko yung Cupid's last wish.

Chapter 37. ---Midnight Sonata was lost forever to the world. As the GOD took it by his own hand and shielded it with own prowess of SCHEME. It was concealed behind the darkness. Dark as the midnight where it was named.---

Natulala ako. Ayun ang dalawang word na yun! Nag-stand out. GOD at SCHEME! Si Eros ang tinutukoy sa novel na nagtago ng Midnight Sonata!!

Make sense... importante ang lugar na 'to sa mga Characters dahil dito sila unang nagkita! Ang tanong... saan banda dito nakatago ang Midnight Sonata? Here I go again!

Napatayo ako at lumapit sa malaking estatwa. "HOY IKAW! ILABAS MO YUN BILIS!! WAG MO NA AKONG PAHIRAPAN! IKAW DAW ANG NAGTAGO KAYA... HALA!! ILABAS MO NA!! FOR GODSAKE MASAKIT NA ULO KO KAYA PLEASE LANG---"

"HEY......" Napatigil ako sa pagdadakdak pagkarinig sa boses ni..... Valentin. Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki.

For the tenth time, caught in the act ako sa baliw-baliwan mode! At siya ulit ang saksi!!

Seryoso pa rin ang mukha ni Valentin at may bakas ng lungkot sa mata niya... parang gusto ko rin tuloy malungkot. Tumango lang ako kay Valentin dahil mahirap na.... baka sigawan na naman niya ako. Kinuha ko yung gamit ko at nagmamadaling tumalikod.

Paghakbang ko, narinig ko siyang nagsalita...

"Sorry...." mahina lang niyang sabi. Natigilan ako saglit at dinigest ang sinabi niya, pero pagkatapos nun ay humakbang na rin ako palayo. Sabi niya kailangan niyang mapag-isa kaya sige.... mag-isa siya...

"WAG KANG UMALIS..... PLEASE..... DITO KA LANG......"

Automatic na nagpreno ang mga paa ko. Tama ba ang narinig ko? O namalik-tenga lang ako...

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon