XLII: WEIRD

1.4K 85 1
                                    

  Sunny's PoV

February 10, quarter finals ng mga exams namin. Lusaw na naman ang utak ko. Daig ko pa ang nakabatak ng zonrox, lutang ang isip sa kakareview.

"MITOSIS IS.... MITOSIS.. ANO NGA BA MITOSIS? ARGHH! BUWISIT!" Inyo na mitosis niyo, akin na utak ko.

Nakasagot naman ako sa karamihan ng test. Pero napa-frustrate ako na di ko alam yung Mitosis samantalang apat na beses kong binasa yun kagabi!

Eh bakit kasi puro Valentin ang laman ng utak ko? Pwede ba siyang isagot sa exam?

Explain the importance of worms in our society and their contribution to humanity.

Answer: Christian Valentino J. Ferrer.

Perfect!

Tch! Kung pwede lang eh. After day of torture, pumunta agad akong San Juan dahil..... wala lang. Naabutan ko si Valentin na nakakunot ang noo habang nakapamewang sa tapat ng Entrance. Pumutak agad siya nung makalapit ako.

"BAKIT NGAYON KA LANG?!! ANONG ORAS NA?! DAPAT KANINA KA PA DITO, SABIHIN MO NGA... MAY DINAANAN KA PA BANG IBA---" hinawakan ko si Valentin sa bibig niya.

"HEP HEP HEP! MAMAYA NA SERMON, VAL. UTANG NA LOOB, NAG-EXAMS KAMI AT MASAKIT NA MASAKIT ANG ULO KO!"

Lumambot agad ang expression ni Valentin. "EXAMS? ER... MUST BE HARD, COME HERE!"

Hinikit ako ni Valentin palapit sa kanya tapos umakbay pa siya sa 'kin. Potengene! Torture!! Pero hinayaan ko na, sabi nga ni Avah Maldita.... AARTE PA?

Wag nang umarte, hindi bagay sa 'kin.

"HEY SUNNY! HOW WAS YOUR DAY?!" bati ni Rust na biglang sumulpot sa tabi namin ni Valentin. Ngumiti ako sa kanya.

"HELLO RUST, NAKU MEDYO HAGGAR--- AYYYKKK!" Mabilis akong hinila ni Valentin papunta sa ibang dereksyon.

Palayo kay Rust.

"LOOK SUNNY... ANG GANDA NUNG IBON SA BANDA RUN! TARA TINGNAN NATIN..." sabi ni Valentin na hindi lumilingon.

Naiwan si Rust na nagkakamot. Pagdating naman namin sa may dulo ng field...

"AY NAKU! PLASTIC LANG PALA NA SUMABIT SA PUNO... AKALA KO IBON NA. SAYANG!" ani Valentin.

Inaya ko na siya na bumalik sa grupo dahil medyo nawiwirduhan ako sa kanya. Pagdating doon, nagpractice na ulit sila ng baseball, ako naman matapos mag-check ng statistic ay nanood na lang sa kanila.

Maya-maya, lumapit sa 'kin si Rust at umupo sa tabi ko. Pangingiti siya at hindi nagsasalita. Isa pa 'tong lalaki na 'to, hindi pahuhuli sa pagiging wirdu!

Ano? World Weird Day ba ngayon?

"KAMUSTA ANG ARAW MO NGAYON?" tanong niya mayamaya.

"AH. AYUN, NAKAKAPAGOD--"
Biglang sumulpot si Valentin at nakangiting humarap sa 'kin.

"SUNNY, PINATATAWAG KA PALA NI MR. WINSTON," sabi niya.
Napatayo tuloy ako.

"NASAAN SIYA?" tanong ko.

"NANDUN SA MAY ENTRANCE..."
Kaya tumakbo agad ako sa sinabi niya. Pero wala naman si Mr. Winston. Bumalik ako kay Valentin.

"WALA NAMAN EH..." sabi ko.

"YEAH.. HE TEXTED ME, NGAYON LANG... UMALIS NA DAW SIYA, BUKAS NA LANG DAW KAYO MAG-USAP..." sagot ni Valentin.

Ay ganun? Okay. Nagkibit-balikat na lang ako.

Biglang sumaltak ng malakas si Rust kaya napalingon ako sa kanya. Mukha siyang nagpipigil ng tawa.

"BAKIT?" tanong ko. Habang kumunot naman ang noo ni Valentin.
"OO NGA, BAKIT?" segunda niya.
Umiling lang si Rust at tumayo. "AH SUNNY... SAMAHAN MO NGA PALA AKO DOON SA MAY STORAGE ROOM, NA SAYO YUNG STATS AT INVENTORY, DI BA?"
Tumango ako at dinukot sa bag ko yung mga papel ng team. Pagkakuha ko, bigla namang inagaw yun ni Valentin sa kamay ko.

"AKINA NGA! HOY RUST, AKO ANG SASAMA SA'YO... WAG MO NANG GAMBALAIN SI SUNNY DAHIL PAGOD YAN!" Tapos bumaling siya sa 'kin at ngumiti. "SUNNY, STAY HERE AND WAIT FOR ME, OKAY. HERE..." may inabot siyang waterbottle, cookies at........ bubblegum? Badbreath ba ako?

"KUMAIN KA... YOU LOOKED LAME!" bilin niya, tapos hinikit si Rust at inakbayan palayo sa 'kin. "COME'RE M'BOY!! HINDI NA TAYO NAGBOBONDING! THIS WILL BE FUN!"

"GERROFF ME, YOU FREAK!!" nagpilit kumawala si Rust habang naglalakad sila palapit sa Storage. Pero hindi siya hinahayaan ni Val na makawala. Haha! Ang weird nila.

Nung makauwi ako sa amin, agad akong nag-open ng account ko sa wattpad. At halos magtatalon ako sa tuwa nung makita kong bumalik na ang mga gawa ni Demosthenes na binura niya dati.

Specially yung Cupid's Last Wish! May bago na rin siyang update sa Haruka at Damsel of the Sun. Nagwawala tuloy ang mga followers, voters at fans niya! Tch!

Demosthenes. Kasabay ng pagbuti ng mood ni Valentin ay ang pagbabalik ni Demosthenes sa Cyberspace.

Alam kong okay na siya. But still, syempre hindi ako susuko hangga't hindi ko nababasa ang huling chapter ng Cupid's. Wala pa nman akong lakas ng loob na itanong kay Valentin ang tungkol doon. Sensitibo at pribadong bagay na yun. Naalala ko yung Midnight Sonata Box.

Kung tingnan ko kaya? Wala naman sigurong masama....

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon