Rust's PoV //
Mr. Winston calls for a celebration. Nagpahanda daw siya sa bahay niya. Kaya sumugod din agad doon ang team, except Val and Sunny, na parehas nasa clinic.
"HEY RUST! LET'S GO!" Aya ni Mark.
Umiling ako. "YOU GO FIRST! I'LL JUST DROP BY VAL'S AND SUNNY'S..." sabi ko.
"OH. OKAY. PAKISABI NA LANG PAGALING SIYA! I MEAN, SILA PALA! HAHA!" Tumatawang bilin ni Mark.
Tch! SILA, he said. In reference to both Sunny and Valentin.
Slick!
Pumunta ako sa malapit na Barangay Clinic kung saan dinala si Sunny. Naabutan ko si Valentin na nakaupo sa gilid ng hinihigaan ng babae na natutulog pa rin.
And what surprised me was that, Valentin's right hand was interlocked with the girl's left hand! Tch!
He was staring intently at the girl na halos hindi niya ako napansin. Sumandal ako sa hamba ng pinto at minasdan si Valentin.
Tahimik lang siya at nakikita ko sa mata ni Valentin na paminsan-minsa'y nadidistract siya sa anino ng nakaraan. Hindi ko siya masisisi, masyadong malalim ang sugat na iniwan ng pagkamatay ni Heather sa pagkatao niya.
It was darkest days for Valentin. Kung hindi namin siya napigilan noon, baka nagpakamatay na rin siya.
He loved Heather so much, yes. Probably, loved her more than I loved Heather. Masyadong malalim ang pinagsamahan nila. At walang makakahigit doon.
Sana ngayon.... meron.
Malay natin, Sunny was God's answer for my prayers... or maybe, Heather sent her here for Valentin. Strange.
I looked at Sunny. Dahan-dahan na siyang nagmumulat ng mata. Naalerto agad si Valentin pagkakitang gumagalaw ang babae. Nagpilit bumangon si Sunny.
"UI UI! TUMIGIL KA NGA DYAN! MAHIGA KA LANG!" sikmat ni Valentin sa babae. Hindi nakinig si Sunny at pinilit pa ring umupo.
"KAYA KO NA... WALA NAMANG---" Itinapal ni Valentin ang palad niya sa noo ng babae at pinahiga ang si Sunny.
"LIE STILL, STUBBORN WOMAN. LOOK AT THE STATE OF YOU---" tinampal ni Sunny ang kamay ni Val at sinimangutan ang lalaki bago pinilit muling umupo.
"KAYA KO NA SABI! BAKIT BA ANG KULIT MO?!"
Sumimangot din si Valentin at muling tinuonan ang noo ni Sunny para makahiga.
"KAYA? WAG KANG PATAWA!! MUKHA KANG---"
"ANO?! ANO?!" singhal ni Sunny.
"HALIMAW!!" sagot ni Valentin.
"EH KUNG LAPAIN KAYA KITA DIYAN?!!" Tch! Ang dalawang 'to. Ni hindi naman lang ako makuhang mapansin.
Sumaltak ako kaya sabay na tumigil ang dalawa sa pagtatalo at tumingin sa 'kin.
"EH? KAILAN KA DUMATING?" tanong ni Val na pasimpleng tinulak ang babae pahiga sa kama.
Ngumisi ako. "ACTUALLY... NGAYON-NGAYON LANG..." sagot ko. "DUMAAN LANG AKO PARA.... TINGNAN KAYO AT MUKHANG.... OKAY LANG NAMAN SI SUNNY KAYA... UUNA NA AKO SA INYO AT PUPUNTA SA AFTERPARTY... PUPUNTA KA BA VALENTIN---"
"NO," sagot agad ni Val. Tsh! Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
Tumango ako kay Sunny at gumanti siya ng ngiti. Sunny for Sanitella, her names suit her.
She's bright like the sun. At ang tulad niya ang kailangan ni Valentin ngayong nasa kadiliman ang kaibigan ko. At ang isa pang napansin ko sa kanya, kaya niyang unawain ang sitwasyon ni Valentin ng ganun kabilis.
Tumalikod ako at naglakad palayo. Narinig ko mula sa likod ko ang pagtatalo ng dalawa.
Tch! Strange. May naisip akong plano. Buti na lang both my parents were Psychologist. Namana ko ang talent nila sa pagbasa ng tao. And this time, magagamit ko ang talent na yun.
Just wait Heather, Valentin will be back to his old self. Probably, much more happy than before. Pray for me, dear. And help me.
----Sunny's PoV //
Matapos ang katakut-takot na pagtatalo namin ni Valentin, sa huli nanalo rin siya. Nahiga ako sa kama kahit pa nga gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako.
Ayokong.... sisihin niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa 'kin.
"HEY YOU!" gigil na sabi ni Val.
"BAKIT?!!" tanong-sagot ko.
"PINANGANAK KA BA PARA PASAKITIN ANG ULO KO??! BAKIT PUMUNTA KA PA RITO KUNG MAY SAKIT KA---"
"WALA AKONG SAKIT. MAINIT LANG TALAGA ANG PANAHON, KAYA MEDYO SUMAMA ANG PAKIRAMDAM KO..."
"HUWAG KA NANG LUMUSOT, SABI NG DOKTOR MAY LAGNAT KA... HINDI HEATSTROKE!" Tch! Eh di hindi lulusot. Haays! Makapagsalita naman 'to, daig pa ang tatay ko.
Maya-maya ay nanahimik si Val. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na titigan siya. May mabuting naidulot ang pagkahimatay ko, napansin ko.
Bumalik sa dati niyang sarili si Valentin. Temporarily, he was pulled back to the real world. Sana lagi na lang akong may sakit, para lagi din siyang walang saltik!
Maya-maya, dumating ang maingay kong Mama at.... nag-ingay.
"ANAK! GRABE KA NAMAN... ANO NA NAMANG NANGYARI SA 'YO? BAKIT BA LAGI KA NA LANG ----UI GUWAPO..
" napatingin si Mama kay Valentin na nakasandal sa pader."HI, SINO KA?" tanong ni Mama. Ngumiti si Valentin at nagpakilala.
"VALENTIN PO. KAIBIGAN PO AKO NI SUNNY.."
Umigkas agad ang kilay ni Mama pagkarinig sa pakilala ng lalaki. "OWWW! HI! NICE TO MEET YOU. AKO ANG MAMA NI 'MAARAW'.. SOOO. IKAW SIGURO SI DEMO---"
"MAAAAAAAAAA!" sigaw ko. Peste si Mama! Ibubuko ako! Nanunuksong tumingin si Mama sa akin habang mukhang clueless naman si Valentin.
Phew! Buti na lang!
"YES, ANO YUN ANAK? TINAWAG MO AKO?"
Ngumiti ako ng pilit kay Mama. "AH HEHEHE LABYU!" sabi ko.
Tumawa lang si Mama. "LABYUTU." sagot ni Mama na ikinatawa ni Valentin.
Yan. Sige. Tumawa ka lang. Gusto ko yan.
Sa huli... si Mama na ang nagsama sa kin pauwi at dumalo naman sa blow out si Valentin. All in all. Not my best day, yet not the worst.
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...