III: THE CROSSING //
Secret PoV
Yes! Yes! May update si Demo-my love sa Cupid's Last Wish. Binasa ko yun at sa huli, meron siyang mensahe. "What goes up, must come down. Maybe I should stay down forever. So I won't be hurt anymore..."
Omo. Malungkot na naman siya. Sabagay, kelan ba siya sumaya?
Di bale, parating na ako Demo-my-emo writer! Hintayin mo ako! Paliligayahin kitaa! Wahahahaha!
Tinapos ko lahat ng commitment ko sa buong linggo. Projects, reports, thesis, etc. At nang sumapit ang sabado, biyahe agad ako ng San Juan. Madilim pa lang andun na ako sa Park sa tapat ng statue ni Eros. Mas nauna pa akong humuni sa mga ibon. Excited eh.
Okay, ayun mismo sa story na Cupid's Last Wish, Chapter 2, muling nagkita sina bidang boy at girl sa isang lugar na tinatawag na 'CROSSING'. At nagkita sila dahil sa isang lalaking may pangalang 'Francis'.
CROSSING. Yun ang clue ko.
Ang problema... ang daming Crossing sa SanJuan!!! Gawd! Di bale. Para sa pag-ibig, itataya ko ang bagong bili kong sapatos! Hehe!
"HULLO!"
Eh?
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si... Smiley Cute Boy!! "O! IKAW!!" turo ko. Nakasuot siya ng gray sweatshirt at jogging pants. May iPod earphone sa tenga at may pasak na straw sa bibig mula sa iniinom na Nestlé Chucky.
"DI BA IKAW YUNG GIRL NA MUNTIK NANG TAMAAN NG BOLA SA MUKHA?? ANONG GINAGAWA MO DITO?" polite na tanong niya sabay upo sa lupa.
Nagkamot ako. "AH OO, AKO NGA YUN. ANO KASI... MAY HINAHANAP AKONG LUGAR..." sabi ko.
"ANONG LUGAR?"
Teka. Sasabihin ko ba? Wala naman sigurong masama di ba?
"DI KO NGA ALAM EH.. BASTA CROSSING..." sagot ko.
Humagalpak ng tawa si Cutie Boy.
"CROSSING??! MAGKU-KRUS ANG MATA MO SA DAMI NG CROSSING DITO SA SAN JUAN!! HAHAHA!"
Ngumuso ako. Alam ko yun. T^T
"HMMM. EH KUNG SAMAHAN KITA... WALA NAMAN AKONG GAGAWIN," dugtong niya.
Natigilan ako. Pero sa huli, pumayag na din ako. Mas mabuti na yung may kasama. No risk na maligaw ako. Kaso, pinagloloko yata ako nitong si Cute Boy. Dinadala niya ako sa mga lugar na sobrang layo ng description sa nobela ng Cupid's Last Wish. Tapos tawa pa siya ng tawa, hindi ko alam kung may saltik siya sa ulo o pala-tawa lang talaga siya.
Hanggang sa mapagod kami at maupo sa tapat ng isang Century-old na simbahan.
"LETSE! LUMAWIT ATA DILA KO DUN AH!" reklamo ko. At tumawa si Cute Boy.
Napadako ang tingin ko sa simbahan at sa malaking krus na nasa harap nito.
"ANONG SIMBAHAN YAN?" tanong ko.
"YAN? AH. ST. FRANCIS. ST. FRANCIS OF ASSISSI CHURCH."
St.Francis.
Parang biglang sinilihan ang puwet ko. Francis. Yun yung nasa nobela, di ba? Ang taong dahilan kung bakit muling nagkita ang dalawang bida sa... Crossing!
Putaaang! Ito yung Crossing! Obvious naman sa pagkalaki-laking Cross ng simbahan!!
Ito yun! Ito yun!
"BAKIT?" Tanong ni Cute Boy.
"ALAM MO KASI---" natigilan ako nang makita ang isang pigura na papalabas ng simbahan. Si Boy Sungit!
"NANDITO DIN PALA SIYA," sabi ni Cute Boy.
"ANONG GINAGAWA NIYA DITO?" tanong ko.
"EWAN. HE ALWAYS GO HERE. NO ONE KNOWS WHY..." sagot ng lalaki.
Huh? Ganun? Ang weird naman niya. Bakit ganun? Lagi kong nakikita si Boy Sungit sa lugar kung saan yun yung mga clue sa novel ni Demosthenes.
Coincidence? Weird.

BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomansDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...