Sunny's PoV
"~~OH MY BAGS ARE PACK I'M READY TO GO.... I'M STANDING HERE OUTSIDE YOUR DOOR... I HATE TO WAKE YOU UP TO SAY GOODBYE..." kumakanta si Valentin habang inaayos ko yung mga bagahe niya.
Tahimik lang ako dahil ayokong magsalita. Pag nagsalita ako, maiiyak lang ako, kaya hindi ko na lang pinansin si Valentin na alam kong nagpapansin lang.
"~~BUT THE DAWN IS BREAKING, IT'S EARLY MORN. THE TAXI'S WAITING IS BLOWING HERE HIS HORN. ALREADY, I'M SO LONESOME, I COULD DIE..."
Nilagay ko yung ilang pirasong sando at boxers sa isang ziplock plastic bag bago ipinailalim iyon sa bulsa nung isang maleta.
"~~SO KISS ME AND SMILE FOR ME, TELL ME THAT YOU'LL WAIT FOR ME... HOLD ME LIKE YOU'D NEVER LET ME GO.. CUZ I'M LEAVIN' ON A JETPLANE, DON'T WHEN I'LL BE BACK AGAIN. OH BABE, I HATE TO GO..."
Tch!
Nang matapos ko yung ginagawa ko, tumingin ako kay Valentin na nakataas ang isang kilay.
"HINDI KA MAN LANG NAGRE-REACT SA KANTA KO?" reklamo niya. "MASAYA KA SIGURO NA AALIS NA AKO..."
Sumaltak ako. "BALIW KA TALAGA... ANONG GUSTO MO? MAGWALA AKO, UMIYAK? EH DI HINDI KA NA UMALIS NUN... TSH! AT TSAKA MASAYA TALAGA AKO NA AALIS KA..."
"ABA'T! TALAGA PALANG---"
"PATAPUSIN MO MUNA AKO..." lumapit ako kay Valentin at yumakap sa bewang niya. "...KASI, MATUTUPAD MO NA ANG DREAM MO!" sabi ko.
Umingos si Valentin pero sa huli ngumiti din siya agad.
Seven a.m. dumating si Rust at tinulungan si Valentin sa mga gamit niya na mailagay sa kotse. Nung unti-unti nilang hinahakot yung mga maleta, dun lang nag-sink in sa utak ko na aalis na talaga si Valentin.
Bumigat ng todo ang dibdib ko. Iniwasan kong mapatingin kay Valentin.
Nung nagbibiyahe na kami papunta sa NAIA Terminal 3, tahimik lang ako at nakikinig sa usapan nina Rust at Valentin. May malaking bagay na tila nakabara sa lalamunan ko kaya tikhim ako ng tikhim at inom ng inom ng tubig.
"HONEY... OKAY KA LANG?" tanong ni Valentin nung mapansin niya ako.
Tumango ako. "AYOS LANG AKO," pumiyok pa yung boses ko.
Nagtinginan tuloy ang dalawa. Umiwas naman ako ng tingin.
Pagdating namin sa airport, pumunta na kami sa departure area malapit na rin kasi ang alis ni Val. Hanggang dun lang kami puwede ni Rust.
Pinilit kong ngumiti nung tumingin sa 'kin si Valentin para magpaalam.
Tumawa siya nung makita ang mukha ko. "UMIYAK KA KONG GUSTO MO... WAG MONG PIGILIN... NAGMUMUKHA KANG CONSTIPATED EH..." sabi niya. "HALIKA NGA RITO.... GIVE ME A KISS AND HUG..." ibinuka niya ang mga braso niya.
Yumakap ako sa kanya, hindi pa rin ako umiyak. Pigil na pigil ko ang hinga ko dahil baka umatungal ako na parang aso pag huminga ako ng malalim.
Nakita kong pasimpleng tumatawa si Rust.
"ANO? HINDI KA PA RIN IIYAK?" tanong ni Valentin.
Umiling ako.
"BAHALA KA NGA. WHERE'S MY KISS?" sabi niya.
Dinampian ko siya ng mabilis na halik sa labi.
Sumimangot si Valentin. "GANUN LANG? GOODBYE KISS TAPOS GANUN LANG ANG IBIBIGAY MO? DAPAT.... GANITO....."
Gigil na hinila niya ang mukha ko at hinalikan ang labi ko. Malalim, matagal, makahulugan. It's a kind of kiss that promise of thousand wonderful days... it's didn't say goodbye, it said 'wait for me'...
"AHEM AHEM! PDA DUDE!" Singit ni Rust.
Naghiwalay kami ni Valentin. "TCH! MAG-GIRLFRIEND KA NA NGA. NANG HINDI KA INGGIT!" sikmat ni Val kay Rust na tumawa lang.
"ABA! TUMAWA KA PA... NAHANAP MO NA SI SASHA, NO?"
Biglang namula si Rust. "SHUT UP!"
Nang humarap sa kin si Valentin, nagseryoso ang mukha niya. "INGATAN MO SARILI MO... PARA SA 'KIN. KAPAG MAY MAHIRAP KANG TERM PAPERS, IE-MAIL MO AGAD AT KAHIT NASA GITNA AKO NG FIELD, AALIS AKO PARA GAWIN YUN."
Napatawa ako.
"IKAW DIN. HUWAG KANG MASYADONG PASAWAY DUN... HUWAG MONG PASASAKITIN ANG ULO NG COACH MO TULAD NG GINAGAWA MO KAY MR. WINSTON.... TSAKA.... KUMAIN KA NG MADAMI AT HUWAG KANG MAGPAPATUYO NG PAWIS..." sabi ko.
"OPO, MOMMY..." sagot ni Valentin. Hinampas ko tuloy siya sa braso niya.
"SERYOSO AKO..."
"SERYOSO DIN AKO..."
Biglang tinawag na yung flight no. ni Valentin... aalis na sila. Yumakap ulit ako sa kanya. Clearly, Valentin looked really sad. Siya yung parang biglang maiiyak na.
"PUMASOK KA KAYA SA LOOB NG MALETA KO, DADALHIN NA KITA SA AMERICA..." sabi niya.
Tumawa kami ni Rust.
"SIGE NA... BYE NA O. BAKA MAIWAN KA PA NG FLIGHT MO..." sabi ko.
"RUST... BANTAYAN MO ANG SUNNY-DEAR KO HA? WAG MONG HAHAYAANG MAY MAKALAPIT DYAN!" ani Val kay Rust .
"DON'T WORRY, KAMI NI SASHA ANG MAGBABANTAY SA KANYA..."
"SASHA! SO BUMALIK NA NGA SIYA?!" sabay naming sabi ni Valentin.
Ngumiti lang ng makahulugan si Rust.
Tch!
"SUNNY-DEAR, HONEYBUNCH, BARNEY KO... NO BOYS HA? ARAL LANG... AFTER FIVE YEARS, ALAM NA..." sabi ni Val.
Tumango ako. Yumakap ulit si Val at pagkatapos nun ay hinila na niya yung maleta niya patungo sa departure area.
Kumaway lang kami ni Rust. Hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.
There he goes... my sweet valentine.
He's gone.
See you... when I see you.
"LET'S GO, SUNNY.." aya na ni Rust sa 'kin.
Tumango ako nang may maalala ako.
"WHERE'S SASHA?" tanong ko.
"NASA BAHAY... GUSTO MONG PUNTAHAN?" nakangiting sabi niya. Aysus! Kaya pala goodmood ang loko.
"TARA!" Sagot ko.
Lumakad na kami palabas sa airport.
Ilang minuto lang ang lumipas, dumaan na sa langit ang eroplanong sinasakyan ni Valentin.
Ngumiti na lang ako.
----
XXXXX THE END XXXXX
BwahahHahahahahaha!!!!!!
Joke.
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...