Naalimpungatan ako sa mga tilaok ng mga tandang sa di kalayuan. Dinilat ko ang aking mga mata at nilingon ang relo sa dingding. Madilim nuong una ngunit dahil sa ilaw ng poste sa labas ng silid ay naaninag ko na rin ang oras. Mag alas-kuwatro na ng umaga.
Bumangon ako sa pagkakahiga at ibinaba ang mga paa sa sahig. Naupo muna saglit. Maaga pa pero aninag ko na ang apat na higaan gawa sa kawayan na dalawahang-palapag. Rektanggulo ang silid-tulugan at mataas ang kisame.
Mag-isa lang ako ngayon sa silid. Nagkakaroon lamang ako ng kasama kapag ang mga paring bumibisita dito sa simbahan at eskwelahan ay may mga kasamang drayber o kaya naman ay may mga laity na nadadaan at kailangan ng matutuluyan.
Ito na ang naging tulugan ko sampung taong gulang pa lamang ako. Pinagbawal kasi ng Madre Superiora na ako ay sa tabi ni Nanay matulog. Noong una'y umiiyak pa ako at natatakot mag-isa, ngunit malaunan ay nasanay na rin. Naiintindihan ko na rin ang dahilan kung bakit ipinagbawal ng Madre Superiora na ako'y maki-tulog na kasama sila. Sa ika-lawang palapag ang silid-tulugan nila at dito naman sa unang palapag ang puwesto ng silid-tulugan ko.
Nag inat-inat muna ako at dumapa na sa sahig at nag push-ups, hangang maka isang daan. Tumayo na't dinampot ang tuwalya sa barandilya ng bintana't nagtungo na sa banyo. Nag mumog, nag hilamos at saka nag punas at tuluyan ng binagtas ang daan patungong kusina. Doon ay nadatnan ko si Nanay.
"Magandang umaga po 'Nay." bati kong nakangiti.
"Magandang umaga, anak. Oh, maupo ka na at mag almusal na para maaga kang maka gayak." balik nya'ng bati habang nag lalagay ng plato sa hapag kainan.
"Salamat po 'Nay. Sabay na po tayo." napalingon si Nanay sa akin at ngumiti. Lumapit ako at niyakap sya.
Si Nanay Herminia ay isang Madre sa kongregasyong Sisters of St. Paul of Chartres (SPC). Hindi sya ang biyolohikong Nanay ko. Sya ang kumupkop at nag alaga sa akin simula noong matagpuan nya akong inabandona sa loob ng simbahan ng St. Paul Church sa Wellington, New Zealand. Nang panahon na iyon ay sa New Zealand sya naka-destino.
Isang Irish si Nanay. Itim ang buhok nya at kulay asul ang kanyang mga mata. Apatnaput siyam na ang edad nya. Katamtaman lang ang katawan nya at taas. Masipag si Nanay. Sya ang naka toka sa kusina dito sa tirahan ng mga Madre.
Ako? Malamang ang aking tunay na magulang ay mga Kiwi o New Zealanders. Pero Pilipinong-pilipino na ako sa isip at gawa dahil dito na ako lumaki sa Pilipinas. Anim na buwan pa lang ako ng nilipat si Nanay dito. Sinama nya ako dahil ayaw nya akong iwan sa New Zealand. Hindi na sya pumayag pang ilipat muli kaya dito na kami nanatili sa St. Paul School, sa isang probinsya malapit sa Maynila, mga labingsyam na taon na ang nakakaraan.
"Anak, kapag naabutan ka ng gabi sa Maynila ay dito ka na tumuloy." sabay abot nya ng isang pirasong papel na may direksiyon.
"Ito po yung kumbento sa Pasig?"
"Oo anak, tinawagan ko kahapon yung ninang Martha mo. Kung sakaling gabihin ka nga ay doon na magpa umaga. Payag naman sya." aniya.
Si ninang Martha ay isa ring Madre. Sya ang Madre Superiora sa kumbentong iyon sa Pasig.
Isinilid ko ang papel sa bulsa ng kalsonsilyo ko at tinapos na ang pagkain. Matapos kumain ay aktong ililigpit ko na ang pinagkainan namin ng sawayin ako ni Nanay at sya na lang daw ang magliligpit.
"Gumayak ka na at ako na bahala dito." utos ni Nanay.
"Marami pong salamat, Nanay, mahal na mahal po kita." niyakap ko ulit sya.
"Walang anuman, anak, mahal na mahal din kita." napa buntong hininga si Nanay. "Galingan mo sa interview mo ha? Ipagdadasal ko ang magandang kapalaran mo."
"Opo. Sisiguraduhin kong mabibighani sila sa akin," masaya kong tugon.
"Sige na, gumayak kana at baka ma-huli ka pa. Mag iingat ka, anak," hinalikan ako ni Nanay sa pisngi.
"Opo, 'Nay. Huwag kayong mag alala. Mag iingat po ako." sabi ko.
Pagkaraan maligo ay tumungo na ako sa silid at humarap sa salaminan sa paanan ng aking higaan. Nakatapis lang ako ng tuwalya. Kita ko ang sarili mula ulo hangang tuhod.
Labingsiyam na taong gulang na ako. Nasa 5'8'' ang aking tangkad. Bagsak ang maikling buhok na matingkad na kayumanggi ang kulay. Makakapal na kilay at mahahabang pilantik na pilik-mata. Kayumanggi ang kulay ng aking mga mata na may mga batik ng ginto.
Matangos ang ilong ko at may maninipis na mapupulang labi. Ngumiti ako at naglabasan ang pantay-pantay na mapuputing ngipin. May sungki nga lang sa gawing kaliwa pero kyut naman. Dagdag puntos sa kaguwapuhan. Hehehe.
Maputi at makinis ang aking balat. Hindi kalakihan ang katawan, hindi payat hindi rin mataba. May v-line akong naaaninag pero di ganoon ka prominente. Wala akong abs pero ab meron. Buti na lang plat pa rin ang tiyan kahit balot ng baby fats.
Hindi ako nagdyi-dyim pero lagi akong nagpu push-ups sa silid-tulugan bago matulog at pagka-gising sa umaga. Yan lang ang aking hersisyo. Yung pagka-hubog ng aking katawan ay dahil sa gawain ko dito sa St. Paul School pati na rin sa simbahan.
Ako ang all-around maintenance ng eskwelahan at simbahan. Marami akong natutunang gawain mula sa mga Madre. Musmos pa lang ako ay tinuruan na nila ako. Marunong akong magluto (kagandahang-loob ni Nanay), magkarpentero (kagandahang-loob ni Sister Mildred, hinala ko nga may pagka lgbt ito eh), magkumpuni ng sasakyan at mga de-koryenteng aparato (kagandahang-loob ni Sister Arsenia). Bawat Madre dito sa eskwelahan ay may kanya-kanyang toka. May Madre na nars, si Sister Eloise, na taga pag-alaga ng kalusugan namin.
Kala mo simpleng mga Madre lang sila. Si Nanay nga graduate ng Fine Arts. Sya ang nagturo sa aking mag pinta. Ang kinahiligan ko ay watercolor at ang hilig kong ipinta ay tanawin at kalikasan. Ang estilo ko naman ay yung tinatawag na pagkamakatotohanan o naturalism.
Marunong din akong manahi ng damit at kurtina. Yung mga gamit sa simbahan ng St. Paul ako kaya nagtahi ng mga iyon. Pwede na nga akong mag tayo ng haberdashery. Hehe.
Tinuro na nga nila sa akin lahat para mabuhay ng hindi umaasa sa iba.
Yun nga lang. May isa silang hindi naituro sa akin. Kung paano kumpunihin ang isang wasak na puso dahil sa pagiging bigo sa pag-ibig.
PATALASTAS
Guys, I got a message from Wattpad. Chapter 10 got a rating of mature and made private due to prohibited content.
To read this chapter you need to follow. Sorry, ganon talaga.
And you also need to add the story sa reading list nyo.
Then close your wattpad app and reopen it.
Ulitin pag hindi pa rin mag show. Unfollow and remove from reading list. Then repeat.
Patience is a virtue. I guess there's something sa chapter 10 na nakakabilib. Ibig sabihin ganon katindi ang BS. Hahaha. At least napansin.
Ciao.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...