Pagbalik ko ng Pilipinas ay nanatili lang ako sa iskuwelahan ng St. Paul ng dalawang linggo. Nuong unang mga araw ay sabik na sabik akong gawin yung mga gawain ko noon. Hindi nagtagal ay parang aligaga ako. Akala ko ay naghilom na ang sakit sa aking puso. May lumbay pa rin akong nadarama. May kulang pa sa aking buhay.Nagpaalam ako kay Nanay na bibiyahe ako pero dito lang sa Pilipinas. Naintindihan naman ni Nanay ang gusto ko. Hindi ko man masabi kung ano iyon ay hinayaan nya akong hanapin ang aking sarili.
"Anak, kung ano man ang pinagdaraan mo ngayon ay nararamdaman ko ang pangungulila mo. Susuportahan kita kung ano man ang paraan na sa tingin mo ay makakamtan mo ang kapayapaan. Matagal ko ring pinag-isipan ito." iniabot nya sa akin ang isang kahon.
"Ano po ito Nanay?" tanong ko pagkaabot ko sa kahon.
"Yaan ang buo mong pag-katao. Yaan ang suot mong damit ng matagpuan kita sa simbahan ng St. Paul sa Wellington. May locket kang suot. Marahil sa magulang mo. Ibinibigay ko sa iyo yan dahil alam kong ito na ang tamang pagkakataon na magsaliksik ka para sa ikakatahimik ng iyong puso." paliwanag ni Nanay.
"Inisip ko noon pa man na sana ay matagpuan ko ang aking mga tunay na magulang. Sa ngayon gusto ko munang mag-isip kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Pero maraming salamat po Nanay at pinag-katiwala mo sa akin ito. Malay nyo po, baka bukas makalawa maisip kong magsaliksik tungkol sa mga magulang ko." tugon ko sa kanya.
"Basta ang iisipin mo, laging naka-alalay ang Diyos sa iyo. Huwag kang makakalimot tumawag sa kanya." pangaral ni Nanay.
Bumili ako ng sasakyang Toyota Vios, gamit ang perang ibinigay sa akin ni Mrs. Hughes. Kinuwenta nya ang mahigit dalawang taon kong pagtatrabaho sa kanya at ibigay ang dapat na suweldo ko. Hindi ko nahindian yung tsekeng binigay nya dahil pati si Zac ay katulong nya sa pag-uudyok.
Sinimulan ko ang aking paglalakbay. Inikot ko ang buong Luzon. Una kong pinuntahan ang Olongapo, Zambales hangang Bolinao. Umakyat ako patungong Vigan at Pagudpod hangang Aparri. Dinayo ko rin ang hilagang-silangan ng Luzon, ang Santa Ana, Santa Clara, Parunungan, Bolos Point pababa hangang Baler.
Tatlong buwan ko rin inikot ang Luzon. Lahat ng pinuntahan ko ay tabing-dagat. Para akong naing-ganyo ng mga alon ng tubig.
Madalas ay sa tolda de kampanya ako natutulog. Minsan ay tumutuloy ako sa motel.
Sa tagal ng paglalakbay ko ay nagpasya akong bumalik sa Palauig, Zambales. Bumili ako dito ng lupa sa tabing-dagat at nagpatayo ako ng maliit na kubo.
Kitang-kita mula sa kubo ang Dagat Timog Tsina. Ang kina-gusto ko dito ay kahit limang daang metro na ang layo sa baybayin ay hangang tuhod pa rin ang tubig dagat. Kahit maliit lang ang aking lupang nabili ay napakalawak ng aking pag-aaring dalampasigan, hahaha.
Pagkaraan kong maitaguyod ang aking tabing-dagat na pag-aari ay tumuloy ako ng Maynila upang simulan ko ang aking negosyo. Syempre, kailangan kong kumita!
Si Danaya ang kinuha kong ka-sosyo. Suwerte sya sa negosyo kaya sya ang kinausap ko. Saka sya ang mamumuhunan ng mas malaki.
Kumuha ako ng puwesto sa isang mol sa Ermita. Nagpatayo ako dito ng isang 'boulangerie cafe' na isang 'artisanal bakery'. Ang tinapay na ginagawa ko ay yung makaluma, gawa sa kamay walang makina at ginagamitan ko ng sourdough na galing pa sa unang sourdough na ginawa ko sa Lake Tahoe. May isa rin akong sourdough na ginawa nuong nasa Palauig, Zambales ako. Ginamit kong kultura ay yung prutas ng balubad (kasuy).
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...