Mabilis ang takbo ng araw. Hindi ko namalayan heto na ako sa Rod Laver Arena para manood ng pinale ng Australian Open. Si Lleyton ang maglalaro kalaban nya ang numero tres sa ranggo sa mundo. Kung sino man manalo sa kanila ay magiging numero uno sa mundo.Sa pangatlong hilera ng sideline kami nakaupo. Nasa dulo ako, katabi ko si Jen, magulang ni Lleyton, si Reggie, John at Tom. Pinili ko talagang umupo sa dulo malayo kay John. Ako na ang umiwas. Baka may mangyaring hindi maganda.
Sa unang hilera sa harap namin nakaupo si Bianca. Ang dating asawa ni Lleyton. Kasama nya ang panganay na anak nila na si Lleyton Jr. Apat na taon na ito. Yung dalawang sumunod ay naiwan sa penthaws kasama ang mga yaya.
Dumating si Bianca at mga anak nya kagabi. Maganda si Bianca, elegante. Isa itong sikat na artista at mang-aawit sa Australia. Hindi nakakapagtakang mapa-ibig nya si Lleyton, kung naging tunay lang akong lalaki malamang maaakit din ako nito.
Pinakilala ako ni Lleyton kay Bianca. Mabait naman ito. Napansin ko rin na parang magkaibigan ang turing nila sa isa't isa. Walang galit o poot akong nararamdaman.
Sa katabing otel sila tumutuloy, pero yung mga bata ay natulog sa penthaws kasama ni Lleyton. Nakipag-laro din ako sa kanila hangang sa mapagod at inihiga ko na sila sa kama ni Lleyton.
Madaling araw ay naalimpungatan ako dahil tumabi sa aking kama si Lleyton. Kinalabit nya ako at bumigay naman ako kaagad.
Ngayon ay malakas ang tibok ng puso ko. Iba talaga ang pakiramdam pag may gusto kang manalo sa laro na pinanonood mo. Iba rin ang pakiramdam na ikaw mismo ang nasa laruan na nanunuod kumpara kung sa telebisyon ka lang. Dama mo lahat ng emosyon kesa nakaupo ka lang sa bahay at nakaharap sa telebisyon.
Tinawagan ko kagabi si Nanay. Nangamusta. Sinabi kong manuod ng telebisyon at maglalaro si Lleyton sa pinale ng Australian Open. Sinabihan pa ako ni Nanay na kumaway kapag may kamera.
Siguradong manonood yon ng laro sa telebisyon. Adik si Nanay sa tennis. Kaya nga siguro nagka-interes din ako sa larong ito. May kaybol naman kami sa eskwelahan. Medyo may antala lang siguro ng ilang oras.
Gusto ko mang sumigaw pag nakaka-puntos si Lleyton, pero pinipigilan ko na lang. Humahawak na lang ako sa aking dibdib para pakalmahin ang dagundong ng aking puso.
Medyo naantala sa kalagitnaan ang laro ng bumuhos ang ulan. Sinara yung bubungan ng arina at pinunasan yung kort para matuyo. Tatlumpung minuto rin ang tinagal at nagsimula ulit ang laro.
Sa pagtutok ko sa laro ay hindi ko namalayan na kinakawayan ako ni Bianca. Pinapupunta nya ako sa kanya. Tumayo ako at pinuntahan sya.
"Keith, I would like to ask a favour, please. Take Lleyton to the comfort room? He needs to pee." medyo na-blanko ako. Pero ng humawak na sa aking kamay si Lleyton Jr. ay napagtanto ko na hindi si Lleyton laki ang sasamahan ko sa banyo. Si Lleyton liit pala. Haha.
"Sure, no problem. It's ok." sabi ko kay Bianca. Inakay ko si Lleyton Jr. palabas ng kort. Tumungo kami sa banyo. Paglabas namin ay may mga mamamahayag kaming madadaanan. Marami sila. Nag kuhanan sila ng litrato. Dinig na dinig ko yung klik ng mga kamera nila. Nang malapit na kami sa kanila ay may tumawag kay Lleyton Jr.
"Hey. Lleyton, are you here to watch your daddy?" tanong nung isang paparazzi. Laking gulat ko ng huminto naman si Lleyton Jr. at hinarap yung nagtatanong.
"Yes, I am. Also my mom is here to watch my daddy." inosenteng sagot ng bata.
"Do you think your daddy will win today?" tanong ulit ng paparazzi.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...