Pagkaraan naming mag almusal ay pumunta kami sa Royal Forth Yacht Club. Napansin kong parang masyadong asikaso at paggalang ang binibigay ng mga tauhan sa amin. Lalo na kay Harry. Siguro malakas ang koneksiyon nya dito. Baka dito naglalagi ang Reyna ng Inglatera.Tumungo kami sa daungan ng mga yate at bangkang may layag. Naalala ko si Lleyton at ang kanyang Cabin Cruiser na bangka.
Umakyat si Harry sa isang bangkang may tatlong layag na tinatawag na schooner. Kakaiba ito sa Cabin Cruiser ni Lleyton. Dahil ito ay pinatatakbo ng hangin.
Iniabot ni Harry ang kanyang kamay sa akin. Inabot ko iyon at hinila nya ako pataas sa banka. May kalakihan din ito at may kabina rin sa gitna.Abala si Harry sa pag-gayak sa banka sa paglalayag. Minsan inuutusan nya ako gawin ang maliliit na bagay. Katulad ng pag ayos ng tela ng layag. Tinuruan nya rin ako ng iba't ibang uri ng pag-buhol sa mga tali.
Nang maikabit na ang mga layag at naitaas ay handa na kaming maglayag. Habang umuusad ang bangka sa daungan ay tinuturuan ako ni Harry ng mga simpleng gawain sa pagpapa-andar ng ganitong bangka.
"Keith, haul in the jibsheet!" huh? Ano raw?
"What?" tanong ko sa kanya.
"Grab that rope over there and pull it!" paliwanag nya sa simpleng Ingles.
"Like this?" hay, medyo masyadong teknikal ang pagpapaandar ng ganitong bangka. Sana yung de motor na lang para may manibela.
"Yeah. You're doing ok. Now we have to get ready to tack across the wind. Tighten your sails by pulling in the sheets." ginawa ko ang ginawa ni Harry. Nakakamangha ang kanyang kaalaman sa ganitong bangka. Pinagaaralan kaya yung ganito sa iskuwelahan?
"We're getting fast." sigaw ko sa kanya. Yung hangin ay humahampas sa aking mukha. Ganon din kay Harry.
"Get yourself ready for the tack." lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Kinagat pa nya ang aking ibabang labi.
Ang bangka ay tumatagilid sa amin at kinuha ni Harry ang kamay ko at hinila sa kabilang gilid upang ilipat ang aming timbang. Pabilis ng pabilis ang aming andar. Sing bilis ng hangin.
Nahuhuli kong sinusulyapan ako ni Harry. Pag nahuhuli ko sya ay nginingitian ko sya. Yung ngiting nangaakit. Minsan tinutusok ko ng dila ko yung pisngi ko kaya umuumbok ito.
"Where are we going?" sigaw ko malapit sa kanyang teynga.
"Loch Ness." nakatingin sya sa akin.
"Scary." kinilabutan ako.
"Nothing to be scared about. It's just a myth. But don't tell that to the locals." niyakap nya ako at hinalikan.
Ilang oras din ang nakaraan at gamay ko na ang pagpapatakbo ng bangkang layag. Pero marami pa rin akong natutunan kay Harry. Nakakapagod pero sulit naman sa ganda ng tanawin.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...