Chapter 15

3.2K 102 0
                                    


"Who's this?" tanong ng lalaking nasa kabilang linya. Boses ni James.

"James? Who are you talking to?" boses ng babae. Malambing.

"Hello? Walang sumasagot eh." sabi ni James sa babae.

"Common bhe, they're calling us. Let's..." pinutol ko na ang tawag. Nanginginig ang mga kamay ko.

Hindi nawala o nanakaw ang telepono ni James! Nasa kanya pa rin ito. Na-korap nga lang kaya ang phonebook nya? Pero bakit hindi nya napagtanto yung una kong mensahe sa kanya, hindi naman yon misteriyoso? Meron nga kayang ibang tumatawag na Hulky sa kanyang pagkalalaki? Ang pagkakaalam ko ay ako ang tumawag ng Incredible Hulk doon at sya ang nag-palayaw ng Hulky. Ano nangyayari? Naguguluhan ako.

Kasalanan ito ng teleponong ito. Hindi naman talaga kita hilig. Okay na ako na wala ka eh. Ngayon problema pa dulot mo.

Ahhh, parang tinutusok ang puso ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Humiga na lang ako. Pinipigilan ko ang aking mga luha. Parang gusto kong sumigaw, mag-amok, saktan ang sarili at marami pang iba. Hindi ko na nga lang maisip pa kung ano yung iba pa na iyon. May gusto akong gawin na hindi ko maumpisahan.

Kalma lang, kalma lang, sabi ko sa isip ko. Kailangan kong maka-usap si James ng harapan. Hindi pwedeng ganon na lang iyon. Tama, pupuntahan ko sya sa kanyang kondo bukas. Tama. Umm, mag-iiwan ako ng mensahe sa lobby ng kondo nya.

Tinawagan ko yung kondo nya. Nagpasabi akong dadalaw ako kinabukasan ng tanghali doon. Naki-usap akong ibigay ang mensahe kay James. Umoo naman yung nakasagot.

Ok, kalmado na ako. Pupuntahan ko si James. Magkakausap kami. Malilinawan ko ang mga nangyayari.

Pero bakit ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. May hindi tamang nangyayari. Kinakabahan ako.

Pinikit ko ang aking mga mata. Nadidinig ko ang kalabog ng aking puso. Idinantay ko ang aking palad sa aking dibdib. Ma-aayos din ito. Kailangan lang naming mag-usap ni James ng harapan. Nananabik na akong makita sya. Nais kong dampian ang kangyang mga labi ng mga halik. Mayakap sya ng mahigpit...

Nagising ako ng 6:30pm. Nag-inat at nag push ups. Hindi ako tumigil hangang hindi tumutulo ang pawis sa aking katawan. Hindi ko na binilang pero mahigit isang daan ang push ups na ginawa ko. Nagsawa na akong pagurin ang aking isip, kaya katawan na lang muna.

Pagkayari ay nag-inat inat ako pampakalma at tumuloy ako ng banyo at nag-ayos na ng sarili. Hindi nagmamadali ang aking kilos. Malapit lang naman ang Shang. Kinse minutos bago mag alas-otso ay lumabas na ako ng silid at hinintay si Lleyton sa sala. Hawak ko lang ang telepono ko. Gusto ko sanang umupo sa sopa pero ayaw kong magusot ang suit and tie na suot ko.

Lumabas na si Lleyton sa kanyang silid. Suit and tie rin ang suot nito pero kulay murang kayumanggi (beige). Ang guwapo nya. Mukha syang artista sa Hollywood na dumadalo sa Oscar's.

Nakangiti ako sa kanya. Lumapit sya at kinilatis ang aking suot. Pinagpag nya ang balikat ko at pinantay nya yung tie sa aking leeg. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaayos nya yung suot ko.

"There you are, handsome." sambit nya. Namula yata mukha ko dahil nag-init ito.

"You're handsome as well, like a Hollywood star. Very spruce and stylish." tumawa sya. Nakitawa na rin ako. Nadinig ko yang sinabi ni Emman sa akin habang nagsusukat ako ng mga suit and tie.

"I have never resort to flannels, but you're gorgeous." puri ulit ni Lleyton. Naiilang na ako. Wala na akong Ingles na pwedeng ipang-tapat sa huli nyang papuri sa akin.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon