Sakto lang ang dating namin sa NAIA. Boeing 777-300ER ng Qatar Airways ang sinakyan naming eroplano. Tanghali ay lumipad na kami. Sa business class kami nakaupo at sa bintana ako naka-puwesto. Si Lleyton ay katabi ko. Una kong sakay ng eroplano na may isip na. Noon ay yung sanggol pa lamang ako galing ng New Zealand."Are you ok?" tanong ni Lleyton.
"Yes. Just a little nervous. But I'm ok." nginitian ko sya. Hinawakan nya ang aking kamay at hinimas. Nawala naman ang kaba sa dibdib ko. Napalitan ito ng ginhawa. Napaka-amo ng mukha ni Lleyton. Kung sino man ang iibigin nya ay napaka-suwerte. Guwapo at mabait. Maganda ang katawan, katakam-takam. Umm, kung wala lang ibang tao dito pinang-gigilan ko sya!
Halos sampung oras ang byahe. Tuloy-tuloy lang at walang hintuan. Lumapag kami sa Hamad International Airport. Huli ng limang oras ang Qatar sa Pilipinas. Kaya pagdating namin sa paliparan ay alas-sinko palang at may araw pa.
Paglabas namin ng paliparan ay bumugad ang halumigmig (humidity). Parang nabanat ang balat ko sa mukha. Iba ang init dito kumpara sa Pilipinas. Nakakalitson sa balat. Ano pa kaya kung nasa ilalim ka ng araw?
Mabuti na lang ay dumating agad ang sundo naming sasakyan. Wala pang anim na minuto ay nakarating na kami sa aming tutuluyan, ang Sharq Village and Spa Hotel. Ang disenyo ay makikitaan ng tunay na Arabeng arkitektura. Marangya at maluho ang pagkakagawa dito. Ang harap nito'y tabing-dagat at matatanaw ang Doha Bay.
Hindi ko inaasahan na ganito kaganda sa Doha. Akala ko puro disyerto at mga bundok ng buhangin. Ang isang tumatak sa aking isipan na malaking kaibahan sa Maynila ng Doha ay ang mga daanan, ang luluwag!Tumuloy na kami sa aming twin suite. Una kaming pumasok sa silid ni Lleyton. May sala dito na may mga sopa na kulay marun at isang malaking telebisyon sa dingding. Ang kama ay may apat na poste na may kanopi sa itaas. May balkonahe rin kita ang Doha Bay.
Sumunod ay ginabayan ako ng bellboy sa aking silid. Sa tabi ng malaking telebisyon ay may isang pintuan. Binuksan ng bellman ang pinto at sinundan ko sya. Pareho ng silid ni Lleyton, kanopid na kama at may balkonahe rin.
Inayos ko ang aking mga gamit. Pagkatapos ay kinuha ko ang talaarawan at iPad at kumatok sa karatig na pinto. Narinig kong nagsalita si Lleyton at pinapasok ako.
"Hi. Are you settled in? Do you need a hand with... with your things?" nautal ako dahil naghuhubad ng damit pang itaas si Lleyton. Nabara sa kanyang leeg yung damit. Napatingin ako sa kanyang tiyan. May mga balahibong pababa sa kanyang pantalon. Putsa, nakakalibog.
Tinulungan ko syang iangat ang kanyang damit. Nang makawala ay tuluyan na nyang hinagis ang damit sa kanyang kama. Nakatitig lang sya sa akin. Malapit ang aming mukha sa isa't isa.
"Yes, I need your hands... with my things." aww, huwag kang ganyan Lleyton. Hindi pa ganap ang pagkahilom ng aking puso. Madaling matukso pa ito. Madali pang paikutin.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...