Chapter 17

3.2K 107 7
                                    


Alas siyete at apatnapu't lima ang oras ng ako ay nakabalik. Alas otso yung salu-salo. Nag banyo ako ng mabilis at gumayak. Sakto paglabas ni Lleyton sa kanyang silid ay nasa sala na ako.

"Let's go, mate." yaya nya. Bumaba kami sa lobby. Nadatnan namin sila Reggie at Tom sa pahingahan ng lobby. Sabay-sabay naming tinungo ang kabilang gusali para sa salu-salo.

Sa pinaka-tuktok ng gusali kami dinala ng elebeytor. Penthaws ang sabi sa amin ng bantay-pinto. Buong palapag ay sakop nito, malawak at marangya ang mga muwebles sa loob. Ang tema ng disenyo ay 1920's bohemyan.

Sinalubong kami ng isang "drag queen". Umm, lalaki itong naka-damit ng pambabae na labis, eksaherahin talaga. Naka peluka ito ng kulay olandes na kulot-kulot. Maayos naman at bumagay ang kanyang meykap, na may kakapalan nga lang, sa kanyang bonggang kasuotan.

"Hello boys. I'm Maria Ashte Danaya. That's my drag name. Call me Danaya for short. Welcome to my dungeon... harharhar." umpisa nya na medyo may pagka-teyatrikal. Para syang karakter sa pelikulang pinanood namin ni James sa kanyang kondo, yung Adventures of Priscilla, Queen of the Dessert, na komedya pala at hindi katatakutan.

"Hi. Pleasure to meet you." sabi ni Reggie.

"Cum in boys. I have more girls to introduce to you." sinundan namin sya sa isang patyo. May isang malaking lamesa roon na puno ng maraming pagkain at inumin. Malapit rito ay isang palanguyan na katamtaman lang ang laki.

Umahon sa palanguyan ang isang pamilyar na babae. Sya yung nagimbita sa amin. Naka bikini ito, seksi talaga at makinis.

"Good evening Mr. Hewitt. Good evening boys." sambit nitong may halong pang-aakit at tumabi sa gilid ni Reggie.

"Boys, why don't you get your food first. And sit here with us." tinuro ni Danaya ang isang lamesang mahaba. "Girls, assist our boys. Gow, gow, gow." manda nya sa ibang mga babae sa palanguyan.

Kumuha kami ng aming pagkain sa malaking lamesa at umupo naman kami doon sa mahabang lamesa. Naiwan ako at saktong doon sa tabi ni Danaya ang wala pang nakaupo. Doon na ako dumiretso. Nahihiya man akong tabihan sya eh walang mapagpipilian.

"Hi." nakangiti kong bati sa kanya.

"Hi. What is you name?" tanong nya.

"Keith pagalan ko." sambit ko.

"Oww, marunong kang magtagalog?" gulat nyang sabi.

"Oo naman. Pinoy yata ako." masaya kong sabi sa kanya.

"Wehh, baka naman marunong ka lang magtagalog. Let me guess, ikaw ay isang Español? O kaya Russian?" kulit nyang mag tanong.

"Kulit mo noh? Pinoy nga ako. Shutang inamers naman oh!" bigkas ko.

"You speak my lingo! Omaygoodness. Kalahi kita! Harharhar. Sino ba sa tatlong yang ang boylet mo?" nakakatuwa syang kausap.

"Sya sana." biro ko habang nginuso ko si Lleyton.

"Nice choice badet! Felling ko Dakota Harrison sya." tinitigan ni Danaya si Lleyton. Napansin yata ni Lleyton ang pagkakatitig ni Danaya sa kanya.

"Yes Miss?" takang tanong ni Lleyton. Kinabahan ako. Hinawakan ko ang binti ni Danaya upang pigilan sya sa anumang sasabihin nya.

"Hindi nya alam." bulong ko na hindi gumalaw ang aking bibig.

"Nothing Mr. Hewitt. I was just mesmerized by your handsomeness. You're hot." hay, mabuti na lang.

"Hehe. Thank you." nakangiting sabi ni Lleyton, na lalong gumuwapo. Ang sarap dilaan ng kanyang bingal.

"You may want to take a dip later. The water is heated. Just right. You'll warm it more later." makahulugang bigkas ni Danaya. Pero naintindihan ko naman.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon