Chapter 26

2.8K 85 14
                                    


Saktong alas sais ay lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Harry sa sala. Naka-bihis ito ng kaswal. Ang suot nya ay kulay kahel na polo shirt at itim na pantalong maong. Ang sapin nya sa paa ay isang brogue na kulay oliba. Lalo yatang gumuwapo itong mokong na ito ah. Bagay yung kulay ng polo shirt nya sa kanyang mala-kahel na mamula-mulang buhok at mga balahibo sa kamay at braso.

Simple lang ang aking suot. Puti na t-shirt at maong na kupas na hapit ng kaunti. Converse na kanbas na asul.

"Hi Harry." nginitian ko sya at dinilaan ko ang aking mga labi. Kailangan ko ng libangan. Kailangang mapa-saakin itong Harry na ito.

"Hello Keith. Are you ready?" malaki rin ang ngiti nya. Mamaya ka sa akin.

"Yes. Is my taxi ready?" lumapit ako sa kanya. Gusto kong maamoy nya yung aking kolon na Nenuco. Niligo ko sa katawan ko ito.

"There is no taxi but I have my transport. I will drive you around." umm, mas maganda. Makakapag-ninja moves ako. Hehe.

"Better. Let's go?" kinuha ko yung kamay nya. Pinisil ko iyon at hinila sya. Nakangiti lang ako sa kanya. Hinihila ko sya pero hindi ko alam kung saan kami lalabas.

"This way Keith." sabi nya.

"Oh. I'm sorry Harry. Haha." lumapit ako sa kanya at ipinatong ko ang palad ko sa kanyang dibdib. Ibinaba ko kamay ko sa kanyang tiyan. Umm, ramdam ko yung kanyang matitigas na kalamnan.

"It's all right. I think I'll enjoy the night... with you!" lumalaban ka rin ng landian ah. Humanda ka talaga sa akin.

"I'll make it worth your while Harry. You won't regret it." sabi ko na hinugot ko pa lahat ng landi sa aking pagkatao. Idinantay ko pa yung kamay ko sa kanyang buhok at inayos ayos iyon. Nakangisi lang sya sa akin. Mukhang may binabalak din ang mokong.

Lumabas kami sa isang malaking pintong kahoy. Mukhang niluma na ito sa katagalan. Paglabas namin ay bumungad yung isang motorsiklong may kalumaan na rin. Perpekto! Lalong magkakalapit ang aming mga katawan. Hehe.

Pero may bumulaga sa akin na hindi ko inaasahan. Lumingon ako sa paligid. Galing kami sa timog bahagi ng isang mala-haring palasyo! Nandito kami ngayon sa patyo. Hugis u ang disenyo nito.

Ang punong entrada ay matatagpuan sa kanlurang harapan sa pusod ng dalawang palapag na tore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang punong entrada ay matatagpuan sa kanlurang harapan sa pusod ng dalawang palapag na tore. Ang hilaga at timog ay may simetrikong tatlong palapag na tore na tumaas sa likod upang malayo sa kaliwa at kanan ng hanay ng dalawang palapag na tore.

Dito sa patyo ay napapaligiran ng mga haligi. May siyam na arko sa hilaga at timog sa unang palapag, Dorik sa pangalawang palapag at Korinpano sa pangatlo.

"Wow, Harry! You work here? This is big! Who's living here?" gulat kong tanong kay Harry. Napahawak pa ako ng mahigpit sa kanyang mga braso.

"The Queen of England lives here. But she's not here now. She comes during the summer days." sabi nya habang inaabot nya yung isang helmet sa akin.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon