Chapter 31

2.4K 78 2
                                    


Pagbaba namin galing sa kuwarto ni Arjo ay tumungo kami sa patyo at nadatnan namin na marami ng bisita. Hawak ko ang regalo namin at sinalubong kami ni Daddy Romeo at Mommy Cynthia.

"Happy anniversary po." inabot ko sa kanila ang aming regalo.

"Thank you mga anak." sabi ni Mommy Cynthia.

"Walang anuman po." wika ko.

"Sit with us. That's our table." tinuro ni Daddy Romeo ang lamesa sa gitna.

"Sige Daddy. Maiwan muna namin kayo." hinila ako ni Arjo papunta sa lamesa. Umupo kaming nakaharap sa mga nagsasayawan sa gitna.

"Gusto mong kuhanan kita ng food?" tanong ko kay Arjo.

"Sige hon." sagot ni Arjo. Tumayo ako at tinungo yung lamesang maraming pagkain. Hangang dalawang ulam lang ang nilagay ko para kay Arjo. Pag marami na ay sumasakit ang tiyan nya. Ganon na din ang kinuha ko para sa akin.

Pagbalik ko sa aming lamesa ay nandoon na si Angela at si Zedd. Katabi ko si Zedd sa lamesa.

"Hi Zedd. Do you want something to eat?" tanong ko sa bata.

"I want hotdog." sambit ni Zedd.

"I'll get you hotdog. Wait lang ha." tinignan ko si Arjo. Nagkangitian kami. Humakbang ako papunta sa kusina. Walang handang hotdog doon sa lamesa. Magluluto na lang ako.

May mga tao sa kusina. Sila yung nagtutustos ng pagkain sa lamesa. Hindi naman nila ako pinansin. Binuksan ko yung malaking palamigan. Sa daming laman nito, siguradong may hotdog dito. Kailangan lang magaling kang maghanap. Sa kakahalungkat ko ay nakita ko rin yung hotdog. Kumuha ako ng apat. Dalawa kay Zedd at dalawa kay Arjo.

Pinirito ko yung hotdog at naghanap ako ng tuhugan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinirito ko yung hotdog at naghanap ako ng tuhugan. Sa kakabuklat ko sa mga kabinet ay nakakita ako ng tuhugang gawa sa kawayan. Kumuha ako ng apat at tinuhog ko yung mga hotdog.

Pagbalik ko ay tuwang tuwa si Zedd. Pati na rin si Arjo. Paborito ni Arjo ang hotdog. Lagi syang nagpapaluto nito at pati pag kumakain kami sa Jollibee ang inoorder nya palagi ay yung Jolihotdog. Masaya akong pinagmamasdan si Arjo at Zedd sa pagkain nila ng hotdog ng may nagsalita sa aking likuran.

"Zedd baby." napalunok ako at napatingin kay Angela. Alam kong alam nya kung kaninong boses iyon. Tumingin din sa akin si Angela. Ibinaba ko na lang ang aking tingin sa lamesa sa aking plato.

"Papa..." nagtatakbo si Zedd. Hindi ako lumingon. Kung pwede lang huwag na nya akong makilala. Hindi ko alam kung saan napunta yung tapang ko. Parang na ipu-ipo at hinigup paitaas sa langit.

"That's Brian Joson. Zedd's father. My sister divorced him a year ago." paliwanag na bulong ni Arjo. Tumayo sya at sinalubong ang mag ama na magkayakap.

"Kumusta Arjo? Ang tagal nating hindi nagkita ah. Saan ka ba nagtatago ha?" bungad ni Brian. Naririnig ko lang sila sa aking likod. Hindi ako gumagalaw sa aking upuan. Tumayo ako at nagpapaalam kay Angela na mag babanyo.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon