Chapter 7

4.9K 139 3
                                    

NAKARAAN

Pagkatapos ng nangyari sa kaarawan ng Nanay ni Brian, ay nag simula na akong mag tanong sa sarili kung ano nga ba ako? Dati ay di ko naman naiisip kung ano ang pagkatangi ko. Akala ko pangkaraniwan lang yung hindi ako nanliligaw sa mga babae. Hindi rin naman ako nagkakagusto sa mga lalaki. Kung baga niyutral lang, walang kinikilingan.

Kaya pagkaraan ng kinilos na iyon ni Brian, nabuksan ang baul ni Pandora. Natuklasan kong iba ako sa karaniwang kabataan. Ngunit dahil sa kinalakihan kong kapaligiran ay nahirapan akong ilabas at ipahayag ang aking tutuong pagkatao. Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao at sa mga mata ng Diyos.

Kinaiingitan at hinahangaan ko yung mga kabataang kumikilos ayon sa kanilang pagkasino. Hindi sila takot sa sasabihin ng ibang tao. Marahil may magulang silang nagpapatnubay sa kanila. Meron din naman ako, yun nga lang sagrado ang mga pangaral nila. At iyon ang naitanim sa aking isip hangang  sa ako'y tumanda.

Sabado, dalawang araw bago mag simula ang pasukan sa kolehiyo, ay ang araw na tinangap ko sa sarili na ako'y iba. Ano pa gawin ko, hindi ko na mapipigilan pa. Eto na eh. Sabi nga ni John Keating sa pelikulang Dead Poets Society, "make your lives extraordinary." Ganito man ako, pagbubutihin ko na lang ang aking sarili.

Dahil bakasyon pa ay walang masyadong trabaho sa eskwelahan ng St. Paul kaya nagpasya akong lumabas at tumambay sa likod ng simbahan. Magkatabi lang naman ang eskwelahan at simbahan ng St. Paul. Malawak ang lupain dito at may hardin. Marami ring puno na namumunga ng prutas. Dala ko ang aking gamit pagpinta. Dahil putok sa bunga ang punong makopa, nais ko itong ipinta.

Dumaan ang sandali ay may naramdaman akong mga hakbang na huminto sa aking likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dumaan ang sandali ay may naramdaman akong mga hakbang na huminto sa aking likuran. Sinulyapan ko ito. Susmaryosep, ang payapa ng kanyang itsura, parang angel na bumaba sa lupa. Nagsasayawan ang lilim ng mga dahon ng puno sa kanyang mukha at katawan.

"Hi." bati nya. Nakapamulsa ang dalawa nyang kamay sa kanyang pantalon. Nakangiting labas ang mapuputi at pantay na mga ngipin.

"Haa... Hi." nasisilaw ako sa araw kaya iniharang ko ang aking kamay sa mukha ko.

"Ah... Anong ginagawa mo?" tanong nya. Humakbang sya patungo sa kaliwang tagiliran ko.

"Eh, wala." nahihiyang ibinaligtad ko ang kambas. Nakaupo ako sa damuhan at sa harapan ko ay may tatlong boteng may lamang tubig at mga pinsel.

"Umm, ako nga pala si James. Remember me?" pagpapakilala nya. Umupo sya sa tapat ko at sumandal sapo ang mga siko sa damuhan.

"Keith. Natatandaan kita." maikli kong pagpapakilala. Nakayuko lang ako. Naiilang akong tignan sya. Para syang isang angel.

"Sorry nga pala doon sa nangyari. I never meant to embarrass you. Nakakatawa kasi yung reaction mo... I mean yung pangyayari." ramdam ko ang katapatan sa kanyang boses. Kaya sa oras ding iyon ay napatawad ko na sya.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon