Chapter 36

2.8K 77 3
                                    


"Goodnight everyone." paalam ko sa mga kasamahan ko sa trabaho dito sa Sugar Pine Bakery. Bitbit ko ang isang kahon ng melokoton na pastel.

"Goodnight Keith. Enjoy your weekend." sabi ni Mrs. Hill. Sya ang may-ari ng panaderya.

"See you Monday, Mrs. Hill. Goodbye." wika ko.

Maglalakad lang ako, malapit lang naman dito ang tinutuluyan ko. Mga trenta minutong paglalakad. Gabi na ngunit may mga poste ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa daan. Maraming beses ko ng tinahak ang daang ito kaya hindi na ako natatakot. Kilala ko na ang mga nakatira sa bawat bahay na madadaanan ko. Nadelibiran ko na sila. Dahil nuong una ay deliberi boy ang trabaho ko sa panaderya.

Sa aking kanan ay natatanaw ko ang Lake Tahoe. Napaka-payapa nito sa ilalim ng buwan. Sa pangkalahatan, tahimik dito sa napili kong lugar para magsimula ulit.

Nakarating ako sa aking tinutuluyan. Isa itong kubol na ginawang silid ng may-ari. May sariling banyo at maliit na kusina. Ang pangunahing bahay ay malaki at estilong Adirondack ang arkitektura. Libre ang pagtira ko sa aking tinutuluyan kapalit ay ang pagaalaga ko sa bakuran.

Pagpasok ko sa kubol ay nagpainit ako ng tubig. Malamig ang panahon kailangan kong magpainit kundi manginginig ako sa lamig. Nagsalin ako ng mainit na tubig sa tasa at nilagyan ko ng tsaa. Nilabas ko rin yung melokoton na pastel mula sa kahon at nilagay sa hapag kainan. Tinusok ko ang isang payat na kandila sa gitna nito at sinindihan yung mitsa.

"🎶 Happy birthday to me. Happy birthday to me. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to me. 🎶" mahina kong kanta. Hinipan ko yung kandila hangang mawala ang sindi nito.

Dalawang taon na ang lumipas mula ng huli kong nilisan ang Pilipinas. Bente sais na ang edad ko. Magisa pa rin. Pero kagustuhan ko ito. Payapa ang aking isip. Walang bumabagabag sa aking puso.

Nangungulila ako minsan. Dinadaan ko na lang sa trabaho at pagaaral. Sa umaga, alas kuwatro pa lang ay gising na ako para maglinis ng bakuran ng tinutuluyan ko. Limang hektarya ito. Sinusuklian ko ang kagandahang loob ng may-ari na patirahin ako dito sa kubol ng libre kapalit ay ang pagaasikaso sa bakuran nito.

Pagkalapag noon ng eroplano sa San Francisco galing Maynila ay lumabas agad ako ng paliparan. Naglakad lakad ako ng walang patutunguhan. Hangang nagpasya akong maki-angkas sa mga dumadaang sasakyan. Si Mrs. Hughes ang unang huminto at sinakay ako. Sa Lake Tahoe ang punta nya kaya doon na rin ako nagpahatid.

Mabait itong si Mrs. Hughes. Nabangit ko sa kanya na gusto kong magsimula ng buhay ko sa bagong lugar. Nagkataon naman noon na nangangailangan sya ng trabahador sa kanyang magandang bahay. Inalok nya akong mag trabaho sa kanya kapalit ng libreng pagpapatira nya sa akin.

Pagdating ng alas otso ng umaga ay papasok naman ako sa Lake Tahoe Community College sakay ng bisekleta ko. Kumukuha ako ng Culinary Arts Short-Term Departmental Certificate. Hangang alas onse ng umaga ang klase ko.

Pagkatapos ng klase ay babalik ulit ako sa tinutuluyan ko at itutuloy ang paglilinis ng bakuran. Maraming beses na akong nakapasok sa loob ng bahay na malaki pag pinakiki-usapan ako ni Mrs. Hughes na magsilbi sa kanyang parti. Mahilig magpa-parti si Mrs. Hughes. Mga bigatin ang kanyang mga panauhin. Minsan may mga artista pang pumupunta.

Pagdating ng hapon ay pupunta naman ako sa Sugar Pine Bakery. Nuong una ay deliberi boy ang trabaho ko. Hangang sa naging katulong ako sa kusina at di naglaon ay naging serbidor ako sa kanilang dinning. Puro babae ang kasama ko, ako lang ang lalaki. Kaya yung mga gawaing pang-lalaki ay sa akin nila pinagagawa. Hindi nila alam ang tunay kong kasarian. Hindi naman nila tinatanong, hindi rin naman kasi halata sa kilos ko ang pagiging binabae.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon