Chapter 39

5.9K 144 84
                                    


Pinagsaluhan namin ni James ang kasabikan sa isa't isa. Yung mga panahong magkalayo kami ay binuhos namin sa isang gabi. Mainit ang magdamag. Init na nakaka-paso. Parang bulkan, sumasabog dahil matagal nagpigil ng puwersa.

Hapung-hapo ang aming katawan. Pero ang aming diwa ay alerto sa batuhan ng aming mga damdamin. Maski sa pagpikit ng aming mga mata ay ramdam namin ang walang hangang kaligayahan.

Masarap ang luto ng Diyos. Habang tumatagal ay lalong lumilinamnam. Ang pag-niniig namin ni James ngayon ay mas lalong may kabuluhan. Parang pinagpala. Haha.

Walang kahambing ang kaligayahang aking nadarama. Nasa tabi ko ang aking pinaka-mamahal. Magkayakap kami dito sa ibabaw ng kama. Kagagaling lang namin sa banyo upang pawiin pansamantala ang baga ng pagnanasa.

"Bebe ko, nalaglag mo yung kuwintas mong suot. Napigtas ko yata. Pasensya ka na ha, hindi ko napigilan ang pang-gigigil ko sayo." hawak ni James yung laket na binigay ni Nanay sa akin.

"Walang anuman yon mahal ko. Ako rin naman, sobra kitang na miss. Ipapa-hinang ko na lang sa gumagawa ng alahas." tugon ko. Nakita kong binuksan nya yung laket.

"Sino sya?" tinuro nya yung litrato sa loob.

"Sabi ni Nanay baka sa magulang ko raw yan. Nung natagpuan nya ako sa simbahan nakadikit sa katawan ko yang locket." paliwanag ko. Isang babae ang nasa litrato.

"Umm, mukhang Maori itong nasa picture. Kung ganoon isa kang aboriginal bebe ko." sabi ni James.

"Sa tingin mo kahawig ko yung nasa litrato?" tanong ko. Nagtataka ako at malayo ang hitsura ko sa babae sa litrato.

"Baka nagmana ka sa tatay mo? Baka British ang tatay mo at nagkakilala sila? Saan pala nakuha ni Nanay Herminia ang pangalan mo?" marami nyang tanong.

"Naka burda sa damit kong suot yung Keith Thompson." tumayo ako at kinuha sa aparador yung kahon na ibinigay ni Nanay. Ipinakita ko kay James yung damit.

"Bebe, ang cute naman nitong damit mo. Parang ikaw, cute." pagbibiro ni James.

"Matagal ko ng alam na cute ako. Kaya ka nga na in love sa akin di ba?" hinalikan ako ni James. Kinikilig naman ako.

"Oops, sorry." nalaglag yung litrato mula sa laket. Pinulot ni James iyon at kinilatis.

"Ok lang. Ibalik na lang natin sa loob ng locket." inaabot ko sa kanya yung litrato.

"Tignan mo, may nakasulat sa likod." tinuro ni James yung sulat sa likod. 'Awhireinga Lotama'.

"Awhi... renga Latoma. Ang hirap sabihin ng unang pangalan. Yan kaya ang pangalan ng bababe sa litrato?" tanong ko.

"Siguro, i-google natin." sabi ni James.

"Umm, mamaya na. Parang gusto kong ikaw ang i-google ko! Saka yang si Hulky, tignan mo, tango ng tango oh." inabot ko si Hulky at hinimas. Napa-ngiti si James.

"Halika rito bebe ko. Mag round six tayo!" hinila ako ni James sa ibabaw nya at naghalikan kami ng matindi. Hangang inabot ng umaga ang aming bunuan sa kama. Hehe.

Tatlong gabi at dalawang araw sila James nanatili dito sa bahay-bakasyunan. Inasikaso ko silang mag-aama. Ipinaramdam ko sa kanila ang aking malugod na pagtanggap sa pagdating nila sa buhay ko.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon