"Bakit gising ka pa?" nadatnan ako ni Danaya nakaupo sa sopa nakatitig sa kawalan."Hinihintay kita eh." nilingon ko sya at sinenyasang tumabi sa akin.
"Sorry, nagtagal ako sa pag audit, ang gulo ng bookkeeper nila dito eh." paliwanag nya.
"Ok lang. Alam kong gagabihin ka. Metikoloso ka kaya. Kaya yumayaman ka lalo eh." biro ko. Naupo sya sa tabi ko.
"Ano yan?" tinuro nya yung kaldero at bote ng Bentianna sa ibabaw ng lamesa sa harapan ko.
"Pinagluto kita ng favorite mo. Spaghetti pinoy style at alak." hinawakan ko yung bote ng Bentianna.
"May kusina ba dito, hindi ko napansin?" taka nyang tanong.
"Nakiusap ako sa hotel manager na makigamit ng kitchen nila. Nag-grocery ako kanina. Nag-crave kasi ako ng ketchup spaghetti." sabi ko.
"Bakit may alak? Maglalasing ba tayo? Gusto ko yan, malalasing kita... Harharhar." biro nya.
"Sorry, 13% lang ang alcohol content nito. Para lang syang juice." sabi ko.
"Sayang. Anyways, bukod sa nag-crave ka eh bakit may alak pa, maski low alcohol content pa yan, there's something going on?" pataas taas pa ang kilay nyang tinitigan ako.
"I need to tell you something. May gumugulo sa isipan ko eh. Pero kumain muna tayo ng spaghetti." binuksan ko yung kaserola at nilagyan sya ng spaghetti sa plato. Naglagay din ako ng saakin. Pinuno ko ng alak ang dalawang baso at inabot yung isa sa kanya.
Tahimik naming pinagsaluhan yung spaghetting niluto ko. Masarap naman. Ginisa ko ang hiniwang pa kyub na stesa pancetta sa bawang at sibuyas. Nilagay ko yung dalawang bote ng Jufran banana ketchup. Nakabili ako nito sa groseri. Oo, nag kalakal-panluwas ang Jufran sa Europa! Kinanyawan ko yung mga bote ng tubig at nilagay sa aking ginisa. Naglagay din ako ng paminta at asin. Syempre, hinaluan ko rin ng Parmigiano-Reggiano at konting krim.
Da-dan! Pinoy Spaghetti na may pagka-Italyano!
"Ang sarap naman nito. Dapat ikaw mapangasawa ko. Ganitong ganito ang gusto ko eh. Soulmate talaga tayo Keith. Huwag mo nang ipagkait ang kaligayahan ko. Ibibigay ko sayong lahat. Pati virginity ko! We're destined together." wika nya habang namumuwalang sa pagkain ng spaghetti."Yung destiny mo hindi pa pinapanganak. Hintay hintay ka lang. Tignan mo sila Madonna, Ai-ai, si Madame Auring at si Mahal! Be patient, ipapanganak na yung soulmate mo." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...