Lulan na ako ng bus patungong Maynila. Ninenerbiyos at eksayted. Hindi gaanong puno ang bus. Wala akong katabi sa dalawahang upuan. Wala ring nakaupo sa kabilang dalawahang upuan. Unang pagkakataon ko ito na luluwas ng mag-isa. Unang punta ko sa Maynila ay kasama ko si Brian.
Napakunot noo ako at parang nanghina ang buo kong katawan. Ang kalahatan ng paligid ko ay parang nanahimik. Walang kulay, walang buhay.
Pumikit ako at umiling ng mabilis. Pinagpag ko pa mga kamay ko at mga braso na animoy nagaalis ng mga masasamang elemento. Kailangan kong alisin sa isip ko si Brian. Hindi makakabuti ito.
Panginoon, kahit ngayon lang, bigyan Mo ako ng katahimikan at kapayapaan. Bigyan Mo ako ng lakas mapakalma ang nagdurugo kong puso, mahina kong dalangin.
Ibinaling ko na lang ang aking isip sa mga tanawin na dinadaanan ng bus. Nang magsawa ay inaliw ko ang aking mga mata sa daang aspalto na mga guhit na lamang sa paningin sa bilis ng andar ng bus. Salamat naman at nawaglit din kalaunan sa isip ko si Brian.
Pupunta ako sa isang otel sa Makati para sa isang job interview. Sa internet ko nahanap ang kumpanyang Hewitt & Rusty Networks. Naghahanap sila ng isang HTML encoder. Napili kong mag e-mail ng curriculum vitae sa kanila dahil nabasa ko sa webpage ng kumpanya na may sangay sila sa New Zealand.
Inisip ko kung susuwertihin at matanggap ako sa kumpanyang ito ay hihilingin kong malipat sa kanilang sangay sa New Zealand. Marahil dahil sa gusto ko na rin mahanap at makita ang tunay kong mga magulang. Ito na ang pagkakataon na simulan ko ang paghahanap sa kanila.
Sa dinami-dami ng pinag-padalhan ko ng aking curriculum vitae, ang Hewitt & Rusty Networks lang ang tumugon; at mismong nagtatag ng kumpanya pa ang nag imbita para sa isang interview. Yaong iba ay auto-generated e-mails lamang. Nakaka-dismaya. Kaya napagpasiyahan kong unahin at paunlakan ang imbitasyon ng nagtatag ng Hewitt & Rusty Networks.
Inabot din ng tatlong oras ang biyahe bago ko narating ang otel. Ito'y malaki at maganda. Makasaysayin din. Kilala ito sa kanyang makaharing paunten at balong.
Pumasok ako at tinungo ang lobby. Nang masabi ko ang pakay ko ay pinapunta ako sa hintayang lugar sa loob ng malaking ballroom. Mataas ang kisame nito at may mga aranyang nag kikislapan, gawa ito sa mga Swarovski kristal. Marami ring lamesa na may ilan-ilan na mga bisita ng otel na kumakain ng almusal.Nakakapagtaka. Bakit ako lang mag-isa dito sa hintayang lugar? Karaniwan naman dapat maraming applikante, di ba? Inisip ko na lang na baka napaaga lang ako. Sa e-mail naman ang saad ay bago mag tanghali ang interview. Anong oras na ba? Wala akong relos at selular na telepono. Luminga-linga ako at nakakita ng isang pendulong orasan. Nuong una akala ko isang makitid na aparador ito. Orasan pala. Hehehe...
Ayun, alas-otso trenta na ng umaga!
Sa kabilang dako ng ballroom ay may malalaking entrepanyo (window glass). Matatanaw ang isang patyo sa labas mula rito na may naglalaro ng tennis. Pinapanuuod ko lang sila pampa-lipas inip. Hangang ang punto ng interes ko ay napukaw ng lalaking nasa kaliwa ng palaruan.
Magaling maglaro ang lalaki, mukhang propesyonal. Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw ng lalaki sa tuwing hinahabol nya ang bola at hahampasin ng kanyang raketa.
Nakaka-bighani ang estilo ng kanyang paglalaro. Ang galing nyang mag balik ng mga mahihirap na shots. Lagi lang syang nasa baseline ng palaruan pero pag kailangang lumapit sa net ay panalo ang kanyang mga drop shots at short returns. Isang kahanga-hanga nyang laro ay yung nag return sya ng isang offensive topspin lob.
Whew...
Ang galing...
Ang husay...
Ang guwapo!
Maganda ang pangangatawan ng lalaki. Banat na banat. Kumbaga, tatlong porsiyento lang ata ang taba ng katawan. Kumpara sa akin, baka nasa labinlimang porsiyento ang baby fats ko sa katawan. Hehe. Mapapansin rin na ang kanyang kanang braso ay mas malaki ng unti ang kalamnan kumpara sa kaliwa nyang braso.
Hawak ng lalaki ang bola at pumuwesto sya sa serbis line ng palaruan. Sya ang magse-serb. Nakatitig ako sa kanya. Napalingon ang lalaki sa loob ng ballroom at nagkatitigan kami. Inihagis ng lalaki ang bola paitaas ngunit ng bumaba ang bola para i-serb ay hindi nya hinataw ng raketa. Bagkus ay sinalo lang nya ulit ng kamay nya na pinang-hagis dito. Naka tingin sya sa akin wari'y isa akong malaking kaguluhan sa konsentrasiyon nya.
Nag-init ang buo kong katawan. Pinagpapawisan ako kahit na malamig dito sa loob ng ballroom. Tinablan ako ng hiya. Pinutol ko ang tingin ko sa lalaki at yumuko na lamang.
Makaraan ang ilang minuto ay ini-angat ko ang aking tingin ngunit iniwas na madako pa ito muli sa labas ng patyo. Ilang saglit pa ay namataan kong papasok sila ng ballroom. Nauna yung lalaki. Basa ang buhok nito sa pawis at basa rin ang kanyang suot na damit pang-itaas. Ayokong tumingin sa pang-ibabang suot nya. Ayokong magkasala!
'Lord, patawad!' taimtim kong tawag sa maykapal.
Nakasukbit ang isang malaking tennis bag sa kanyang balikat. Naglalakad sya patungo kung saan ako nakaupo. Nakasunod sa likuran nya yung mga kasama nya sa patyo kanina. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya dahil dadaanan nila yung puwesto ko.
Laking gulat ko ng makitang nakatingin din ito sa akin. Parang bumagal ang oras. Ang segundo ay marahan. Naka-kandado ang mga mata ko sa mga mata nya. Ngumiti sya, napangiti rin ako ng parang ngiti ni Mona Lisa na misteriyoso. Kinikilig. Nakikiliti yung... umm. Ah, ewan. Sinasapian yata ako.
Ang guwapo ng lalaking ito. Ang lakas maka-akit ng kanyang tikas at tindig. Kung haliparot na bading lang ako baka hinarangan ko ang dadaanan ng lalaking ito at tutuwad sa harap nya at sisigaw ng HAPPY TO SERVE!!!
Dinaanan at lumagpas na sila sa kinauupuan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagbubunyi ang kalituan. Tumayo ako at tinungo ang lobby upang itanong kung saan ang banyo. Pagdating sa banyo ay agad akong nagbuhos ng tubig sa mukha. Nahimasmasan naman ako sa ika-sampung hilamos.
Bumalik na ako sa hintayang lugar at naghintay pa ng dalawangpung minuto ng lapitan ako ng resepsyonista at sinabing sumunod sa kanya. Nagtataka akong sinundan sya dahil ang akala ko ay lalabas kami ng ballroom. Bagkus ay dinala nya ako sa isa sa mga lamesa at pinaupo sa pang-animan na rektangulong hapag-kainan sa kaliwang dulo.
Nakatalikod ako sa pintuan ng ballroom kaya hindi ko nakikita ang mga pumapasok at lumalabas. Tinignan ko ang orasan at alas-diyes na ng umaga.
Maya-maya ay may lumapit na serbidor at naglapag ng platong may mangkok sa ibabaw na may lamang malapot na sabaw. Nag salin din ng juice sa baso. Ganoon din ginawa nya sa kabilang dulo ng hapag-kainan.
Nag-aalinglangan ako kung tama bang dito ako pinaupo ng resepsyonista. Parang pang dinner date ito at hindi job interview. Baka pagbayarin ako, wala akong perang pambayad. Kailangan kong lumipat sa walang nakahaing pagkain para kung sakaling magkasingilan ay wala silang ebidensya.
Akmang tatayo na sana ako at lilipat ng upuan ng may mag-ehem sa likuran ko. Nang aking lingunin ay nakita ko ang lalaki na kanina lang ay pawisan pero ngayon ay parang "sunshine".
Hay, ayun, tuliro na naman ako at napa-upo na lang ulit na parang walang lakas ang tuhod na alalayan ang bigat ng katawan ko. Kung ilalarawan ay pasalampak akong napa-upo. Kakahiya.
Nangangatog ang aking tuhod ng makita ang lalaki muli. Kakaiba ang presensya ang dulot nito sa aking damdamin. Pati na rin sa aking buong katawan. Ang lakas ng kanyang sex appeal.
"Good morning mate. I'm Lleyton Hewitt. You're Keith Thompson, right?" tanong nya habang inaabot ang kanang kamay nya sa akin.
Mahabaging Lord! Sya si Lleyton Hewitt. Sya yung tumugon sa e-mail. Sya yung nag-anyaya ng interview. Sya yung nagtatag ng Hewitt & Rusty Networks!
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Фанфик"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...