Wala pang liwanag ng nilisan namin ni James ang kanilang palayan patungong Maynila. Baka daw abutan kami ng trapiko at mahuli ako sa unang araw ko sa trabaho.Pagdaan namin sa ekpres-wey ay huminto kami sa gasolinahan upang mag almusal. Umorder sya ng pagkain.
Habang hinihintay namin ang pagkain ay dinukot nya yung telepono sa bulsa nya. Iniabot nya sa akin iyon. Inabot ko naman akala ko pinahahawakan lang sa akin.
"That is yours. It's for you." nakangiti nyang sabi. Ako naman tinapat ko yung telepono sa aking teynga.
"Hello? Hello? Sino ito?" pagsagot ko sa tawag. Humagikgik si James.
"You're so funny bebe. Hehe. That phone is yours. It's your phone now." pagpapaliwanag nya. Hindi ko pa rin makuha ang ibig nyang sabihin.
"Oo nga. Pero walang sumasagot sa kabilang linya. Hello? Are you still there? Naputol na yata yung tawag." tumingin ako sa kanya. Humahagikgik pa rin si James.
"Bebe, huy. Walang tumatawag. I'm giving you that phone. Sayo na yan." paliwanag nya ulit. Dumukot sya sa kabilang bulsa at nilabas ang kaparehong telepono. Nag dial sya at tumunog yung hawak kung telepono.
"Hello?" sinagot ko yung tawag.
"Hello bebe ko. Ang cute mo. I love you." sabi ni James sa teleponong hawak nya. Nakatingin din ako sa kanya. Naintindihan ko na rin.
"Hello bebe ko. Di mo na dapat ginawa ito. Kasi may binigay na allowance yung boss ko. Bibili rin ako ng telepono. Saka ang mahal nitong ganitong phone. Nakakahiya." may nakatingin sa aming mangilan-ngilan, nagtataka marahil.
"Eh gusto ko yang phone na yan ang gamitin mo. Postpaid yan, add on yan nitong phone ko. Huwag nang mahiya, ok? I love you bebe, bye for now." nakangiti sya. Halatang pinipigilan nyang humagikgik. Sinakyan ko na lang din ang kalokohan nya.
"Sige. Iyan ang gusto mo bebe eh. Salamat ha. Sige, meron akong ka date ngayon eh, guwapo. Nakakahiyang paghintayin. Bye." binaba ko na ang telepono. Nakatingin ako sa kanya.
"Bebe. Wait. Tss, binagsakan ako ng phone! Sino ka date ng bebe ko?" binaba na rin nya yung phone nya. Tinitigan ako at hinawakan yung kamay ko, "Bebe, sino kausap mo sa phone?" natawa na ako sa kakornihan ni James. Nakita ko tumatawa rin sya.
"Naku, siguro dapat sabay tayong magpa tingin sa duktor sa utak." sabi ko sa kanya.
"I will miss you pag nag work ka na. Kaya gusto ko with every opportunity tawagan mo ako or message me whatever you're doing and wherever you are. Okay bebe?" paalaala nya.
"Ako rin naman. Parang gusto ko na lang maging plain housewife." bulong ko. Nakanguso ako.
"I heard that." sabi nyang nakangiti. Bigla nya akong hinalikan kahit maraming tao. Hindi ko na lang sila pinansin. Maibibigay ba nila ang kaligayahang bigay ni James sa akin?
Pagkatapos ng almusal namin ay tumuloy na kami sa byahe. Maaga kaming nakarating sa otel. May labinlimang minuto pa bago mag alas-otso.
"Take care Keith. I love you." hinalikan ni James mga labi ko. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Ikaw rin bebe, mag ingat sa pagmamaneho ha. I love you." paalam ko sa kanya. Hinintay ko syang makaalis bago ako pumasok sa loob ng otel.
"Good morning Ms. Upton." bati ko sa kanya. Nakaupo sya sa isang maliit na lamesa na may isang telepono at isang kompyuter monitor.
"Good morning Mr. Thompson. Please follow me. I'll let you settle in first to your room." propesyonal ang tono ng kanyang boses. Naramdaman ko talagang ito na ang umpisa ng aking pagiging parte ng workforce ng bansang Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...