Chapter 30

2.3K 77 1
                                    


"Daddy, Mommy, si Keith Thompson po, boyfriend ko. Keith this is my Dad, Romeo Atayde and my mom, Cynthia Atayde." pagpapakilala ni Arjo sa akin sa mga magulang nya. Tumayo ang mga ito sa kanilang upuan. Yung Daddy ni Arjo ay ngumiti sa akin at iniabot ang kanyang kamay.

"Magandang umaga po." inabot ko ang kamay ng Daddy ni Arjo. Matikas ang pagkapisil nya sa aking kamay.

"Nice to meet you iho. Sit down at mag almusal muna kayo." sumenyas sya sa mga upuuan malapit sa kanya. Inabot ko din yung kamay ng Mommy ni Arjo.

"Nice to meet you rin iho. Napagod ba kayo sa biyahe?" tanong naman ng Mommy ni Arjo.

"Ok lang po ako. Si Arjo po napagod po yan. Sya po ang nagmaneho mula Baguio hangang dito. Ayaw nyang magparelyebo." sagot ko sa tanong ni Mommy Cynthia.

"He won't let you drive. Hobby nya talaga ang driving bata pa sya." sabi ng Mommy ni Arjo.

"I'm alright. Smooth naman ang biyahe. Walang abirya. But I'm hungry." umupo na si Arjo at inilapit nya yung uupuan ko sa kanya at sinenyasan nya akong umupo na rin.

"Little brother. Aren't you going to introduce me to your bitch... boyfriend?" umalingawngaw ang boses ni Angela sa aking likuran. Buti na lang hindi ganoon kalakas. Sana hindi narinig ng mga magulang nila. Pero parang ahas ang bilat, gumapang ba ito at nasa likod ko agad ng hindi ko namamalayan?

"Ate talaga, tinatakot mo love ko eh. Keith, this is my older sister, Angela." pakilala ni Arjo sa kanyang kapatid. Ang liit ng mundo. Sa dami dami ng magiging jowa ko, kapatid pa nya yung asawa ng una kong minahal.

"You know Keith, wala akong kapatid na babae. Puro lalake ang sumunod sa akin. But now you're here with my little bro, ikaw na ang little sis ko. I think magkakasundo tayo. I think pareho tayo ng taste. Don't you think so?" makahulugan ang binitawang huling salita ni Angela.

"Ah, kung lalaki ang tinutukoy mo, malamang nga. Sa guwapo lang ako pumapatol eh." bumungisngis ako at kinurot ang mga pisngi ni Arjo at pinangigilan ko ito. Napansin kong sumimangot ang mukha ni Angela.

"Anyway, kailangan nating mag bonding. Before the dinner party tonight, samahan mo ako sa mall. Let's do some shopping together." pagyaya ni Angela. Tumingin ako kay Arjo para humingi ng saklolo.

"Yes babe, go with Ate Angela. Para bonding nyo na rin. Mabait yan. Kala mo lang mataray." hay, kung alam mo lang Arjo.

"Sure, Ate Angela. I'll accompany you sa mall. Dumaan na rin tayo sa drugstore ha. Bibili lang ako ng pampakalma... Sumakit ulo ko sa... biyahe namin. Baka mag tuloy tuloy." tinignan ko si Angela.

"Good. I'm so excited. I'll see you later around two. Mom, Dad, I'm off to my room. Magpapahinga lang ako. I need strength later. Mapapalaban ata ako eh. Hahaha." sabi ni Angela sabay irap sa akin.

Tinawag ni Angela si Zedd. Tinignan ko yung bata. Malaki na sya. Ang cute nya. Mestiso rin. Kamukha ni Brian.

"Uncle Arjo." tumakbo ito palapit kay Arjo. Binuhat naman ni Arjo si Zedd.

"Woh, you're getting bigger. And heavy. Haha. How are you cutie? Na miss mo ba ako?" tanong ni Arjo kay Zedd habang karga karga nya ito.

"Yes. Have you seen Papa? Is he coming?" tanong ng bata. Biglang pumintig ang aking teynga.

"Of course baby. He'll be here later. Be a good boy and go with your mama. Taka a nap and you'll see him later." hinalikan nya yung mga pisngi ng bata. Gusto ko rin yakapin si Zedd. Pinigilan ko na lang sarili ko at nakikita kong umuusok ang mga butas ng ilong ni Angela habang nakatingin sa akin.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon