Chapter 29

2.6K 85 8
                                    


Isang taon na ako dito sa Pilipinas. Nandito ako ngayon sa Beckel, La Trinidad, Benguet. Bente minutos ang layo nito sa Baguio City.

Nakabili ako dito ng lupa na nasa tuktok ng bundok. Nagbabakasyon lang ako noon, wala pang dalawang linggo akong nakakarating sa Pilipinas nang madaanan ko itong piraso ng lupa at may naka paskil na "For Sale". Tinawagan ko agad ang numero sa naka paskil at nagka sundo kami sa presyo. Rights lang ang binili ko, dahil walang titulo ang lupa. Ang kinagusto ko rito ay palagi itong natatabunan at nadadaanan ng hamog sa buong taon.

Makikita sa hilaga ang buong Baguio City. Pag ikaw ay nakaharap sa timog ay kagubatan naman ng Benguet ang masisilayan. Katabi lang nito ang daang nasyonal na Benguet-Nueva Vizcaya Road. Kaya tuwing umaga ay maririnig mo ang sigawan ng mga PMA kadets na nag-jojogging.

 Kaya tuwing umaga ay maririnig mo ang sigawan ng mga PMA kadets na nag-jojogging

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dito ako nagtayo ng negosyo ko.
Isang maliit na restawran na may sampung lamesang kainan. Gawa sa kahoy at bukas ang mga dingding upang makita ng mga bisita ang tanawin.

Ang kalahating parte ng restawran ay walang bubong dahil ang pinalagay ko dito ay limang daang paso na nakabitin at may tanim na presa (strawberry). Pwedeng pumitas ang mga bisita ng bunga. Syempre may bayad. Minsan binibili rin nila yung paso na may tanim na.

 Minsan binibili rin nila yung paso na may tanim na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ako mismo ang nag-kultibeyt ng presa. Bumili ako ng buto nito sa Internet at pinarami ko ito sa Petri dish. Ang uri nito ay Alpine Mignonette. Namumunga ito ng marikit, tulis at mapupulang beris na matamis na parang pagkain ng mga diwata. Haha. Ibig sabihin masarap.

Oo nga pala, ang pangalan ng restawran ko ay "Chefchefan". Dahil hindi naman talaga ako chef, feeling lang. Hehe.

Ang niluluto ko ay yung mga putaheng pinoy. Minsan nahahaluan ng iba, pero ayos lang. Tinuruan ko sarili kong magluto ng iba't ibang putahe sa YouTube. Paborito kong pinapanood ay si Chef John ng Food Wishes.

At higit sa lahat, hindi walk-in ang restawran ko. Makakakain at makakatikim ka lang ng luto ko sa pamamagitan ng reserbasyon sa Internet. Tanghalian at hapunan ang oras ng bukas ng restawran. May pito akong tauhan na tumutulong sa akin at pawang mga Igorot sila. Yung dalawa sa kanila ay katulong ko sa pagluluto.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon