Chapter 6

5.6K 157 11
                                    

Maaga akong bumangon kinabukasan. Nag push-ups katulad ng kinagawian. At dahil maaga pa, nag linis ako ng bakuran. Hanggang sa lumiwanag na at tawagin ako ni Ninang Martha upang mag almusal. Kaming dalawa lang dito sa kusina na parte ng gusali para sa mga panauhin. Ang mga Madre ay nandoon sa pangunahing kusina.

Nasabi ko kay Ninang ang nangyari tungkol sa aking pakikipanayam kay Mr. Hewitt. Bawas ang mga kuwento ko syempre. Wala silang alam tungkol sa aking kasarian maski si Nanay. Dahil na rin siguro sa kinalakihan kong kapaligiran, hindi naging madali sa akin ang mag come out. Hindi rin naman sumagi sa akin ang ipaalam ito kay Nanay dahil na rin sa takot ko sa Diyos. Kumilos na lang ako ng naaayon. Ngunit may pangyayari nga naman na hindi mapipigilan, katulad na lang ng ako'y umibig sa kapwa ko kasarian.

Ibinalita kong natangap ako sa trabaho at balak kong kumuha ng pasaporte ngayong araw. Nagalak si Ninang sa aking balita. Pina-alalahanan nya ako tungkol sa buhay may trabaho at sa mga tuntunin ng moralidad... at marami pang iba. Ganyan din si Nanay. Madre eh, maraming alam.

Hanggang sa mag paalam na ito. Bumalik ako sa silid at ginayak ang mga susuutin ko. Medyo basa pa ang mga ito kaya napagpasyahan kong maligo muna. Mga alas-otso na akong nakapag-bihis dahil sinugurado kong tuyong tuyo ang mga susuutin ko.

Pag labas ko ng tarangkahan ay nakaramdam ako ng pag-aalinlangan. Parang may panganib na mangyayari. Naramdaman kong may isang malaking sasakyan sa aking likuran. Tumabi ako at hihintayin sanang maka lagpas iyon. Ngunit lalo akong kinabahan ng huminto ang isang itim na Land Cruiser sa harapan ko. Bumukas ang pinto at nakita ko si Brian sa loob.

"Sakay!" utos nya. Hindi ako makagalaw dahil sa pagka bigla.

"Bri...an, may pu...pupuntahan kasi akong importante. Baka ma late ako." kinakabahan kong paliwanag. Nalilito rin ako sa kung paano nya ako natunton dito sa kumbento.

"I'll bring you to wherever you're going. Sakay na. Please?" malambing nyang pakiusap. Putsa, pag ganito na ang usapan talagang hindi na gumagana isip ko. Namalayan ko na lang na nasa tabi na nya ako. Ang bilis ng pangyayari. "San ka pupunta?" tanong nya.

"S...sa DFA. Ku...kukuha ako ng passport." napansin kong napapadalas akong magsalita nang pautal-utal.

"Are you going abroad?" tanong nya na parang may hinanakit. Hay, sabihin mo lang Brian, hindi kita iiwan, biro ko sa sarili ko. Kagabi lang nag desisyon akong titigil na. Pero ano ngayon?

"Hin...hindi. Requirement lang sa papasukan kong trabaho." sagot ko.

"May work ka na?" tanong nya ulit.

"Oo." maikli kong tugon.

Tahimik. Minsan sulyapan ko sya ay parang malalim ang iniisip nya. May kinalikot sya sa tapalodo ng sasakyan at may tumunog na ring ng telepono. Naka loudspeaker. Pagkaraan ng tatlong ring ay may sumagot.

"Hello Brian. Napa tawag ka?" bungad ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Hi Ate Linda. Kumusta? May favor lang ako ulit. I have a friend that needs your help." sabi ni Brian. Malambing talaga ito. Di mo aakalain, sa laki nyang tao, matangkad at matipuno, ay napakalambing.

"Sure Bry, basta ikaw. Kumusta si Uncle and Auntie?" tanong ng babae.

"Thanks Ate. Nasa states sila ngayon. They'll come back a week from now." aniya.

"Really? Baka mag kita kami doon. I'll be there on Saturday." masayang tugon ng babae.

"Buti pala I called you today. We're on our way na to your office." habang sinasabi nya yon ay nakatitig sya sa akin. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan. Huminga ako ng malalim.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon