Chapter 33

2.4K 76 2
                                    


"Ehem."

Dinilat ko mga mata ko. Nakita ko si Danaya nakatayo sa gilid ng kama. Nakataas ang isang kilay. Nginitian ko sya.

"Good morning." masaya kong bati sa kanya. Nuon ko naramdaman na may nakapatong sa dibdib ko at nakayakap pa. Naalala ko na kasama ko nga pala sa kuwarto si Vadim.

"Good morning din Keith. Mukhang masarap ang tulog mo ha? Why don't you try it with me? Hapon ka na magigising!" wika ni Danaya. Dahan dahan kong inalis ang pagkaka-patong ni Vadim sa aking dibdib. Bumangon ako at tumuloy sa banyo. Nag mumog at nag hilamos. Paglabas ko ng banyo ay naka-abang si Danaya.

"Sorry about that. Nagyaya kasi si Vadim lumabas kagabi eh, nung ihatid nya ako, dito ko na sya pinatulog, nakarami ng inom eh. Baka kung ano ang mangyari sa kanya sa daan." paliwanag ko kay Danaya habang hawak ko mga kamay nya at hinihimas ko iyon.

"Paanong may mangyayari sa daan eh dito sya tumutuloy. Doon sa kabilang dulo ang kuwarto nya!" ang rebelasyon ni Danaya.

"Aba, niloko ako ng mokong ah. Sabi nya hindi sya dito tumutuloy. Hay, mga lalaki talaga. Anyway, huwag ka na magselos, walang nangyari sa amin." pilit kong pagpapaliwanag.

"Nagseselos pa rin ako. Kasi sya nakatabi na sayo. Ako hindi pa! Dapat mamaya tabihan mo ako!" nagtatampong sambit ni Danaya.

"Oo na. Mamaya sa kuwarto mo ako makikituloy. Okay ka na?" niyakap ko sya para mawala na ang tampo nya.

"Kiss mo ako." parang bata lang. Natawa tuloy ako sa asta nya. Sa susunod talaga dapat ikakandado ko ang pinto. Hehe.

"Mwah. Mwah." hinalikan ko magkabila nyang pisngi. Lumiwanag na mukha ni Danaya.

"Halika sa dinning room. Kakausapin ka ni George." hinila nya ako palabas ng kuwarto at tumungo kami sa hapag kainan.

Nadatnan namin si George at Kevin magkatabi sa lamesa. Umupo kami ni Danaya sa tapat nila.

"Keith, I was told that you were informed about this picture that needs your approval. I was talking with Danaya and she told me she's okay if you're okay to publish it. So I want to know if you are willing to give us your permission to go with it. Of course, you'll be compensated." mahabang paliwanag ni George.

"Umm, I was thinking about it. I think it's okay. Just a picture of us boys." sagot ko naman.

"Good. Now Danaya will have you sign a waiver form and she'll give you your check. There will be royalties as well stipulated in the disclosure. So please read it." wow, magkano kaya yung tseke? Haha. Pagkapirma ko ng pormularyo ng pagtalikdan at pagkaabot ng tseke ni Danaya ay dumating si Vadim.

"Good morning." bati nya sa lahat. Umupo sya sa tabi ni Danaya. Humalik sya dito.

"How's your night Vadim? You went out and you didn't invite us?" tanong ni Danaya.

"Sorry. You're not around that time so I just brought Keith to Escape Club. We just had a few drinks." paliwanag ni Vadim. Nakatitig sa akin si Kevin.

"Keith, come to my office later. I'll give you the scripts." sabi ni George.

"Ok." sagot ko. Tahimik lahat. May naramdaman akong paa sa ibabaw ng hita ko. Napatingin ako sa nakangising si Kevin. Kiniliti ko yung ilalim ng paa nya kaya inalis nya rin ito agad.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon