Chapter 25

2.9K 80 37
                                    


Ang sarap ng tulog ko. May nakayakap sa akin. Ligtas na ligtas ang aking pakiramdam. Hinimas ko yung braso ng nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init ng balat nito kumpara sa lamig ng kapaligiran.

Ipinatong ko ang aking pisngi sa dibdib nito. Umm, amoy ko ang halimuyak ng kanyang pagkalalaki. Dumadagundong ang dibdib nya sa pagpintig ng kanyang puso. Puso ko yata yon? Isiniksik ko pa ang sarili ko ng maigi sa kanyang pagkakayakap.

Naiihi ako. Dumukwang ako at tumayo sa gilid ng kama.  Ramdam kong may nakahawak sa kamay ko. Unti unti itong kumawala ng humakbang ako at tinungo ko yung banyo. Pagkatapos kung umihi ay bumalik ako at tumayo sa gilid ng kama. Nalilito ako. Nasaan ako?

Sa dami ng otel na natuluyan ko hindi ko na alam kung nasaan ako. Dudukwang ako ulit para mahiga sa kabilang parte ng kama. Kaso dumulas yung sapin ng kama kasama kamay ko at babagsak ako sa ibabaw ng lalaki. Buti na lang mabilis kong naitukod ulit yung kamay ko. Nag dikit lang ang aming mga dibdib.

Nasilayan ko yung mukha ng nakahiga. Nakadilat ito at ikinulong ako sa kanyang mga braso.. Ang mga mata nya ay deretsong nakatitig sa akin. Hindi ako makagalaw. Napukaw ang aking isipan sa kanyang mga mata. Kulay bughaw ito. Parang sa kalangitan. Para akong nililipad.

Itinukod ko mga kamay ko sa matipuno nyang dibdib at pilit kumakawala sa kanyang mga bisig. Binitawan nya ako. Naupo ako sa kanyang ibabaw. Naramdaman kong may tumusok sa aking puwet. Yung kanyang pagkalalaki ay naupuan ko. Dudukwang sana ako para bumangon ngunit dumulas na naman yung sapin ng kama kasama ako. Tuloy tuloy lang ako napasalpak sa sahig.

Tumayo yung lalaki. Naka boxer lang ito ng hapit at yung ulo ng kanyang pagkalalaki ay nakaumbok. Yumuko ito at binuhat ako sa aking kilikili.

"Are you ok?" tanong nito.

"Yes. Who... who are you?" malapit ang aming mga mukha. Kumikinang ang kanyang mga mata.

"Lukas. Lukas Ridgeston." sabi nya.

"You're Lukas Ridgeston?" napalunok ako. Ang guwapo nya. Yung mga mata nya, nakakahumaling.

"One and only." nakangisi sya. Naramdaman kong hinawakan nya ang aking puwet at pinisil.

"What are you doing here?" tanong ko. Hinawakan ko yung kamay nya na nakapatong sa aking puwet at pilit na inalis iyon.

"This is my room." huh, eh bakit ako nandito? Mali yata yung silid na napasukan ko! Lalong humigpit yung yakap ni Lukas sa akin. Nararamdaman ko yung kanyang pagkalalaki sa aking harapan.

"I'm sorry. I thought this is the room Danaya gave for me to sleep in tonight. I'll... I better leave." ayaw nya talaga akong bitawan. Dikit na dikit ang aming katawan. Pareho lang kaming naka boxers.

"All rooms are occupied. You can sleep here. With me." putsa, nagiinit ako!

"I... I can't. I'm seeing someone." natataranta na ako. Malapit na yung mga labi nya sa labi ko. Kitang kita ko rin ang kanyang mga mata. Lalong tumindi ang pagka-bughaw nito. Parang nagaapoy.

"We won't tell him. We'll just cuddle. Ok beautiful?" jusko, hindi ok. Nadadarang ako.

Binuhat nya ako at inihiga sa kama. Nakatindig sya sa gilid at pinag-mamasdan ako. Tinitignan ko rin sya. Lalong umumbok yung kanyang pagkalalaki sa loob ng kanyang boxers. Napapalunok ako. Kinuha ko yung kumot na makapal at tinakpan ko yung aking hubad na katawan. Nahiya ako dahil naka umbok na rin ang aking pagkalalaki.

Kumilos sya at tumabi sa akin. Ipinasok nya yung katawan nya sa kumot. Gumapang ang kamay nya sa aking beywang at hinatak nya ako palapit sa kanya. Hindi ako nakaporma na ilayo ang aking katawan, dahil... dahil gusto ko yung pakiramdam ng aming magkadikit na katawan.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon