Pagkatapos namin mag almusal ay nagyaya si Lleyton na maligo. Gusto nya ay sabay kami. Eh di okay. Ako pa ba ang tatanggi sa grasya? Hehe.Hawak nya ang aking kamay at hinatak ako papunta sa kanyang... kuwarto? Pero nilagpasan namin ang kuwarto nya at tuloy-tuloy lang namin tinungo yung dulong pinto. Kinabahan ako bigla. Ito ba yung silid na yari sa balat? Yung kamang may mga posas sa poste? Yung tintatawag nilang 'bondage room'? Wala naman sa hitsura ni Lleyton ang pagiging dominanta!
Nahalata yata ni Lleyton ang aking pag-aalinlangan kaya nilingon nya ako at ngumiti. Hay, ang guwapo nya talaga. Lalo nyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay.
Pagbukas nya ng pinto ay napa-buntong hininga ako ng makita kong isa lang pala itong malaking den. May malaking serbeserya sa isang gilid na puno ng mga iba't ibang klaseng inumin. May isang malaking sopa sa gitna na yari sa balat at nakaharap sa balkonahe na kita ang dagat sa ibaba ng burol. Sa kabilang gilid ay bukas ang dingding at makikita ang rektangulong palanguyan.
Nakatayo kami sa gitna ng silid. Nagsimulang magtangal ng damit si Lleyton sa aking harapan. Itinaas nya ang kanyang damit at pagka-hubad ay inihagis iyon sa sopang malaki. Sinunod nya yung butones ng kanyang pantalon at ibinaba yung siper. Dahan dahan nyang ibinaba yung pantalon hangang puting brip na lang ang suot nya. Naaaninag ko ang kanyang pagkalalaki na nakaumbok at may katigasan na.
Ilang beses ako napalunok para madampian ng laway ang aking lalamunan na biglang nanuyot. Ito na. Ito na ang pagbagsak ng aking kahinaan. Bumigay na ako.
Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko ang aking mga palad sa ibabaw ng kanyang mga dibdib. Doon mismo sa ibabaw ng kanyang mga utong. Naramdaman ko ang init ng kanyang balat at ang pag-dagundong ng kanyang puso.
"You like what you feel?... You like what you see?" tanong nya sa akin. Tumango lang ako habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Inangat ni Lleyton ang laylayan ng aking damit at hinubad. Inihagis nya yon sa tabi ng kanyang damit. Sinunod nya ang aking pantalon. Pareho na kaming naka-brip lang ngayon.
"You're very alluring. You make me want you so bad!" bulong ni Lleyton. Hinalikan nya ako sa labi. Marahan na para akong babasaging kristal.
"Lleyton?" tawag ko sa kanyang pangalan.
"Yes Keith?" sagot nya.
"What is alluring?" tanong ko ulit.
"Hahaha... Hahaha... Hahaha!" maraming tawa lang ang isinagot nya. Parang si James. Pareho silang guwapo.
"I'm serious. Emmanuel said that to me too." ngumuso ako. Matagal ko ng gustong malaman ibig sabihin nyan. Hahanap na talaga ako ng diksyonaryo at yan ang una kong bubuklatin para mabasa ang kahulugan.
"You're attractively mysterious. That's what I like about you. You exude wanton innocence." hay, bina-balinguynguy na ako! Wanton, pagkain yon di ba?
"Hmmp, ang dami pa kasing daldal. Galawin mo na kasi ako." sabi ko sa kanya sa Tagalog. Naaaburido ako sa hindi ko pagkaalam sa mga salitang iyon.
"Hahaha, I think I know what you need." hinatak nya kamay ko at dinala sa palanguyan.
Nagharutan kami sa palanguyan. Nagyakapan, naghalikan, nagkiskisan ang aming mga katawan. Nang mapagod kami ay pumirmi kami sa gitna ng palanguyan. Nakayakap si Lleyton sa aking likuran. Pinagmamasdan namin ang dulo ng palanguyan na animo'y dumugtong sa dagat.
Hinalikan ni Lleyton ang aking batok habang ang mga kamay ko'y nakahawak sa mga kamay nyang nakayakap sa aking dibdib.
Binubungo nya ang kanyang bukol sa aking puwetan. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...