"Mr. Thompson, the post you applied for is no longer vacant." saad ni Mr. Hewitt habang nakatingin sakin.Parang binagsakan ako ng elepante sa narinig. Pakiramdam ko'y dismayadong dismayado ako. Akala ko ay akin na, nagkamali pala ako. Sayang. Bihira lang... isa sa isang milyon lang... ang may Mr. Hewitt!
Oo, may iba pa sigurong tatanggap sa akin. Pero sigurado akong wala silang Mr. Hewitt. Ang sama sa damdamin ang pagkawala ng pagkakataon.
Pero habang may buhay may pagasa. Lilimutin ko na lang sya. Saglit lang naman siguro ang aking pagdadalamhati dahil wala pang tatlong oras kami nagkakakilala. Limang oras nuong unang nakita ko sya sa patyo.
Ganoon talaga ang buhay.
Hays. Bumuntong hininga ako.
"But I need an assistant. Who'll be at my beck and call all the time. Anytime... I want you.... I want someone that's educated and someone who knows tennis. I saw how you watched me earlier, I have a feeling you know the game... Am I right?" tanong nya.
Tama ba narinig ko? Kailangan nya ako? Naku, Mr. Hewitt, hindi kita iiwan. Alam ko kalakaran ng larong ito, anumang laro ang ibig mong sabihin. Pasaring kong sambit sa sarili. Hehe.
"I love tennis. I know how it's played. I also know the rules of the game." ngumingiti na ako. Nararamdaman ko na ang tagumpay. Akala ko sa kangkungan ako pupulutin. Nakikita ko na ang liwanag. May himala! May himala!
Paboritong laro ni Nanay ang tennis. Iyan ang pinapanuod nya sa telebisyon palagi. Kaya nakahiligan ko na ring manuod nito habang ipinapaliwanag ni Nanay ang kalakaran ng laro. Paborito namin ni Nanay ay si Martina Hingis. Kras ko naman si Thomas Enqvist. Ako lang nakakaalam na kras ko ito.
"That's great! Today is Monday and my current assistant is leaving me on Saturday. I want you to start working for me on Friday so that Emmanuel can give you an orientation." sabi nya habang nakatitig sya sa kanyang selular na telepono wari'y nakatingin sa kalendaryo.
"I'm excited to be working for you, sir. You won't regret hiring me." masaya kong banggit.
"I'm glad that you accepted this post. I want you to know that I am a hardworker. I'm not a slave driver but I want my work done with perfection. I just hope you can cope up with me." babala ni Mr. Hewitt.
"I'm a hardworker too, Mr. Hewitt. And expect all results done with perfection. No flaws, no defects." talaga lang huh. Naku pangangatawanan ko na ito.
"Here, I want you to get all of these requirements and give it to Emmanuel by Wednesday." may iniabot syang isang maikling puting papel na may nakasulat na mga kinakailangan. "By the way, this work includes a lot of traveling. I want you to submit these requirements as soon as possible." pahabol nya.
"I have all of these with me now. Except the passport. My original passport was voided after I got naturalized. I will apply for my Philippine passport tomorrow." sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa papel.
"Take this." may iniabot syang muli at sa pagkakataong ito ay isang kulay-kaki na sobre. May kakapalan ang laman sa loob. Nang buksan ko ang sobre ay naglalaman ito ng bigkis ng tig-isang libong pera.
Napatingin ako kay Mr. Hewitt. Gusto ko sanang itanong kung para saan ang pera. Na blanko ako sa pagka bigla. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito karaming pera. Para namang naintindihan nya yung pagkalito ko.
"That's your allowance. You can use that to get your passport tomorrow." pagpapaliwanag nya.
"But this is... is a lot." medyo nanginginig kong tugon habang nakatitig parin sa bigkis ng pera.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Hayran Kurgu"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...