Chapter 14

3.4K 105 6
                                    


Mga alas-otso na ng gabi ng ihatid ako ni James sa tinutuluyan kong otel. Paghinto ng sasakyan sa harap ng lobby ay mag kasabay kaming huminga ng malalim. Ako dahil magkakalayo kami ulit. Mis ko na agad sya. Mis ko na din agad si Hulky. Parang ayoko pang matapos ang gabi. Gusto kong galitin ang buwan sa aking kalibugan.

"Goodnight James. Mahal na mahal kita. Miss na kita agad." sabi ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Love you too bebe. Sweet dreams." siniil nya ang aking mga labi ng halik. Mainit, ramdam ko ang pagka sabik.

Lumayo na ako at baka hindi ko mapigilan pa ang sarili ko. Lumabas ako ng sasakyan at kumaway. Hinintay syang makaalis bago ako tumalikod at pumasok na sa lobby.

Walang kasing saya ang aking nararamdaman, ang aking puso. Parang isang halaman sa paso na tigmak sa tubig pagkaraan ng tag-tuyot. Ang aking mga ugat ay nagpipintigan sa tuloy tuloy na pagdaloy ng aking dugo. Ang gaan ng aking pakiramdam, para akong lumilipad.

Pag pasok ko ng yunit ay napansin kong bukas ang pinto ng kuwarto ni Lleyton. Tinungo ko ang pinto upang silipin, iniisip kong baka nakalimutan nya lang isara. Pag bungad ko ay nakita kong nasa balkonahe si Lleyton. Naka talikod sa akin at ang dalawa nyang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng bakod ng balkonahe.

Naka brip lang sya. Naka hulma ang maumbok nyang puwet sa medyo hapit na brip. Ang kalamnan ng kanyang balikat ay parang tens.

Humarap si Lleyton wari'y babalik na sa loob ngunit huminto sya sa pag hakbang ng napansin nyang nakatayo ako sa ilalim ng balangkas ng pinto. Nakatingin sya sa akin. Nakatingin ako sa harapan ng kanyang brip. Napalunon ako ng laway upang mabasa ang aking natuyot na lalamunan.

Naninigas ang kanyang pagkalalaki. Halata ang kahabaan dahil ang ulo nito ay pilit nakasilip sa bungad ng brip nya. Humakbang sya ulit. Napa urong ako ng kaunti. Inalis ko ang tingin ko sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki.

"I'm so...sorry. I thought you forgot to close your door. I'm just go...going to close it. Goodnight Lleyton." hinawakan ko yung pihitan ng pinto at aktong lalabas na at isasara ang pinto.

"Keith? Can you stay for awhile?" nahinto ang pagsara ko ng pinto. Naaninigan ko sa kanyang boses ang lumbay. Nilingon ko sya, tinignan ko ang kanyang buong kahubadan.

"Su...sure." pautal kong bigkas pagkaraan ng ilang segundo. Humakbang ako at tinungo ang kanyang kloset. Binuksan ko ang pinto, kumuha ako ng isang balabal na yari sa sutla. Lumapit ako sa kanya na medyo nanginginig ang tuhod. Huminto ako sa kanyang likod at ginabayan ko ang kanyang mga kamay para maisuot nya ang balabal. Humakbang ako sa kanyang harapan at ibinuhol ang tali sa kanyang beywang. Inayos ko rin ang tupi ng kuwelyo ng balabal. Dumampi ang aking mga kamay sa ilalim ng kanyang baba at leeg. Mainit ang kanyang balat.

"Thank you, mate." mahina nyang sabi. Maraming beses ko ng narinig ang katagang "mate" sa kanya. Pero ngayon kakaiba ang dating nito sa akin. Parang gustong magpahiwatig ng pagmamay-ari, ng pag-ankin.

"Now, you lo...look presentable." bulong ko, nakatingin lang ako sa kanyang dibdib. Pero napalakas yata ang bulong ko. Narinig ko syang tumawa.

"You think so? Haha." labas ang kanyang pantay pantay na ngipin. Pati yung bingal nya sa baba ay lumalim. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila sa may sopa at pinaupo ako. Tinungo nya yung maliit na palamigan at kumuha ng mga inuming naka-lata. Inabutan nya ako ng San Mig.

"Thank you." binuksan ko yung lata. Uminom ako at halos maubos ko sa isang tungga. Umupo sya sa tabi ko at naramdaman kong nabanggga nya yung tuhod ko ng tuhod nya. Binuksan nya yung telebisyon sa estasyon ng Fox Sports at tennis ang palabas.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon