Chapter 16

3.1K 95 21
                                    


Dinala kami ni Manong drayber sa Bonifacio Global City. Sa isang roofdeck restawran kami kumain. Nasa tuktok ng gusali yung restawran. Kita ang buong Makati na nagkikislapan sa liwanag ng mga ilaw. Sa kabilang dako ay ang bundok ng Antipolo na may manaka-nakang ilaw na mababanaag.

Umorder lang kami ng isang bandihadong nachos at tig-isang basong kalamansi juice. Nagkuwentuhan ng parang magkaibigan lang. Hangang sa kami ay bumalik na sa aming tinutuluyan at nagpaalam na upang magpahinga.

Kinabukasan, Lunes, ay maaga akong nagising. Naghanda ng almusal ni Lleyton at sinamahan sya sa kanyang pagsasanay ng tennis. Wala si John. Si Tom at Reggie lang ang nadatnan namin sa patyo. Ang balita ay nauna na si John tumungo ng Doha, Qatar para sa ATP World Tour. Nalaman ko kay Reggie na ang ranggo ni John sa mundo ay pang-labinlima.

Umabot ng apat na oras ang pagsasanay ni Lleyton. Nasa tabi lang ako ni Reggie noon at nakikipag-kuwentuhan. Medyo may kadaldalam si Reggie. Napag-alaman kong may asawa na ito at tatlong anak. Nasa Awstralya ang kanyang pamilya. Isa rin syang propesyunal na manlalaro ng tennis. Nagretiro sya nito lang at sya na ang naging tagapagsanay ni Lleyton isang taon na ang nakakalipas. Ang pinaka-mataas na ranggo nya sa mundo ay ikasampu bago sya nagretiro. Hindi ko naman tinanong kung ano dahilan nya at nagretiro sya agad. Pansin ko namang malakas pa sya, ayos pa ang kanyang katawan. Mukhang mas macho nga kung tutuusin kumpara kay Lleyton.

Kung may kailangan sila ay ako na rin ang gumawa. Katulad ng maubusan sila ng inumin, ako ang nag asikaso at bumili ako sa 7/11 ng sampung Gatorade. Bumili na rin ako ng apat na saging, yan kasi ang nakikita kong kinakain ng mga manlalaro ng tennis tuwing nanonood kami ni Nanay nuon sa telebisyon.

Inaabutan ko sila ng tuwalya kapag oras ng pahinga. Minsan ako na rin ang taga-pulot ng bola kapag ito'y nadadako malapit sa akin.

Pawis na pawis na si Lleyton. Humuhulma sa kanyang katawan ang suot nyang damit at short. Yung kanyang suot na brip ay naaaninag ko na hapit sa kanyang maumbok na harapan. Ang lalong nakakalibog ay ang kanyang puwetan. Tamang tama lang ang umbok nito. Parang ang sarap pisilin. Nagkikislapan din ang pawis sa kanyang binti na mabalahibo na kulay olandes. Umm, nakakatakam!

Naalala ko tuloy si James. Ang aming mga huling araw na magkasama. Ang mga seks na aming pinag-saluhan. Hay, tama sila, hindi lahat ng gustuhin mo ay mapapa-saiyo.

Habang ang isip ko ay lumilipad sa alapaap ay napansin kong may kumakaway sa aking atensiyon sa loob ng ballroom ng otel. Yung mga babae kagabi na humingi ng larawan kasama si Lleyton. Nagpaalam ako saglit kay Reggie. Kinindatan ako nito, napansin rin nya yung mga babae. Naku, ramdam na ramdam ko ang interes ni Reggie sa mga babae. Hindi ko sya masisisi, kung tuwid lang ang aking pagkasino, baka ganoon din ang aking pagka-interes sa mga bilat na ito. Haha.

Lumapit ako sa mga bilat, este, sa dalawang babae. Nakipag-kamay sila sa akin pagpasok ko ng ballroom. Pinaupo nila ako sa kanilang lamesa.

"We want to invite Mr. Hewitt to dinner later. We'll have a small party at our place. You may come too and them..." sabay turo kina Reggie at Tom.

"Sige po. Sasabihin ko sa kanila." nakipag kuwentuhan ako saglit sa kanila. Napansin ko lang na panay ang hawak ng mga ito sa aking mga braso. Para tuloy akong nakikiliti. Sandaliii! Bakit parang nalilibugan ako sa kanila. Eww, ayaw ko nga. Pare-pareho lang kaming mga prinsesa!

Pagbalik ko sa patyo ay sinalubong ako ni Reggie. Interesadong nag tanong kung ano pakay nung dalawang bilat.

"Tell them we'll come. I'll take care of Lleyton and Tom." agad-agad? Wala man lang preno? Nararamdaman kong may pagka-babaero itong si Reggie. Naisip ko na lang na malayo sya sa kanyang asawa. Marahil tigang. Hehe.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon