Chapter 5

5.3K 152 9
                                    

"Brian...?" bulong ko. Nagkatitigan kami. Hindi sya nagbago. Guwapo at matipuno pa rin sya. Mag anim na buwan na rin pala nuong huli kaming nagkita. Yun din yung nagpaalam kami sa isa't isa.

"Kumusta ka?" tanong nya. Yumuko ako at tinignan yung hawak nyang nakatuping andador.

"Mabuti naman ako. Ikaw, kumusta ka na?" tanong ko habang iniaangat muli ang tingin sa kanyang mga mapupungay na mga mata. Nababasa kong may gustong iparating ang mga titig nya. Lalapit pa sana ako sa kanya para marinig kung ano man ang sasabihin nya pero may nag salita sa likod ko.

"Hon, please open the stroller." nilingon ko ang nag salitang babae. May karga itong sanggol. Nakangiti ito sa akin. Nang makalapit ito ay nakita kong inayos ni Brian ang andador at nilapag ng babae yung sanggol dito.

"'Nga pala hon. This is Keith, scholar ni Dad. Keith, wife ko si Angela." ngumiti yung babae at inabot ang kanang kamay.

"Nice meeting you po." iniabot ko rin ang kanang kamay ko. At sa parehong oras ding iyon ay parang tinutusok ng kutsilyo ang kalamnan ng puso ko. Pakiramdam ko ay di lang isa bagkus libo-libong lanseta.

"What a small world. Dad was just talking about his newly grads. Are you one of them?" tanong ni Angela. Maganda ito. Hindi nakakapagtaka na sa kanya mahulog ang damdamin ni Brian. Pakiramdam ko ay mabait din ito.

"Opo m'am. Last week lang po kami nagtapos." hindi ko masisisi si Brian. Malambing din magsalita si Angela. Marapat sila sa isa't isa. Bagay sila.

"Congratulations! This calls for a celebration. Why don't you join us? Hon, ask him to join us? We'll treat you for dinner." anyaya nya. Ambait mo Angela. Kung alam mo lang ang nakaraan namin ng asawa mo, baka ipapatay mo ako, muni muni ko.

"Yes. Join us Keith." imbita ni Brian. Maaaninag sa kanyang mukha ang alinlangan. Napipilitan lang sya. Lalong nadagdagan ng panibagong libong lanseta ang kumakatay sa aking damdamin.

"Marami pong salamat, sir, m'am. Ngunit kailangan ko na pung umuwi baka po ako mapagsarhan sa tutuluyan ko." ayaw ko na rin magtagal pa makasama si Brian. Nananariwa ang mga sugat at dalamhati ng nakaraang taon.

"Sige. Hindi ka namin pipilitin. Mag ingat ka Keith." paalam ni Brian.

"Ok. Next time na lang." segunda ni Angela.

"Magpapaalam na po ako. Congratulations din po." sabay turo ko sa kanilang sanggol na mahimbing na natutulog sa kanyang andador.

"Salamat." sabay nilang tugon.

Tumalikod na ako at naglakad patungong sakayan ng dyip. Ayoko munang mag isip. Kailangan kong makarating sa Pasig bago lumalim ang gabi.

Mabuti na lamang at nakarating ako sa Pasig bago sila magsitulog. Sinalubong ako ni Ninang Martha. Nagkamustahan kami sandali at sinabihang bukas na lang namin ituloy ang kwentuhan. May oras kasi ang pag tulog nila dito. Hinatid muna nya ako sa aking tutuluyan ngayong gabi. Parang tulugan ko sa probinsya, maliit nga lang ng kaunti. Tatlong kamang pang isahan ang nasa loob.

Bago matulog ay nilabhan ko muna ang lahat ng isinuot ko ngayong araw. Ito rin isusuot ko bukas. Matapos isampay ay tumuloy na ako sa silid at pinili ang kamang malapit sa bintana.

Binuod ko nangyari buong araw. Simula sa pakikipanayam kay Mr. Hewitt. Ay, Lleyton lang pala. Laking pasasalamat ko at akin pa rin ang tagumpay. Maski di ko nakuha yung trabaho na pinunta ko ay may kapalit naman. Sana magtagal ako bilang asistant nya. Masaya syang kausap, kahit namimilipit na ako sa kaka-Ingles ay iniintindi nya. Dalangin ko rin na hindi mahulog damdamin ko sa kanya. Trabaho lang talaga ito. Walang halong kung ano pa man.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon