Kinabukasan, alas-sinko pa lang ay handa na ako para sa mga gawain sa buong araw. Sinuot ko yung bagong sapatos na gawa sa goma, puting damit at asul na short na hangang tuhod ang haba. Tumawag na rin ako sa kusina upang iyakyat na nila yung almusal.Syempre, binati ko bebe ko ng magandang umaga sa text. May konting tampo lang ako dahil hindi sya tumugon sa text ko nung gabi. Inisip ko na lang na baka maraming ginagawa.
Dumating yung almusal at inayos ko ang lamesa, 5:30am na hindi pa lumalabas si Lleyton. Kakatokin ko ba? Isang minuto pa pag hindi lumabas kakatokin ko ang pinto.
"'Tok, tok, tok.' Lleyton? Breakfast is ready." sabi ko sa pinto. Bubuksan ko ba? Umm, bigyan ng dalawang minuto, pag hindi pa lumabas, papasukin ko sya sa loob.
Ok. Lagpas dalawang minuto na. Kumatok ako. Pinihit ko yung hawakan ng pinto. Pag tulak ko ay may natamaan ako. Medyo malakas ang pakakatama ko.
"Aww." sigaw ni Lleyton. Sapo nya yung noo nya ng makita ko sya.
"I'm sorry Lleyton. I'm so sorry." inakay ko sya sa upuan sa lamesa. Kumuha ako ng yelo sa palamigan at nilagay sa maliit na tuwalya.
Nang bumalik ako ay hawak nya pa rin ang noo nya. Hinawi ko yung kamay sa noo nya at ipinatong yung maliit na tuwalya na may yelo.
"Thank you. I'm doing fine now." nakangiti sya. Ngunit nagaalala pa rin ako. Nilapit ko ang aking mukha.
Hinawi ko ang kanyang buhok ng mga daliri ko. Hinipan ko ang kanyang noo.Nagkatitigan kami ni Lleyton. Kitang-kita ko ang kinang sa kanyang asul na mga mata. Napagtanto kong hindi tama ang ginawa ko. Napaurong ako.
"Ahh, I'll make you coffee." tumalikod ako at tinungo ang maliit na pantri. Nagtimpla ako ng kape ni Lleyton. Ipinatong ko ang kape sa harap nya.
"Join me. Sit here." tinuro nya yung upuan sa tabi nya. Umupo ako. Kumuha sya ng plato at nilagyan nya ng mga pagkain. Nilapag nya yung plato sa harap ko.
"Thank you. I'm sorry about the bump on your forehead." sambit ko.
"Don't mention it. It doesn't hurt." nakangiti sya sa akin. Sinuklian ko sya ng ngiti. Salamat at hindi ganon kalala yung pagka-untog ng noo nya sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag.
Pagkaraan ay tahimik naming kinain ang almusal. Nang matapos kami ay nagpaalam syang mag banyo saglit. Tinungo ni Lleyton ang silid nya. Ako naman ay inipon ang mga natirang pagkain sa isang pinggan at nilagay sa palamigan. Ito ang tanghalian ko mamaya.
Kinuha ko ang talaarawan at yung iPad at hinintay lumabas si Lleyton sa kanyang silid. Pag labas nya ay bitbit nya sa kanyang balikat ang kanyang malaking tennis bag.
"Let's go." aya nya. Tumango ako at pinauna sya. Nilakad lang namin ang kabilang otel kung saan kami nag kakilala. Wala pang limang minuto ay nakarating kami doon.
May tatlong lalaki sa patyo. Yung dalawa na kaedaran ni Lleyton ay mukhang nagsisimula nang mag warm up. Ang isa naman ay may edad mahigit apatnapu ay nasa gilid lang ng patyo. Nang dumating kami ay nagsilapitan sila sa amin ni Lleyton.
"Good morning Lleyton. How was yesterday?" tanong ng isang lalaking kaedaran ni Lleyton.
"Exhausting." sagot ni Lleyton.
"And who do we have here?" tanong ng isa.
"Guys, this is Keith Thompson, my new assistant. Keith, this is John Doherty, my doubles partner. Here's a devil on clay and also my business partner, Tom Zoetit. And this gentleman here is my coach Reggie Worth." pagpapakilala ni Lleyton sa mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfic"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...