Chapter 24

3K 85 7
                                    


Isang linggo pagkatapos ng salu-salong iyon sa Paris, France ay bumalik kami ni Lleyton sa Pilipinas. Apat na araw lang kami rito. Inasikaso ni Lleyton ang kanyang negosyo. Ako naman ay dumalaw kay Nanay.

Marami akong pasalubong kay Nanay at sa mga Madre. Yung mga regalo ng mga sponsors ng mga sinalihang torneo ni Lleyton ay parating nagpapadala ng mga regalo sa kanya. Yung ibang sobra ay binibigay nya sa akin para kay Nanay.

Doon ako natulog sa aking dating silid. Nakakamis din yung simpleng pamumuhay ko noon. Gustong gusto ko ang aking higaan. Maski mainit ay ok lang. Kahit bakasyon itong uwi ko sa probinsya ay hindi ko nakalimutang tumulong kila Nanay sa eskuwelahan at simbahan.

Binigyan ko si Nanay ng pambili ng Innova na sasakyan. Luma na kasi ang serbis nilang trak. Lagi pang sira. Ayaw tangapin ni Nanay ang pera kaya pinalabas kong donasyon iyon para sa kanilang kongregasyon.

Nangaling ang perang ito kay Lleyton lahat. Kapag nananalo sya sa isang torneo ay binibigyan nya ako ng balato. Pinaka malaking binigay nya ay isang milyong dolyares nang magwagi sya sa French Open. Kahit anong pilit kong tumangi ay sya parin nasusunod sa huli. Dinideposito nya ang mga ito sa aking ATM. Minsan magugulat na lang ako pag tinitignan ko yung balanse ng ATM ko.

Nagtratrabaho ako para sa akin at kay Nanay. Iba na ang pangarap ko ngayon. Kung noon gusto ko agad magkatrabaho para sa akin lang pero ngayon iniisip ko ang ikaliligaya ng mga tao sa aking paligid. Mabigyan sila ng ginhawa, maski kumayod ako ng kumayod. Yung mga materyal na bagay ay hindi ko na hinahanap. Damdamin at puso na lang ang pinaiiral ko ngayon. Kung maligaya sila, maligaya na rin ako.

Makalipas ang tatlong araw sa probinsya ay nagpaalam na ako kay Nanay. Tumuloy muna ako sa otel ni Lleyton at sabay kaming lumipad patungong London, United Kingdom para sa Wimbledon Championships.

Pagdating namin sa London ay nasalang agad sa praktis si Lleyton. Ako naman ay nakipag-ugnayan sa mga tagapag-ayos ng palaro ang All England Lawn Tennis Club at ng International Tennis Federation.

Kakaiba ang patakaran at mga pamamaraan sa torneong ito dahil gumagalang sila sa kanilang Reyna. Kakaiba. May protokol silang sinusundan, ang maka haring protokol. Ika nga ng kasabihan "When in Rome, do what the Romans do".

Mabilis ang oras pag parati kang abala. Dahil sa numero uno si Lleyton sa ranggo sa mundo ngayon ay maraming mga bumibisita sa kanya at marami ring mga kaganapan na dinadaluhan na kailangan nyang puntahan. Pati ang pag-endorso ng mga produkto ng malalaking kumpanya hindi lang sa Britanya pati na rin sa buong mundo. Saka mga gesting nya sa telebisyon.

Pangwakas, sa dami ng ginagawa ni Lleyton, naipanalo nya parin ang Wimbledon. Sya ang tinanghal na kampeon. Dahil dyan ay naimbitahan sya sa isang parangal. Ang Reyna ng   Inglatera ay gagawaran sya ng titulo ng kabalyero.

Eksayted ako para kay Lleyton sa magaganap na parangal. Eksayted rin akong makita ang Reyna. Sa Windsor Castle gaganapin ang parangal. May humigit-kumulang apatnapung mga tatanggap ng pagpapatibay. Ang Reyna ang karaniwang nagsasagawa ng pagpapatibay.

Maaga pa lang ay aligaga na akong inayos ang mga susuutin ni Lleyton para sa parangal. Alas otso magsisimula ang seremonya.

Pinaliguan ko si Lleyton. Hinilod ko ang loofah sa buo nyang katawan. Dahil nalibugan sya ay isinubo ko ang pagkalalaki nya at sa loob ng bibig ko sya nag palabas. Wala akong sinayang. Masarap eh.

Ako na rin ang nag-ahit sa kanya. Sinuklay at nilagyan ko ng pamada ang kanyang buhok. Pati yung mga damit nya ay ako ang nag suot sa kanya isa isa. Hindi ko sya pinagagawa ng ano mang bagay. Pinagsisilbihan ko sya akma para sa isang hari.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon