Chapter 23

2.8K 85 1
                                    


Nanalo si Lleyton sa French Open. Walang pagsidlan ang aking kasiyahan para sa kanya. Nakita kong masayang masaya rin sya.

Sa pagkakataong ito ay hindi lang kami isang linggong nanatili dito sa Paris, France. Halos isang buwan kami inabot dito. Ang daming kasiyahan at mga kaganapan.

May ginawang komersyal din si Lleyton para sa isang sikat na sasakyan. Kinunan ito sa Avenue des Champs Elysees ng gabi kaya nakaka-mangha ang mga ilaw dito. Habang walang duda na ang paglalakad sa Champs Elysees ay isa sa mga pinaka-clichéd na bagay na gawin sa Paris, ito ay nagkakahalaga pa rin gawin. Lalo na sa gabi. Napakaganda dito.

Habang abala si Lleyton sa paggawa ng komersyal ay naglakad lakad muna ako at tinignan ang mga tindahan. Hangang makarating ako sa dulo at nag-selpi ako sa Arc de Triomphe. Bumalik ako at dumaan sa kabilang kalye. Doon nakita ko sa isang kapehan si Danaya. May kasama syang mga Franses. Mga modelo malamang.

Nakilala ko sya dahil sa suot nyang peluka na suot nya nuong una ko syang makita. Makapal pa rin ang kanyang make-up pero simple lang. Hindi sya naka-drag na damit ngayon. Simpleng legings na bulaklakin at may nakasabit na itim na kapa na mink sa kanyang balikat.

"Miss? Miss Danaya!" tawag ko sa kanya. Tumingin sya at mukhang sinisipat ako. Mukhang malabo na paningin nito. Hehe.

"Keith? Oh Keith my love. Anong ginagawa mo dito?" may kalandian nyang sambit. Tumayo sya at niyakap ako. Yumakap rin naman ako. Natusok nga lang ako ng kanyang malulusog na boobs.

"I'm with Lleyton. He's doing a commercial here just down the road. How are you? It's been a while since last we... Oops. Hehe, sorry sa pag-ingles ko. Parang nakasanayan ko na." natawa rin ako sa sarili ko. Hindi ko namalayan na Pinoy din pala kausap ko.

"Ok lang yan. Cute nga eh... Comme toi." sabi nya.

"Hehe. Pala-joke ka pa rin." nakangiti kong sabi sa kanya maski di ko naintindihan yung sinabi nya.

"Hindi kaya joke yon. Crush kaya kita." diretso nyang sabi.

"Ehh, hehe, salamat. Merci." namumula ako. Nakatingin na sa amin ang maraming tao. Nakalingkis kasi si Danaya sa aking braso at yung ulo nya ay dinadantay nya sa aking balikat. Para kaming mag-jowa. Sya parang sugar mommy ko. Hehe.

"Oy, sya nga pala, ano number mo para naman pag na miss kita eh pwede kitang tawagan? Saka pag tinawagan kita pwede maging sweet ka sa akin ha. Gawin mo na kaya akong jowa mo. Para ikaw ang first ko!" sabi nya. Todo yakap pa talaga sa aking braso. Tapos binubungo pa nya talaga yung boobs nya sa akin.

"Umm, sa ngayon hindi pwede eh. Taken na ako." tugon ko sa kanya.

"Whaaat? Sino? Kayo na ni Lleyton? Oh my gee, kinikilig ako. Bagay kaya kayo!" makasigaw wagas.

"Huy, wag masyadong malakas. May makarinig sayo. Secret lang natin yan. Huwag mong ipagsabi sa iba ha." pinagpawisan ako bigla.

"My lips are sealed. Pero amina na yung number mo. Pati na rin Facebook mo para ma-stalk kita at masubaybayan yang love story mo. Sasaluhin kita pag kailangan mong magpasalo." nalungkot ako sa huli nyang pangungusap.

"Ikaw naman bakit ganyan iniisip mo. Mahal na mahal ko kaya yon. Saka mahal nya rin ako. Ipagdasal mo na lang kami." medyo may tampo kong sabi sa kanya.

"O sya sya. I'm happy na may nagpapaligaya sayo bukod sa akin. Amina na yung number mo at Facebook?" pamimilit nya.

"Ito number ko. Pero unsearchable ako sa Facebook. Ikaw na lang search ko. Ano Facebook mo?" nagpalitan kami ng numero. Nilagay nya numero nya sa aking telepono at ganon din ginawa ko sa telepono nya.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon