Chapter 3

5.8K 182 16
                                    

"Yes... yes, Sir." iniabot ko ang kanang kamay ko at madiin nyang pinisil iyon. May kuryente akong naramdaman na dumaloy mula sa pag piga nya ng kamay ko. Dinagdagan pa ng mas masidhing boltahe ng pagitnaan nya yung kamay ko ng kaliwang kamay nya. Doble-doble na ang aking pangangatog. Sana lang ay hindi nya mahalata.

Bumitaw na sa wakas ang kanyang mga kamay at naglakad na sya paikot ng lamesa at pumaroon sa kabilang dulo. Hindi sya naupo bagkus ay tinawag nya ang serbidor at inutusang ilipat yung mga platong may pagkain sa tabi ko. Inisip ko na tama nga naman kung kakapanayamin nya ako ay may kalayuan kung sa kabilang dulo ng lamesa sya mauupo.

Matapos malipat ang mga plato sa tabi ko ay naupo na si Mr. Hewitt. Ngayon ay mas kita ko ang kakisigan nya. Ang aura nya ay parang bad boy na good boy. Yung maginoo pero medyo bastos... haha. Yung mamahalin mo dahil alam mong ligtas ka at siguradong walang panganib. Yung ikaw lamang sa kanyang puso... yung... Whew, eh bakit yan ang nararamdaman ko? Trabaho ipinunta ko dito. Hindi pag-ibig. Lalong hindi para kiligin.

"How are you feeling Mr. Thompson?" tanong ni Mr. Hewitt habang aktong isinasalok ang hawak nyang kutsara sa mangkok na may malapot na sabaw.

"I'm o-ok Sir. Just a little nervous." oops, mali yata yung sagot na ganyan. Baka isipin nya kahinaan ko ang pagiging nerbyoso. Walastik, umpisa pa lang epic fail na.

"Stay calm mate. I don't bite." sabi nyang may punto. Oo nga, isa syang Awstralyano.

Kagatin mo ako, 'di ako mag rereklamo, sabi ng isip ko. Sa puntong ito ay tulala akong nakatingin sa kanyang mga mata na kulay asul.

"To put you at ease, I'll start with myself and my company." sabi nya.

"Thank you sir," tumango na lang ako. Pipilitin kong ipako ang pag-iisip sa sasabihin nya. Baka mag tanong eh sumemplang na naman ako ng sagot.

"Umm, okay... I'm Lleyton Hewitt, I am twenty six years old. I play tennis professionally and I'm the owner and founder of Hewitt & Rusty Networks. My company provides software and IT services and consultancy to consumers, small- and medium-sized businesses and large enterprises, including customers in the government, health and education sectors... ... ..."

Ang sarap sa pandinig ng kanyang boses. Nakakaakit yung kanyang punto. Gusto ko na lamang pumikit at magpatianod sa mga salitang umaagos palabas sa bukana ng kanyang bibig. Yung bibig nya... ang sarap galugarin. Maninipis ang mga labi na kulay rosas. Kapag humihinto sya sa pagsasalita at wari'y nag-iisip ay kumukunot yung kanyang mga labi. Pagka-ganon ay lumalabas ang bingal (cleft) nya sa baba. Susmariya, nagtatayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Para akong pinaghehele... Para akong matutumba...

"Mr. Thompson?..."

Hay, bakit ang bigat ng mga mata ko? Sana huwag nyang mahalata na inaantok ako. Hindi sa nayayamot ako sa sinasabi nya. Napaka-payapa lang ng dating nya. Ang tinig nya ay matiwasay sa aking pandinig. Tinangal nya ang aking mga suliranin ng mga oras na iyon. Parang handa na akong ihandog ang puso at kaluluwa ko sa kanya. Pakasalan kaya nya ako? Ngumisi na naman ako ng misteriyoso. Kahit mabigat ang pakiramdam ng katawan ko sa upuan ay iniayos ko sarili ko na ala Mona Lisa. Natatawa ako sa ginagawa ko, para akong hibang...

"Mr. Thompson? Are you fine, mate?" pagputol nya sa aking paggugunamgunam. Ilang minuto na rin pala ang lumipas. Tapos na pala syang mag salaysay. Ano nga yung sinabi nya?

"Mr. Thomson?... Are you alright?" tanong nya ulit.

"Yes... I'm sorry. Yes, my name is Keith Thompson. I graduated college just last week. This will be my first professional job if ever I'll get hired by you. You are my first choice. Umm, (kasabay ang isang misteriyosong ngiti) I mean your company is my first choice. Even though I just graduated and have no experience yet, I'll be an asset to your company. My loyalty and honesty are unparalleled." diyosmiyo, muntik na. Hindi ako handa.

"It's great to know that WE are your first choice." sambit nya. Hindi Mr. Hewitt, ikaw talaga yon, nag sinungaling lang ako. Hehe.

Ayoko sanang mag mura. Kalapastanganan yan sa tinuro ni Nanay at ng mga Madre sa akin, pero tinatawag ng pagkakataon eh. 'Pakshet talaga ang kaguwapuhan nya!' sa isip isip ko.

Mali yata ang pinag-padalhan ko ng curriculum vitae. Parang grindr aybol ang nangyayari. Seks ang humahalimuyak sa paligid naming dalawa. Umm, baka sa akin lang? Parang wala namang bahid ng pagka bakla si Mr. Hewitt. Ako lang nag-akala. Pero salamat na rin sa bigay nitong sandaling kilig.

May lumapit na serbidor at nag usap sila ni Mr. Hewitt. Umorder yata sya ng tanghalian. Kita kong alas-onse medya na. Talaga? Isang oras at kalahati na kaming nag-uusap? Parang kakaupo lang nya sa tabi ko. Hindi pa ako handa lisanin ang aybol namin ni Mr. Hewitt. Marami pa akong gustong malaman. At gawin. Hehe. Eto na naman ang aking maka mundong pagnanasa. Lord, patawad ulit.

Hinarap nya ako. Inaasahan kong sasabihin na nya kung tanggap ako or tatawagan na lang para ikumpirma kung kailan ako mag-uumpisa o maghintay na lang magpakailanmam sa wala.

"Let's have lunch now. I'm feeling a bit peckish." ano raw? Siguro Awstralyanong slang yan. Siguro gutom lang yan.

Gutom na rin ako. Pero baka hindi libre yung tanghalian. Naku, siguradong ginto ang presyo ng pagkain dito. Gusto ko sanang itanong kung libre nya. Kaya lang ng mga oras na iyon hindi ko maisip kung ano Ingles ng libre. Na blanko utak ko kaka Ingles kanina. Naubos.

Pero sabi nya "let's have lunch now". Ibig sabihin kaming dalawa ang mag kainan, ngayon na. Nangangahulugan libre. Sya nagyaya eh. Tama yang pagsasalin ko ng Ingles sa Tagalog. Bersyon ko yan. Walang kokontra. Hehe.

"May I ask you a personal question Mr. Thompson?" oo, pakakasalan kita Mr. Hewitt.

"I hope I have the option not to answer it if it's too personal," habol hininga kong sabi.

"I can deal with that," ngumiti sya kita mga ngipin.

"Ok. Shoot." ikako.

"Where's your father from?" aniya.

"What do you mean?" balik tanong ko.

"You did not mention anything about your parents on your resume. I'm curious," seryoso rin ang mukha nya.

"I don't know my parents. I was abandoned in a church in New Zealand. The Sister who found me brought me here in the Philippines." sagot ko sa tanong nya.

"Did you go back to New Zealand?" usisa nya.

"Not anymore. I grew up here. I'm naturalized Filipino citizen." sagot ko ulit.

Dumating ang serbidor at may dalang mga pagkain. Pagkatapos mailapag lahat iyon sa lamesa ay nag tanong ulit si Mr. Hewitt.

"Do you have a girlfriend?"

"None." tugon ko. Nakita kong ngumiti sya matapos marining yung sagot ko.

"Come on. Let's eat." anyaya nya.

Masaya naman ang tanghalian. Masarap din. Marami pang tanong si Mr. Hewitt. Wala namang syang 'too personal' na tanong. Lahat naman nasagot ko. Karamihan ay tungkol sa mga Madre at kay Nanay na nagpalake at nagpaaral ng elementaryo hangang haiskul sa akin.

"My elementary and high school were actually free. The school and the church are owned by the diocese. And the Sisters of St. Paul of Chartres operates it. And my Nanay is one of the sisters." paliwanag ko sa kanya.

"What about college?" sunod nyang tanong. Dahil elementaryo at haiskul lang ang St. Paul School, hindi libre ang kolehiyo ko.

"I was a scholar of our governor." pagmamalaki ko. Sumagi sa isip ko si Brian. Anak sya ni gobernor. Nakilala ko sya dahil sa iskolarsip ng tatay nya.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon