"Lleyton, this way to your interview." galing sya ng kort. Kakatapos lang ng paggawad ng tropeo sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang braso. Basa ang kanyang damit sa pawis. Pero ayos lang. Sinabayan ko sya sa paglalakad para sa isang pres-konperensiya. Bago ko buksan ang pinto ay binulungan ko sya. "Congratulations.""Thank you." ngumiti sya at hinawakan nya ang mga pisngi ko sabay halik sa aking mga labi. Simpleng halik na nag-bigay init sa aking buong katawan.
Binuksan ko ang pinto at pinauna ko na syang pumasok. Malakas na mga palakpakan ang sumalubong sa kanya. Tumungo sya sa lamesang rektangulo na may mikropono sa gitna at naupo. Tumungo naman ako sa likuran ng mga mamahayag na gusto syang makapanayam.
Hindi ko gaano makita si Lleyton sa harapan dahil sa mga malalaking kamera na nakatutok sa kanya. Marami ring mga kumukuha sa kanya ng larawan. Humanap ako ng puwestong maluwag at doon pumirmi.
"Mr. Hewitt. After three weeks of grueling games, please tell us how are you feeling now that you won the Qatar ExxonMobil Open?" tanong ng isang lalaking mamahayag.
"I'm so happy. My practice regime is a little more rigorous than most. It's worth it. Thanks to my crew for staying with me until the end." sagot ni Lleyton sa tanong ng mamahayag.
"Mr. Hewitt, I'm Johor Stephens, from Tennis World magazine. With this win, your rank went up four notches. You're now rank number 4 in the world. Are we going to see you at the Australian Open next week?" tanong naman ng isang mamahayag.
"Definitely. I'll be there." nakangiti sya. Napansin ko rin na nakatingin sya sa akin. Nginitian ko sya. Umaapaw ang kaligayahan ko para sa kanya. Para sa amin.
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasagot nya ang mga katanungan ng mga mamahayag. Ang guwapo nya talaga. Sa tatlong linggong nakaraan, hindi man namin napag-uusapan ang nararamdaman namin sa isa't isa ay napalapit na ako sa kanya. Palagi nya akong hinahalikan at hinahawakan ang aking mga kamay ng mahigpit.
Sa gabi ay tabi kaming matulog sa kanyang kama at magkayakap sa buong magdamag. Minsan ay sya ang kakatok sa pinto ng aking kuwarto para tumabi sa akin. Pero madalas ako ang pumupunta sa kanya. Gusto ko rin kasing mayakap sya palagi.
Wala pang nangyayaring seks sa amin! Hindi naman sa ayaw ko, pinipigilan ko lang sya at sarili ko dahil baka magbago ang pakikitungo namin sa isa't isa kapag nangyari iyon. Kaya sa tatlong linggong nakalipas ay hindi nawala ang aming pagkasabik sa isa't isa.
Sana ganito na lang palagi? Iniisip kong baka balang araw ay hindi ko na mapigilan pa si Lleyton. Kung magkaka-gayon ay ihahanda ko ang aking sarili sa mga mangyayari.
Hindi labas sa publiko ang pagkasino ni Lleyton. Palagay ko ay marami ring tututol sa aming pagiging malapit sa isa't isa. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng kanyang pagka-wasak.
Ngayon ko naramdaman kung gaano talaga ka-tanyag si Lleyton. Palaging may nakasunod sa kanyang paparazzi. Sa Maynila ay parang normal lang, marahil hindi ganoon ka-interesado ang mga pinoy sa larong tennis. Pero dito sa Doha, Qatar, sikat na sikat si Lleyton. Pag umpisa ng torneo tatlong linggo ang nakakaraan ay nagsimula ng pupugin sya ng mamahayag sa aming tinutuluyan. Mabuti na lang alam ng mga tauhan ng tinutuluyan namin ang gagawin o protokol.
Kaya ingat na ingat kami sa aming mga kilos. Yung mga nakaw na halik at mga hawak sa kamay ay nangyayari lang kung kami ay nag-iisa o kaya sa aming silid lang nagagawa. Malaking iskandalo kung may makakakita sa amin. Lalong-lalo na kay Lleyton.
Walang pinag-kaiba ang sitwasyon kay Brian. Hindi man sikat si Brian pero tago rin ang aming relasyon. Kaya gamay ko na ang maging maingat. Nakakatuwang isipin na sa aking pakikipag-relasyon ay hindi nagiging normal ang lahat. Ang gusto ko ay ang normal na buhay pero bakit laging abnoy. Magkaganon man ay ginusto ko! May topak nga siguro ako. Harharhar.
BINABASA MO ANG
Gusto Kong Maging Plain Househusband!
Fanfiction"Now we wait. Thirty minutes and we'll take a shower." ha? Ang tagal! Magkaharap lang kami. Kapwa hubo't hubad. Tinignan ko lang si Kevin sa kanyang mukha. Pero ang tingin nya ay taas baba. Namumula ako sa hiya. "Maybe we should wear some bathrobe?"...