Chapter 8

4.5K 129 3
                                    


"...... How's baby Zedd?...... Ok. Our flight is at 4pm, sya na lang mag hatid sa inyo...... Ok. Ok. See you later. Kausapin ko si James." naalimpungatan akong may kausap si Brian sa labas ng balkonahe. Aalis si Brian? Dito lang kaya sa Pilipinas ang byahe nya?

"...... Oo, nagkita kami......Yes, I said my goodbyes...... No, wag na. Stay there. I'll talk to you later...... Ang kulit mo, ibababa ko na itong tawag. Goodbye." hindi ko maigalaw ang aking katawan sa higaan. Nagpangap akong tulog pero gising na gising na ang aking diwa.

Sino ang pinagpaalaman nya? Wala naman syang nabangit na aalis sya sa kwentuhan namin kagabi? Oo nga pala, hindi naman marami napagkuwentuhan namin. Puro lang kami kamunduhan. Pero bakit parang nakakaramdam ako ng kulang sa aking pagkatao ngayon. Masaya na eh, pero parang bigla na lang akong nilamon ng kawalan, ng pagkalumbay.

Nadama kong tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Tumagilid ako paharap sa dingding upang di nya makita. Narinig kong pumasok sya sa banyo. Di nya sinara ang pinto kaya dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nawala na ang tunog ng lagaslas ng tubig. Lumabas sya ng banyo at nag paikot-ikot sa kuwatro ng mga ilang minuto.

Sandali pa ay umupo sya sa kama. Idinantay nya ang kanyang kamay sa aking braso. Hinimas nya iyon. Narinig kong huminga sya ng malalim at tumayo. Saglit na katahimikan. Hangang sa umalingawngaw ang yabag ng mga paa papalayo. Bumukas at sumara ang seradura ng pinto.

Jusko, bakit ang sakit? Tumihaya ako. Hindi ako makahinga. Napuno ng uhog ang aking mga ilong. Bumangon ako. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Parang tubig sa gripo ang tulo ng mga luha ko.

Hindi ako mapakali. May gusto akong hindi ko alam kung ano. Tinignan ko yung relo ko, alas-sais na ng umaga. Tinungo ko ang banyo, nakita kong nakasampay sa gilid ng pintuan yung bathrobe na ginamit ni Brian. Kinuha ko iyon at nilapit sa aking katawan at niyakap. Sinamyo ang mabangong amoy habang humahagulgul.

Lumabas ako ng balkonahe at dumungaw upang tignan ang ibaba ng otel. Hindi ko sya makikita dito dahil likuran iyon. Lalo akong humagulgul.

Sinabunutan ko ang buhok ko. Bumalik ako sa kama at nahiga. Yakap yakap ko pa rin yung bathrobe ni Brian. Humihikbi akong parang baliw. Na ikot ko na ang apat na sulok ng kama, wala pa rin talagang tigil ang aking pagkatuliro. Sabay sabay ang aking iniisip hindi ko na maintindihan pa ang mga ito.

"Kaya ko ito. Huh, huh, huh..." bulong ko sa sarili.

"Napagdaanan ko na ito. Huh, huh, huh..." bulong ko ulit.

"Briaaaannnn...!" sigaw ng isip ko.

Nang nahimasmasan ng kaunti ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako dahil sa ring ng interkom. Sinagot ko iyon at pinalalahanan ako ng tauhan ng otel tungkol sa oras ng check out. Tinignan ko ang relos ko, alas-onse na ng umaga. Nagmadali akong naglinis ng katawan sa banyo. Nakita ko yung sipilyo na ginamit ni Brian. Ginamit ko iyon at nilagay sa napsak ko pagkatapos.

Inihatid ko sa lobby yung keycard. Pagka abot ko ay sinabihan ako ng tauhan ng otel na may naghihintay sa akin sa serbeserya.

"Si Brian?" tanong ko agad na tuwang-tuwa.

"Sorry po sir. Hindi po nakalagay sa logbook kung sino. Ka start ko lang po ng shift ko, ibinilin lang ng nirilyebo ko." sabi nya.

Tinungo ko ang serbeserya. Siguradong si Brian yon. Kaming dalawa lang naman nakakaalam na nandito ako. Pero bakit hindi sya pumunta sa kuwarto? Bigla akong nagalinlangan. Bigla akong kinabahan.

Tinuro ng serbidor yung naghihintay sa akin sa lamesa. Nakaharap sya at nakatingin sa akin. Paano nya nalaman na nandito ako? Kasama kaya nya si Brian? Lumakad ako palapit sa kanya. Tumayo naman sya ng nasa harap na nya ako.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon