Chapter 13

3.8K 105 1
                                    


Paglabas ko ng lobby ay huminto ang isang itim na Land Cruiser. Nakababa yung bintana kaya nakita ko agad si James sa loob. Ang guwapo talaga ng bebe ko. Pumasok ako sa sasakyan.

"I miss you bebe ko." sabi ko kay James.

"I miss you too bebe." hinatak ako ni James at niyakap ng mahigpit.

"Saan tayo pupunta ?" tanong ko sa kanya.

"Surprise." sabi ni James. Binigyan ko sya ng isang mabining halik. Masayang masaya ako dahil ang mahal ko ay nasa tabi ko lang.

Saktong alas-dose ng tanghali ng makarating kami sa Tagaytay. Itinabi nya ang sasakyan sa isang pang-publikong paradahan. Bumaba kami at kinuha ni James ang isang rektangulong tiklis sa likod ng sasakyan. Kinuha nya ang aking kamay at hinila.

Naglakad kami ng mga labing-limang minuto. Nakarating kami sa isang bukas na espasyo tanaw ang lawa ng Taal. Huminto kami sa isang puno ng akasya. Ibinaba ni James ang tiklis at naglabas ng isang mantel at nilatag sa lupa. Tinulungan ko syang ilabas ang ibang laman ng tiklis.

May hiniwang mga iba't ibang prutas, tig-isang kahon ng pizza at buffalo wings, at saka dalawang Sola.

"What did you do today?" tanong ni James. Naupo na sya at sinenyasan akong umupo sa tabi nya. Pag upo ko ay binigyan nya ako ng isang halik.

"Naglaro kami ng boss ko at mga kaibigan nya ng doubles tennis. Kami nung partner ko ang nanalo." pagmamalaki ko.

"Ang galing naman ng bebe ko." hinawakan ni James ng mahigpit ang aking mga kamay at pinaghahalikan ang mga ito.

"Naku, ang dami ko kayang bloopers kanina. Napapanood ko lang ang tennis sa tv dahil kay Nanay. First time kong mag-laro ng tennis." natawa ako sa mga ginawa ko kanina.

"I'm so proud of you bebe. I love you Keith." ang guwapo talaga ni James. Ang suwerte ko naman. Nagsabwatan ang buong sansinukob para maging akin si James. Malaki ang aking pasasalamat.

Kinain namin ang mga dala nyang pagkain. Nag kuwentuhan. Nag harutan. At syempre nag deklara ng aming pag-ibig sa isa't isa.

Nakaupo ako at nakahiga si James. Nakapatong sa aking kandungan ang kanyang ulo. Sinusuklay ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Nanginig ako sa lamig ng biglang humangin ng malakas. Napaupo si James. Kinulong nya ako sa pagitan ng kanyang mga hita at niyakap nya ang kanyang mga bisig sa akin at sinandal nya ako sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Pati ang malilikot nyang mga daliri.

"Bebe, huwag dyan, nakikiliti ako." sabi ko sa kanya. Pinipisil nya ang aking dibdib at mga utong. Nalilibugan ako sa ginagawa nya. Pinipigilan ko lang mangigil sa kanya, marami rin kasing ibang nag-pipiknik.

"Bebe, halika ka na sa condo ko. Malapit ng mag transform si Hulky. Baka ano pa magawa nya sayo dito." bulong nya sa aking teynga.

"Sige halika na at ng mapagalitan yang si Hulky. Pasaway eh." tumayo na ako at nagligpit. Nakita ko ang haba ng ngisi ni James. Kita ko rin ang maumbok nyang harapan.

Halos patakbo naming binalikan ang kanyang sasakyan. Pinaharurot nya ang Land Cruiser. Natatakot ako sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Walang masyadong sasakyan at narating namin ang kanyang kondo ng trenta minutos lang. Hawak nya ang kamay ko at patakbo naming inakyat ang kanyang tinutuluyan.

Pagdating sa kanyang silid ay agad hinalikan ni James mga labi ko. Habol namin ang aming mga hininga. Itinaas ni James ang laylayan ng aking damit at sinibasib ng halik ang aking dibdib. Hinihigop din nya yung utong ko.

Gusto Kong Maging Plain Househusband!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon