Kingdom of Niashin
"Hindi ka na naman lumabas?"
Nag angat lang ng tingin si Queen Kate kay King Fren at nagpatuloy sa pagtupi ng kanyang mga gamit.
Hindi sya kumibo.
"ITIGIL MO NA NGA YAN!!" tumulo lang ang luha ni Kate ng ibinalibag ni Fren ang mga gamit nya.
Wala parin syang imik. Tumayo at pinulot ang nagkalat na gamit sa sahig. Mabibigat ang hiningang pinagmasdan sya ni Fren. Ng pupulutin na ni Kate ang unan na nasamang nagkalat sa sahig, nabigla sya ng sinipa ito ni Fren.
"ITIGIL! MO YAN!!! ITIGIL MO NA!!" galit na galit si Fren habol nya ang hininga dahil sa lubos na inis at awa sa Asawa.
"Ano ha?! Yan nalang palagi ang gagawin mo?!" nakayuko lang si Kate hilam ng luha ang pisngi. Hinablot sya ni Fren at kinaladkad patungo sa harap ng salamin.
"Tingnan mo!" lumaylay ang ulo ni Kate, gulo-gulo ang buhok. "Tignan mo ang taong nakikita mo sa salamin at sabihin mo sakin kung sino sya." madiing sabi ni Fren.
Unti-unti nag angat ng ulo si Kate, malabo ang nakikita nyang imahe, malabo nyang nakikita ang babaeng walang buhay na nakatayo.
Binatawan sya ni Fren, mabibigat ang hakbang na nilapitan nya ang imahe, hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mukha.
Nanggilalas sya sa nakita, parang namatayan ang itsura ng imahe, namumula ang mata at naniningkit ito bunga ng araw araw na pag iyak. Naalala nya ang labi na dati ay natural na mapula, ngayon ito'y mapuputla.
"S-sino s-sya...." garalgal nyang tanong.
Napapikit sya ng maramdaman ang kamay ni Fren na humaplos sa likod nya.
"F-fren?" hindi sumagot si Fren. "F-fren, sino sya? Ipakilala mo ako sa kanya."
Muling naiyak ang Reyna. Walang nagawa ang Hari kundi dinggin ang hinagpis nito. Sa loob ng isang taon na nakasama nya si Kate, nakita nya kung paano ito mawala sa sarili kung paano ito nagpalamon sa kabiguan.
Alam ni Fren...nakita nya. Sinubukan ni Kate na harapin ang bagong buhay pero hindi nito kinaya hanggang sa huli pinili nito ang magkulong sa silid at umiwas sa mga tao. Hindi rin nya makakalimutan ang pagtawag nito sa pangalan ng kanyang kapatid sa dis oras ng gabi.
Tiningnan nya ang umiiyak na si Kate. Mali ang ginawa nya kanina. Pero kailangan na nilang lahat magising.
Si Kate Zalea Bermudez.
Si Queen Kate ng Niashin.
Si Zalea ni Brix.
Ay kailangan ng palayain.
"Nakikita mo sya Kate? Nakikilala mo ba sya!" angil nya.
Sumisigok-sigok si Kate at umiling. "H-hindi...Hindi k-ko sya K-kilala...sino yan?"
Nanigas si Fren sa kinatatayuan at kumuyom ang kamao. Hinawakan nya si Kate sa balikat at isinobsob ang pagmumukha sa salamin.
Napahagulgol ang huli. "F-fren..."
"Anong hindi mo sya kilala! Pagmasdan mo ang ginawa mo sa kanya!" bulyaw ni Fren.
Pilit na umiiwas ng tingin si Kate. "Tama na...."
"Sya si Zalea Bermudez!"
"Hindi...h-hindi yan si Zalea! Patay na sya!" ani Kate.
Mahigpit na hinawakan ni Fren ang mga kamay ni Kate na nagwawala.
"Gusto mo syang makilala diba? Pagmasdan mo sya...pagmasdan mo sya! Sya si Zalea, ang babaeng puno ng pagmamahal, saktan mo, iwan mo! Nakahandang pagmahal ulet! Pero dahil sa mga taong paulet-ulet syang sinaktan! Pagmasdan mo ang nangyari sa kanya!" sabi ni Fren.
Umiling-iling si Kate. "Kilala ko si Zalea, Fren...Hindi ako yan...wala ng pag-asa ang babaeng nakikita mo."
"Tama ka, hindi yan ang Zalea na nakilala ng lahat. Itigil mo yan, itigil mo na ang pagsira kay Zalea. Get up...get up Zalea..."
"Kayo ang tumigil na. Kayo ang sumira kay Zalea, Fren..." nanghihina na pumikit si Kate.
"Tulungan mo ang sarili mo Kate. Pagmasdan mo ang babaeng nasa harap mo. Sya si Kate Presston ang babaeng walang pakinabang."
Dumagundong ang dibdib ni Kate sa binitawang salita ni Fren. Hindi nya lubos malunok ang katotohanang wala na syang pakinabang. Nawalan sya ng halaga simula ng iwan sya Brix. Nawala ang Zalea, Nawala ang Sya.
Tumalikod si Fren samantala nakasalampak sa sahig si Kate.
"Pinalaya na kita noon e. Pero hindi mo ako sinunod. Sabi mo hawakan kita, sabi mo hawakan kita bagay na hindi ginawa ng kapatid ko. Bagay na ako lang ang umintindi." patuloy na umiiyak si Kate.
"Sorry Fren...Sorry."
Napayuko na lamang si Fren, ano pa ba ang hinihintay nyang sagot mula sa Reyna? Lahat sila may sala kaya patuloy lamang na hihingi ng paumanhin, kung hindi sya gagawa ng desisyon ngayon lalala ang lahat mauulet ang bangungot.
"Get up Kate, I'm doing it again...Leave this Palace. Find Zalea. Bigyan mo ng pakinabang ang babaeng yan, Dalhin mo sya kay Brix at doon mo makikilala si Zalea."
Pagtatapos nito at iniwan ang babaeng tuluyang nahiga sa sahig, pilit dinadama ang malakas na pag pintig ng puso dala ng huling salita ng Hari...
Ang sya'y palayain.
****
A/N: Kung nasubaybayan nyo ang Kwento ni Brix at Zalea maiintindihan nyo ito. Naiyak ako, ewan at dama ko ang sakit ni Kate. Ah basta yun na yun...
***
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
The Same Mistake (completed)
General FictionMAYBE THIS TIME & THE VIRGIN'S MISTAKE 2 The Same Mistake Again? pag nasaktan ka ng isang beses, uulitin mo pa ba? kaya mo pa ba? kung kaya mo.. sino ang pipiliin mo? ang kaya kang mahalin ng higit sa kaya mong ibigay o ...